She's important

65 4 0
                                    

(Chelsey Greysiel Rayales's Pov)

Magmula nong araw na umalis si Daisy para bumalik dun, saamin. Nang dahil kay Mel.

Si Paul na yung lagi kong kasama.

Magdadalawang buwan narin, at mahaba na ang dalawang buwan para mas makilala ko pa si Paul.

His kind and Sweet, napaka protective. Yun ang tamang term. Kung kami siguro, Posisive yung itatawag ko. But no! Kahit na buong campus, ang alam ay ikakasal na kami ni Paul. Ang totoo ay hindi naman kami.

Peru kung itinadhana na talagang kay Paul ako matatali ay wala na siguro akong magagawa.
Kasi hindi narin dapat pa akong umasa na pupuntahan ako ni Renier at magmamakaawang siya yung dapat kong pakasalan dahil may anak kami.
Peru hanggang pangarap ko nalang din yun.
Hindi naman sa ginagamit ko lang si Paul.. Peru kasi.. Ayoko rin naman nang ganon. Kaya kung maaari lang ay sana ay di matuloy.. Unti-unti narin kasing nahuhulog yung loob ko sa kanya, na hindi naman pwede dahil may anak ako sa ibang lalaki.

Isa pa, may karapatan siyang makahanap nang taong sa kanya lang talaga.


Nasa canteen ako ngayun,Kumakain nang Fries.

Lumulobo na ang katawan ko,kasabay narin nang tiyan kong anim na buwan na.

Kunting tiis nalang,lalabas na siya.

Excited na ako na kinakabahan.
Excited? Kasi makikita kona ang little angel ko.

At kimakabahan,kasi naisip ko kung magiging mabuti ba akong Ina sa kanya.

Schedule ko nang Check-up sa Obegyne ko ngayun. After lunch yun kaya,ilang oras nalang. Busy si Julius lately sa mga meetings niya..
Pumunta kasing Europe si Lolo kaya siya ang napagbilinan sa mga office works at iba pang naiwang trabaho ni Lolo,since siya naman ang pamamanahan nang business nila.

I open my Netbook na binigay pa sakin ni Julius para may magamit daw ako.

Well. Parang advance gift niya na rin sakin para sa birthday ko.

Malapit na yun ah.. Sa November na..
Kabuwanan kona rin yun.

Nagvideo call ako kay Julius. Dalawang araw ko na siyang di nakikita eh. Medjo namiss ko yung sweetness nang mokong nayun.

Finally he answered.

I saw him Flipping some pages of the folder his holding.
"Hey Greysie."–bati niya.

"Hi Juls. Kumusta naman?"–tanong ko.."mukhang stress na stress ka ah? Mgpahinga ka naman."–paalala ko. Mukha kasing haggard na yung gwapo niyang mukha eh.

"Saka na ako magpapahinga pag nakauwi nako dyan, saka.. Binibilisan kong taposin para naman makauwi na ako't makita na kita."–kilig naman ako dun. Loko!

"Nakikita mo naman ako araw-araw ah. Kahit andyan ka, nag vivideo'call parin ako sayu."–sabi ko.

Ngumiti siya.. Yung matamis na ngiti. "Gusto ko kasi yung kasama ka."–nag init yung mukha ko nang sabihin niya yun.

"Baliw ka talaga!"–inirapan ko lang siya.

"Baliw sayu.."–malambing at seryoso niyang sagot sakin.

Nakakainis.. Kimikilig ako.

"Youre blushing.. Gresie."–pang'aasar niya sakin..

Tumingin naman ako sa salamin ko para tingnan yung mukha ko.
Konti lang naman eh.

"Hindi ah!"–tanggi ko.

"Eeehhhhhhhy.."–patuloy parin niyang pang'aasar.

"Ano baaa.. Hindi nga.. Hmmm.. Teka.. Kailan kaba babalik?"–tanong ko sa kanya.. Akala ko kasi makakasama ko siya sa check-up ko.. He promise me. But I understand.. Parang di naman mabuti yung pagiging demading at spoil ko sa kanya.

"Secret.."–ngiting'aso niyang sabi."miss mo ko noohh.??."–He's teasing me again. Badboy.

"Di ah! Tinanong ko lang..check'up ko kasi mamaya sa Obgyne ko."

"Hey Chels! Kanina kapa hinahanap nang asawa mo."–biglang dumating si Denise..

Nakita niyang kausap ko si Julius.
"Ohw. Hey bro! Kumusta?"–ahh.. Close din pala sila?

"Here.. Busy.. Busy for the future."–titig siya sakin.

"Well. Andito ako para ipaalam sana kay Chelsey na hinahanap.na siya nang asawa niya. Your brother."–kibit'balikat niya.

"Go ahead,Greysie. Hinahanap kana nang ASAWA MO"–pagdidiin niya.

Problema nito?
"Cge.. Bye Juls. See you soon.."–paalam ko.

At inioff na..

Nang makita na namin si Paul sa may Library saka na ako iniwan ni Denise.

"Where have you been?"–tanong niya na parang ang init nang ulo. "Dont you know,Im looking for you in almost 2 hours.. San kaba nagpunta?"–ito naman. Ang init nang ulo..

"Lumamon muna kasi ako eh, nakita kong may kausap kapa kanina, kaya di nalang muna ako nagpasama sayu."–paliwang ko.

"You should have told me."–inis parin yung mukha niya.

"Eeehh.. Gutom na ako eh. Saka ayokong makastorbo, mukhang importante kasi yung–"

"Greysie MAS IMPORTANTE KA!"–natigilan naman ako sa sinabi niya.

Tama na ang lakas non para mapatigil ako.
Peru nakabawi naman ako.

"Ano bang pinagsasabi mo dyan,Paul? Alam mo? Tara na.. Ang init nang ulo mo eh, kaya kung ano-anong sinasabi mo.. O baka... Gutom lang yan! Tara kain tayu.. Nagutom na uli ako eh."–sabay hila ko sa kanya.. Hinawakan ko ang kamay niya..peru pinatigil niya ako nagpaglalakad.

"Look Greysie.. Im serious here.please naman.. Seryosohin mo naman ako,puro ka biro eh."–Inis parin niyang sabi. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay..

"As you said a while ago,Paul.. Just go with the flow. Sineseryoso ko naman.kaya lang..mahirap..magiging magulo lang ang resulta,kaya wag na."–nginitian ko lang siya.

"Napasukan na natin ang gulo,Greysie."–malambing peru madiin niyang sabi.

I just sign.

"Pwede kong bawiin–"

"No..."–pagdiin niya.

*sign*

"Pe-peru,Paul.."–pagmamatigas ko.

"I said no.."–ulit niya.

"Hindi pa natin alam ang mangyayari,kaya wag na nating pagtaluhan to.. Gutom na ako. Tara.. Kain na tayu."–Sabay higit ko sa kanya.

He just sign at pilit na ngumiti.

"Fine..Peru..."–ngumiti siya.

"Gusto ko yung masarap na panaghalian ah."–sabi niya.

"Hmmm.. Aha! Ipagluluto nalang kita. Peru.. Sana.. Magustohan mo naman .. Minsan lang akong magluto eh. Saka.. Ikaw palang makakatikim uli nag luto ko."–ngiti kong sabi.

"Talaga?!?! Sige sige sige."–lumiwanag na yung mukha niya.

Saka kami pumunta sa apartment ko.  

The MAPAGMAHAL At TANGA story(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon