ShortHappytopainfulLovestory

66 4 0
                                    

Lumipas ang mga araw.

Buwan..

Di muna ako tumambay sa bahay namin doon malapit kina Mel.

Mahirap na kasi, masasaktan lang ako kapag dinidedma ako ni Nierz.

Ilang buwang lumipas at naging okay naman ako.

Naka move on rin at may bago na nang iniibig.

Si Ives.

Boyfriend ko siya, una.. Trip lang yun. Kasi para naman matabunan na nang iba yung feelings ko kay Renier.

Okay naman kami.

Lagi kaming magkasama. Hanggang sa natutunan ko rin siyang mahalin.

Hindi nga yung mahal lang eh. Hindi sapat yung mahal sa pagmamahal ko sa kanya.

Kasi mahal na mahal ko siya.. Naibigay ko kasi yung mga bagay at buong pagmamahal na kaya kung ibigay sana kay Renier.
Tinanggap ni Ives yung pagmamahal na ibinibigay ko.

Ibinigay ko lahat kay Ives,yung pagmamahal,oras,at bagay na kaya kong ibigay. Tinudo kona.kahit mag wa-one month palang naman kami.

Pinapakita niya namang mahal niya ako,kahit minsan parang mas mahalaga pa ang barkada niya kaysa sakin.

Peru okay lang naman, I did my part naman eh.

His caring sweet and lovable, lagi siyamg pupunta sa bahay namin kapag nakakauwi na ako galing school.

Pag gabi naman tatambay ako sa kanila.
Minsan naman dun na ako nagpapalipas nang gabi.

Ayaw niya kasing mag isa akong umuuwi. Minsan naman kasi hinahatid niya ako.

Peru kadalasan naman,naglapalusot na masakit daw ang paa.
Tinatamad lang pala, at minsan gusto lang talagang doon ako sa kanila matulog.

Bagay na alam naman nang mommy ko.
Napakilala kona naman si Ives kina mommy,at naipakilala narin ako ni Ives sa mommy niya.

Unexpected ngang nalaman kong Ako palang ang unang babaeng dinala niya sa bahay na syota niya at pinakilala.

Biroin niyo? Sa dinamirami namang naging babae nito,ako palang daw ang dinala niya sa bahay nila,sabi yun nang mommy niya. Nakilala kona ang mga kapatid,stepdad at uncles niya.

Ganon din naman siya, napakilala kona siya sa mga tito at tita ko.

Pati kay Mel at Bespren ko din.

-
Pasko na at ito yung pinakapaborito kong okasyon sa whole year.

Buong linggo lang naman akong na kina Ives natulog,
Nagsisimbang gabi kasi ako.
Ako. Kasi di naman daw Catholic si Ives. Saka.. Tamad siya ehh..hinahatid niya lang ako sa simbahan saka niya ako iiwan at uuwi siya uli,at matutulog. Galing diba?

Nasa simbahan ako ngayon,huling gabi na nang Simbang gabi.
At Yes! Nakumpleto ko! Achievement to para sakin everyyear eh.

Pagkatapos nang misa biglang nag ring ang phone ko.

*phone rings..*

Tita Elise calling.

Mommy ni Ives,tumatawag..

"Hello tita?"-sagot ko sa tawag.

"Iha.. Nasan ka?"-malambing niyang tanong mula sa kabilang linya.

"Nasa simbahan po.. Galing po ako nag attend nang mass.bakit po?"-tanong ko nang may respeto.

Close kami nang mommy niya,peru nahihiya parin ako noh. Tsk!

The MAPAGMAHAL At TANGA story(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon