why?

99 3 0
                                    

2 days after..

Nakitext sakin si Ethan, si Mel yung katext niya.

Peru ako naman ang inuutusang mag type.. Tamad!

Sinabi ko na kay Ethan yung problema ko.

Pinangaralan niya ako kung anong tama at mali.

Alam ko naman yung tama at mali ehh.

Mali na nga yung nagawa namin ni Renier. Dadagdagan ko pa? Ang sama ko na non,diba? Si Renier?? Bahala siya. Kung ayaw niya sa anak niya. Di ko naman ipipilit eh..

Kanina umaga lang nakaalis si Renier. Fiesta kasi sa probinsya namin. You know.. Hacienda de Gracie xD

Gusto ko sanang sumama at gusto rin sana akong pasamahin ni Ethan.

Kaya lang..

"Ano tol? Sinabi mo kay gresiel? Wag mong ipaalam.. Hindi pa naman ako nagpaalam kina mama.. Pumunta kana dito sa may kanto, nandito ako."

Text from : Insan Mel

To : Insan Mel
"Ahh.sige."

Yun nalang nireply ko kahit di naman inutos ni Mel.

"Sige,, alis kana.. Ayaw kasi yata akong pasamahin ni Mel eh. Lalo na yung si Renier.umalis kana.. Naghihintay na si Mel sa may kanto."-sabi ko kay Ethan na pilit na ngumingiti.

"Sigurado ka? Pwede ko namang pakiusapan si Mel eh."-sabi niya na nag aalala

"Wag na.. Wag na nating ipilit.. Di rin ako pwedeng makasama..mabilis magpatakbo si Mel, baka kung mapank pa yung baby ko."-sabay himas ko sa tiyan ko.

"Ganon ba.. Tama ka rin.. Tatawag nalang ako mamaya ah."-sabi niya.."mag iingat ka greshang ah,ingatan mo ang pamangkin ko."-sabay tingin niya sa tiyan ko.

Tumango naman ako at nginitian siya.

Sa kabilang bahay na muna ako..
-
Nandito ako ngayun sa kwarto ko.

Umiiyak. Di ko na alam ang gagawin ko.

*ring...*ring...*ring...*

Kuya Ethan calling..

I answered the phone.

"Hello?*snif*"-sagot ko.

"Greshang, umiiyak kaba? Pasensya kana ang tagal kong nakatawag.. Wala kasing signal eh. Kailangan ko pang maghanap."-paliwanag niya.

"*snif* okiey lang..*snif* naiintindihan ko.. Kumusta naman dyan? Ano nang nangyayari?"-tanong ko sa kanya.

"Wag ka ngang iiyak dyan Greshang, nakakasama kay Baby pamangkin ko yan ehh"-inis niyang sabi.

"Di ko kasi mapigilan eh.."-this days nagiging emosyunal ako at ang bilis mag damdam.

Naisip ko kasing ayaw akomg pasamahin ni Renier kasi di siya makakapang chicks pag andon ako.
Si Mel naman, pinsan na pinsan ko. Ayaw rin akong pasamahin!

Buti pa yung di ko ka ano-ano. May paki!
Tsk!

"Tama na yang iyak Greshang.. Okay naman dito. Nasa disco kami.. Lumabas na muna ako. Ang ingay kasi eh"-sagot niya sakin.

"Ahh. Si Renier? Anong ginagawa niya ngayun? Ok ba siya?"-tanong ko. Habang pigil parin ang iyak.

"Nawala bigla si Renier eh. May kasama yun kanina, textmate niya ata yun eh."-sabi niya.

Napaiyak nalang ako nang marinig ko yun.

"Wag mo na muna siyang isipin please.. Ang isipin mo ang baby mo.. Ingatan mo.. Sige matulog kana.. Uuwi rin kami bukas nang Gabi."-sabi niya.

The MAPAGMAHAL At TANGA story(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon