(Louise's POV)
Tahimik lang si Fred habang nag dadrive.
Naalala ko naman yung nangyari ng isang araw.
"Pffft.."
"Bakit?"
"Wala, may naalala lang ako"
"Psh! Ano ba! Yung sa amusement park na naman?"
"Hahahahahahaha!"
Hindi ko maexpect na ang isang womanizer na katulad ni Fred ay takot sa roller coaster ride.
(Flashback)
Woaaaah! Ang daming rides!
"Saan mo gusto sumakay baby? "
"Huwag mo nga ako ma baby baby diyan Fred!"
"Eh ano gusto mong endearment natin ha?"
Kunyari nagiisip ako..
"Tawagin mo akong Louise, para maganda, ok?"
"Eto naman, dapat may tawagan tayo, dapat ako lang yung tatawag sayo ng ganun"
"Daming arte eh"
"Hmmm.. bae? Ay wag yun.. love? Ay common na yun. Ano nalang.. aysshh!"
"Alam mo, pinapahirapan mo lang sarili mo"
"Mag suggest ka kasi!"
"A.yo.ko! Sumakay tayo dun oh!"
Turo ko sa roller coaster. Bigla naman nag iba yung mukha niya, mukhang kinakabahan.
"A-auhm, marami pang pumipila oh. Mamaya nalang? Dun muna tayo sa... Sa Merry go round! Look! Ang sweet diba? Makakamoment tayo dun, o dika sa ferris wheel? Hehe". Sabay hawak niya sa batok niya.
Tinignan ko naman siya, I observed the way he act.
Hahaha! Takot siyang sumakay sa roller coaster!
"Tsk! H-hindi ako takot sumakay diyan no, baka yan yung iniisip mo. Yung sa akin lang eh, mas maganda kung dun tayo sa makakapag usap tayo"
"Okay.."
"Talaga?! Haha! Sige, merry go round muna tayo!"
"Okay, kung ayaw mo sumakay sa roller coaster, bahala ka. Dun ka sumakay sa merry go round pr sa ferris para mamoment mo sarili mo, enjoy!"
Pumila naman ako sa roller coaster.
"Aysssssh! Oo na! Oo na!"
Ngumiti naman ako. Gotchaaa!
Ng malapit na kami sa entrance eh hinawakan naman niya yung kamay ko ng mahigpit. Teka? Bakit parang nilalamig to?
"Oy? Okay ka lang? Kung ayaw mo okay lang talaga, nilalamig yung kamay mo oh"
"H-hindi no, ano.. ganito lang pag excited ako, nilalamig yung kamay ko, hehe"
Kami naman yung sunod na pumasok, pero pinigilan niya ako.
"Sure ka na ba talaga Louise?"
"Oo naman"
Pumasok na kami.
"Fuck this" sabi niya
Umupo naman kami, at nilagay na yung seatbelt namin. Di pa nagsisimula pero grabeh, ang higpit ng hawak niya sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Love Between War
أدب المراهقينSomewhere between all our laughs, long talks, stupid little fights, and our lame jokes ..... I FELL IN LOVE