MKOMA:Chapter8

297 5 0
                                    

Jomel's pov




Hindi ko alam ang nangyayari dito kay marie.Una muntik ng masagasaan,Pangalawa umiiyak ng umiiyak.Hinayaan ko na lang siya.Maya-maya kumalma na siya.



Marie ano bang nangyayari sayo?!"kalmadong tanong ko



Ang sakit lang kase ehh.Bakit lahat ng mahal ko niloloko ako.Mahirap ba akong mahalin.humihikbi parin nitong sabi




Makikinig ako!"sabi ko tsaka ko siya tinignan ng nakangiti



Yung daddy ko nakita kong may kasamang iba babae.Nasasaktan ako kase niloko niya kami ni mommy.Yung mommy ko ayoko siyang nasasaktan!"patuloy parin siya sa pag luha




Sigurado ka bang babae yun ng daddy mo malay mo katrabaho lang niya yun.Malay mo kaibigan niya lang yun.Dapat kase nangtatanong ka muna bago ka magisip ng kung ano-ano.Dapat kinausap mo muna yung daddy mo.Kase hindi mo alam na nasasaktan din siya.Malay sinisisi niya yung sarili niya.!"sabi ko.Mukhang na guilty naman siya.Kitang-kita ko sa mata niya ang pagsisisis.




Salamat!"sabi nito tsaka ngumiti
Salamat kase andito ka sa tabi ko ngayon.Teka ano nga palang ginagawa mo dito??!"nagtatakang tanong nito




Ano tinawagan ako ni trisha at sinabi niyang tumakbo ka nga daw at hindi niya alam kung saan ka hahanapin!"nakangiting sabi ko.
Inalalayan ko siyang tumayo .




Tara!?"sabi ko




Saan?!"tanong naman nito



Ice cream parlor alam ko kasing yun ang magpapangiti sayo ngayon!"nakangiti ding dagdag ko





Marie's Pov


Nagpapasalamat talaga ako kase dumating si jomel.Nagpapasalamat ako kase hindi niya ako iniwan.



Oh bakit ka nakangiti diyan!??"tanong ni jomel.Nagagwapuhan ka sakin no!"dagdag pa nito




Asa ka tsaka ako nakangiti hindi naman eh!sabi ko tsaka ng pout




Grabeh ka naman ang dami kayang nagagwapuhan sa akin sa school.Patay na patay nga sila sa akin eh!!sabi nito.Tinawanan ko na lang siya.




Ah!!ano..marie..may..tatanong..sana..ako..sayo..pwede..ba.!"utal utal na tanong nito.




Ano yun??nagtatakang tanong ko


Huminga muna siya ng malilim.
Can we now be friends??tanong niya.Natawa naman ako sa cacutean niya.




Hindi mo na kailangang magpaalam dahil pumapayag na ako!"nakangiting sabi ko tsaka abot ng kamay ko para makipag shakehands.




Agad agad naman niya itong kinuha.At nakipagshakehands din.Hindi ko alam pero pag lapat ng kamay ko sa kamay niya ay nakaramdam ako ng kuryente.Nakaramdam din ako ng kung ano sa tiyan ko.




Nagpaalam na kami sa isat-isa.Gusto pa nga niyang ihatid ako pero tumanggi ako.Gusto ko kasing magisip-isip bago ako umuwi sa bahay.




Pagtungtong ko palang sa may gate namin ay kinabahan agad ako.Hindi ko alam pero sobrang kinakaban talaga ako.

Pagpasok ko sa loob nakita kong busy si daddy sa kanyang cellphone habang si mommy naman ay umiiyak.Pagkakita ni mommy sa akin.Agad niya akong niyakap.




Anak saan ka ba nanggaling??umiiyak paring tanong nito

Si daddy naman tumakbo din para makiyakap.Pero hindi ako nagpakita ng kahit na anong reaksyon.Imbis kumalas ako sa yakap nila at umupo sa sofa.



Ipaliwanag niyo sa akin ang lahat!"galit na sabi ko.sa kanila.Nakita ko namang lalong tumindi ang iyak ni mommy.Pero wala akong pakielam dahil gusto kong malaman ang katotohanan.




Ano anak yung nakita mo kanina hindi ko siya bab---


Eh ANO!"galit na sigaw ko sa kanya.



Anak wag mong sigawan ang daddy mo ng ganyan hayaan mo siyang magpaliwanag!"sabi ni mommy pero hindi niya nakuha ang atensyon ko.Nanatili akong nakatingin kay daddy.



Yung babae kanina anak ko siya sa ibang babae!"


So totoo ngang niloloko mo lang kami!"giit ko



Anak hindi sa ganon.Sila nang mommy ang naunang makilala ng daddy mo.si mommy naman ngayon ang nagsalita




So ang sinasabi mo ay kabit ka lang ni daddy at ako ay anak lang sa labas---hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil agad akong nakatanggap ng sampal mula kay mommy.Pero imbis na sumagot pa nginisian ko na lang siya saka dumiretso papuntang hagdan para pumunta ng kwarto ko.



Anak..pagtawag ni mommy sa akin.Sorry anak..hindi ko na siya pinatapos dahil dali-dali.na akong nagtungo sa aking kwarto.





Ayokong makita ni mommy ang mga luhang nagbabadya na namang tumulo mula sa mga mata ko.Hindi ako nasaktan dahil sa sampal ni mommy,nasaktan ako dahil sa katotohanang hindi kami ang legal na pamilya.Nakakatawa lang dahil lahat ng pinaniniwalaan ko ay puro kasinungalingan lang pala.Im so pathetic..

Mahal ko o Mahal akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon