papauwi na noon si Renz dahil kakatapos lamang nilang hanguin ang kanilang iniaryang lambat sa laot. Nang may mapansin si Renz sa di Kalayuan. Isang styro ang lulutang lutang at nakita niyang may gumagalaw sa ibabaw nito. Agad inilihis ni Renz ang timon ng bangka at tinungo ang styro. Isang umiiyak na sanggol ang kanyang nakita. Marahil matagal na itong umiiyak kaya halos wala na rin itong tinig.
"mahabaging diyos! Sino kayang walang pusong ina ang nagpaanod sa batang ito. Mabuti na lamang at hindi siya nahulog sa laki ng mga alon." wika ni Renz
Kinuha ni Renz ang bata. At agad ikinulong sa kanyang mga bisig.
"boss Renz iuwi mo na lang yang bata at ituring mong tunay na anak. Tutal wala ka pang anak eh. " wika ni Rommel na kanyang kasakasama sa pamamalakaya.
"basta't wala kang pagsasabihan ng tungkol dito Rommel. Tayong dalawa lang ang nakaka alam ha."
"areglado bossing, papalabasin nating galing yan sa naanakan mong babae sa bulacan."
"sige Rommel may tiwala ako sayo."Tuwang tuwa naman si aling Claire ng iabot ni Renz ang sanggol sa kanya.
"masyado ka talagang malihim na bata ka. May nabuntis ka na pala hindi mo man lang sinabi sa akin."
"buti na nga lang po nay ibinigay nya yan sa akin bago sya nagpunta sa ibang bansa."
"aba ay dapat lang na sayo nya iwanan to dahil anak nyo to. Hindi naman maipagkakaila dahil hawig sayo ang bata."
matapos palitan ng diaper ang bata at mabihisan ay muling kinarga ito ni Renz.Habang karga niya ang sanggol ay muling bumalik sa kanyang ala ala ang nakaraan.
"kumusta na kaya siya? Maayos kaya siyang nakapanganak? Anu kaya ang naging anak namin?." Mga katanungan sa kanyang isip habang nakikita niya ang imahe ng babaeng nakamaskara sa kanyang isipan.Maayos na napalaki ni Renz ang bata. Tila naghatid sa kanya ng malaking swerte ang batang pinangalanan nya ng Karryle. Dahil magmula ng dumating ito sa kanya ay hindi pa sila na zero sa pamamalakaya. Naging tatlo na ang bangka ni Renz na ipinalalabas. Ang kanilang simpleng bahay ay unti unting gumaganda. Nagiging maalwan ang kanilang pamumuhay.
Isang taon na ang lumipas kasalukuyang ginaganap ang birthday party ni Karylle. Tuwang tuwa ang bata na pinapanuod ang clown na nirentahan ni Renz. Ang araw na ito ang ika isang taon mula ng mapulot ni Renz ang Bata.
Habang masayang nagdiriwang sa bahay nila Renz ay patuloy namang nagdurusa si Jan louisse sa kanyang tahanan. Ayaw niyang maalala ang araw na ito. Dahil ito ang ika isang taon mula ng mawala sa kanya ang kanyang anak.
"umiiyak ka na naman friend. Kalimutan mo na sya. Malamang kapiling na sya ng panginoon."
"Kasalanan ko Clarisse. Kasalanan ko kung bakit nawala sa akin ang aking anak." umiiyak na sambit ni Jan louisse.
"wala kang kasalanan! Aksidente ang nangyari." alo ni Clarisse sa kaibigan.
"Hindi Clarisse kung hindi ko sana siya iniwan. Kung hindi ko siya binitawan buhay pa sana siya ngayon."
"nagkakamali ka Clarisse. Kung ikaw nga eh tatlong araw ka bago nagkamalay. Yun pa kayang bata. Tanggapin mo na lang na hindi sya para sayo. Marahil may iba pang dahilan ang panginoon kung bakit nya ginawa ito sayo."walang magawa si Jan kundi muling tumangis. Sa tuwing maiisip niya ang kanyang anak ay walang sandali na hindi siya mapapaiyak.
patuloy pang lumakad ang mga taon. Hindi na nagawa pang mag asawa ni Renz. Ang kanyang anak anakan na si Karylle ay isa ng dalagita. Maayos niyang napag aral ang bata dahil patuloy ang kanyang pag asenso.
"Pa meron po kaming school play sa friday manuod po kayo nila lola at tita lenlen ha."
"Sige anak manunuod kami nila Lola mo. Galingan mo ha."
"syempre naman po. Kanino ba naman ako magmamana kundi sa magaling at gwapo kong Papa." nakangiting wika ng dalagitang si Karylle.
"Naku segurado may hihingiin ka na naman noh. Pag ganyang binobola mo ako palagi akong kinakabahan eh." wika ni Renz.
"si Papa Talaga! Gusto ko po magkaroon ng celphone. Gusto ko yung katulad ng binigay mo kay tita Lenlen."
"Nainggit ka na naman kay tita. Eh dalaga na yun at may boyfriend na kaya pwede ng mag celphone. Eh ikaw dalaginding ka palang. Saka ka na mag celphone kapag naka graduate ka na ha."
"papa naman!"
"oh wag matigas ang ulo. Ayaw ko ng ganyan. Basta mag aral kang mabuti at pag naka graduate ka na bibigyan kita ng celphone."hindi na pinilit pa ni Karylle si Renz bagkus pumasok na lang ito sa sarili niyang kwarto.
Narinig ni Aling claire ang usapan ng mag ama.
"anu ka ba naman Renz. Bat ayaw mong bigyan ng celphone ang anak mo? Hindi ka ba naawa sa kanya? Siya lang ang walang celphone sa mga magkakaklase.?"
"Eh kasi nay baka matutong mag boyfriend si Karylle eh."
"malaki na ang anak mo. Seguro naman alam na nya ang tama at mali. Baka lalong magrebelde yan pag hindi mo pinagbigyan."pansamantalang nag isip si Renz.
"Sa palagay ko tama kayo nay. Hayaan nyo bukas na bukas din ay isasama ko si Karylle sa mall para mabilhan ko ng celphone."
Lingid sa kaalaman ni Renz ay lihim na nakikinig si Karylle sa usapan ni Renz at ng kanyang Lola.
"Yessss! Ang galing talaga ni Lola na convince nya si papa"patuloy ang pagsampa ng swerte kay Renz. Mula sa pagiging tagapamalakaya ay isa na siyang mamamakyaw ngayon. Pinapakyaw niya ang mga huling isda ng mga namamslakaya at ibinibiyahe nya ang mga ito sa palengke na nasasakupan ng bataan. Gaya ng Balanga, Hermosa at Orani. Nakakuha siya ng mga tindera na pwede niyang bagsakan ng mga napakyaw niyang Isda.
Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon. Napadaan si Clarisse sa Palengke ng Orani ng mamataan niya ang isang pamilyar na lalaki. Kanya itong tinitigan upang mKa tiyak.
"Renz Russel Policarpio. Is that you?" tanong ni Clarisse upang makaseguro.
Tumingin sa kanya ang tinawag at lumapit sa kanyang sasakyang nakahinto. At ng mamukhaan siya ng binata.
"miss Clarisse Olarte, ikaw nga! I didn't expect to see you here!"
"pareho lang tayo. Hindi ko inaasahan na dito ka na pala sa Bataan naninirahan. Anong ginagawa mo dito?""Ang mabuti pa Miss Clarisse mag snack muna tayo. Libre ko!"
hindi naman tinanggihan ng dalaga pa ring si Clarisse ang alok ni Renz.
"ibig sabihin big time ka na ngaun Renz? Ikaw na ang supplier ng isda dito sa Orani."
"Mejo sinuwerte lang. Seguro kung hindi mo kami pinaalis sa manila baka hindi ganito ang estado ng buhay namin."
"Pasensya ka na ha. Yun kasi ang utos eh."
"Kumusta na nga pala sila?"
"sinong sila?"
Yung anak ko at yung babaeng binuntis ko."
"Ahhh actually wala na sya."
"Sinong wala na?"
"yung anak mo."
"oh common, wag kang mag alala hindi ako maghahabol."
"Im serious Renz. She past away for almost 12 years." malungkot na wika ni Clarisse.
"Eh anung nangyari sa nanay?"
"Ayon very traumatic sya. Until now hindi maka move on dahil sa nangyari."
"ang lungkot naman pala ng sinapit nilang mag ina." wika ni Renz.
"saan ka ba dito sa Bataan? Pwede ka bang mabisita minsan?"
"sa limay ako. Baka magulat ang anak ko kapag may bumisita sa aking magandang babaeng katulad mo."
"Bakit Renz maganda ba ako sa paningin mo?" Tanung ni Clarisse. Sabay nagpapungay ng kanyang mata.
"oo naman! Bihira lang ako magsabi ng maganda. Ikaw at ang anak ko pa lang ang nasasabihan ko ng maganda." nakangiting sagot ni Renz
"O sya tama na! Baka kung saan pa mapunta tong usapan na to. Isa pa baka maubusan ako ng oras i have a business meeting in subic baka ma late ako. Lagot ako s boss ko." tumayo na si Clarisse at isinabit ang shoulder bag sa kanyang balikat.
"okey sige" tumayo na rin si Renz.Iiling iling na lamsng si Renz habang nakatingin sa papalayong sasakyan ni Clarisse.
"Di talaga ako makapaniwala friend! Hindi ko akalaing makikita siya doon. Grabe mas lalo siyang naging yummy."
"sino?" tanong ni Jan louisse.
"si Renz, grabe kung wala lang akong meeting that time baka inaya ko na sya mag hotel."
"sira ka talaga! Sino ba kasi yung Renz na yun? Ipakilala mo nga sa akin."
"naku friend hindi pwede"
"at bakit naman hindi pwede?"
"Ah eh kasi..."
"kasi ano?"
"kasi... Kasi sa akin lang sya. Baka agawin mo sya sa akin."
"kumunot ang noo ni Jan louisse sa sinabi ni Clarisse. Alam nya may itinatago ang kaibigan. At kung anu man ang itinatago nito ay dapat niyang tuklasin.