RELATI0NSHIP STAGES ♥

748 12 3
                                    

Stage 1 : Meeting.

Sa stage na ‘toh. Dito mo maki2lala ang magiging partner mo. Sabi nga nila, Sa simpleng Hi and Hello dun magsisimula ang isang relasyon. Parang getting to know each other. Ganun.Makikilala mo ang ugali nya at ganun din sya sayo.

Stage 2 : The Chase.

Sa stage naman na ‘toh na poporma si Boy. Dito na sya magsisimulang pumorma sa kay Girl. Mga simpleng dates or what.At bigla na sya dito magsasabing mahal na nya si babae at manliligaw na sya. Sa stage na ‘toh din magpapakitang gilas si boy para makita ni girl na deserving sya sa OO ni girl. Dito yung mga moment na mabait sobra si boy, Effort masyado magkita/magkausap lang kayo.Hindi nya makayanan na hindi kayo magusap. From the word nga na chase eh diba. Dito na mangyayari ang mga kilig ni girl dahil sa efforts ni Boy sakanya.Dito marerealize ni girl pag nagtagal na gusto na din nya si boy.

Stage 3 : Honeymoon.

Ang stage na toh ay ang stage kung saan sasagutin na ni girl si boy. Ayiii. Sila naaa. Sa wakas.Dumating na ang pinakahihintay ni boy. Tuwang tuwa na sya. At dahil nga sa bago/fresh palang ang relation nyo, Syempre sweet na sweet kayo sa isa’t isa. Ang dami nyong gustong gawin/puntahan na magkasama kayo.Para bang na sa twing magkikita kayo eh laging may spark at kilig kayo sa mga katawan nyo. In this stage, Parehas kayong masaya,kuntento. As in MASAYA.

Stage 4 : Comfortable.

Ang stage na ito ay natural lang.Dahil pag nagtagal ang isang relasyon, Mapupunta at mapupunta sila sa stage na ito.Kapag nagtagal ang relation nyo, Dun nyo palang malalaman ang tunay na ugali ng isa’t isa. Kung ano sya sa harap mo, At kung ano sya pag wala/nakatalikod ka. Dito na magsisimula ang mga katagang Bakit nagbago ka na? Dahil nga sa pagiging kumportable nyo sa isa’t isa lumalabas na ang inyong mga tunay na ugali.

Stage 5 : Tolerance.

Mejo komplikado na ang stage na ito. Dahil dito na magsisimula ang mga away at kalabuan ng relation. Hindi nyo na nabibigyan ng time ang isa’t isa. Yung isa binibigyan kayo ng reason para iwork out ang lahat. At papayag ka naman. Pero hindi nyo alam na hangga’t pinipilit nyo, Lalo kayong nawawalan ng spark. Ang dapat gawin dito ay ang magkaintindihan kayong dalawa.Palamigin nyo ang mga ulo nyo chaka kayo magusap. Sa stage na toh may mga doubts na kayo sa isa’t isa kung tatagal pa kayo.Pero syempre, Kung paglalaban nyong pareho, Magtatagal kayo.

Stage 6 : DownHill.

Ang stage na toh ay masama na.Minsan, Hindi mo na mabigyan ng oras ang karelasyon mo. Para bang nate-take mo nalang sya for granted. Kasi nga puros away nalang ang ngyayari sainyo. Minsan si boy/girl iiyak nalang sa sulok at maghihintayan nalang kayo ng text or call ng isa’t isa.May mag gugusto na ayusin ang relasyon nyo pero ang isa ay may pinagpipilian ng choice. Which is Holding on or Giving Up. Hindi mo na sya pinagtutuunan ng pansin dahil ayaw mo na ngang masaktan sa mga susunod na mangyayari. Or pwede din na nagsasawa ka na kasi paulit ulit ang ngyayari sainyo. Pero hindi nyo ba naisip? Kayo ang magkakampi sa relasyon na pinasok nyo. Pero bakit, Parang kayo pa ang naglalaban ngayon? Parehas lang kayong matatalo.Dito nyo masasabi na nawawalan na kayo ng spark. Nawawalan na ng pag-asa ang isa. Naboboring na ang isa at parang ayaw na nya. Pero kung mahal nyo talaga ang isa’t isa, Hindi ba’t ipaglalaban nyo ito? Maging mapagpasensya kayo. Tulad nga ng sabi nila, Pag pinilit mo, Lalong papangit. Pero kung naging mapagpasensya kayo, At magtutulungan kayong pareho,Maganda ang mararating nyo.Minsan nakakaboring ang pagibig,Pero if you’ll just wait patiently it will be amazing. Kung mahal nyo pa ang isa’t isa, Bakit hndi nyo subukan ulit? Bumalik kayo sa stage ng honeymoon. Gawin nyo ulit yung mga bagay na nagpapasaya sainyo. Yung mga bagay na alam nyong masasatisfy ulit kayo. Gawan nyo ng solution. Magusap kayo ng masin-sinan.

Stage 7 : Breaking Up.

Halos 75% ng mga relation ay nahahantong dito. Dahil hindi na nga makaya ang tolerance. Pero naisip nyo ba? Hindi kaya’t masyado lang kayong nake- carried away ng mga nararamdaman nyo? Wag nyong sabihing ayaw nyo na kung di nyo pa nasusubukan. It takes time.Kung talagang mahal nyo ang isa’t isa bakit hindi nyo subukan ulit? Para lang kayong nasa gitna ng laban nyan e, Kung sakaling may madapa, matapilok or may mangyaring masama, Tulungan mo ang karelasyon mo, At pag sayo ngyari yun, Ganun din ang gagawin nya sayo. Wag nyo ng pairalin ang mga pride nyo. Sabi nga ng iba Its better to lose your pride than to lose your love. Wag nyo ding sabihin na Eh kasi sya e.Wag mong sisihin ang karelasyon mo, Parehas lang kayong sumusubok dito. Parehas nyo tong ginusto. Wag mo ding sabihin na Eh kasi ba naman, Bakit puros away/tampuhan nalang?! Hindi naman tatagal yan kung hindi nyo patatagalin hindi ba? At pag hinayaan nyo ngang maputol ang relasyon na pinasok nyo, Dun na ang stage ng “Strangers, Again”

=============

an :

ayieee..! >////< amp.!

baby ice ♥

LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon