Isa sa naging paraan ni Jan louisse upang malimutan ang nangyari sa kanyang anak ay ang pamamahagi ng mga gamit sa mga estudyante. At isa sa nabunot niyang pangalang ng eskwelahan ang paaralang pinapasukan ng anak ni Renz na si Karylle. Excited na si Jan louisse na bumiyahe patungo sa bataan upang mamahagi ng school supplies sa mga bata. Limang truck ng school supplies ang ipinamahagi ng milyonarya. Masayang nakamasid ang dalaga sa bawat mga batang nabibigyan ng mga gamit pang eskwela. Ang bawat mga bata ay may ngiti sa mga labi. Napukaw ang kanyang atensyon sa isang dalagita na nakikipagkwentuhan sa ilang kaibigan. Nilapitan niya ang dalagita at pinag masdan niyang maigi. Ang hugis ng mukha nito ay nahahalintulad ng sa kanya. Sa pakiwari niya ay ang dalagitang ito ang pinabatang bersyon ng kanyang katauhan.
"anung pangalan mo Neng?" tanong ni Jan louisse ng malapitan ang dalagita.
"Karryle po. Karryle Policarpio." nakangiting wika ng dalagita.
"ang ganda mo namang bata.
"Thank you po! Kayo rin po miss Jan louisse napakaganda nyo at ang bait bait nyo pa." magalang na sagot ng dalagita.
Biglang tumulo ang luha sa mata ni Jan louisse.
"miss bakit po? May nasabi po ba akong masama? Sorry po ah"
"Hindi iha! Wala kang nasabing masamama. Naalala ko lang ang aking anak ng makita kita. Pasensya ka na ha." sabay tumalikod si jan louisse dahil hindi na niya mapigilan ang umiyak. Dumeretso siya sa kanyang sasakyan. Hahabulin pa sana siya ni Karylle ng may napansin ang dalagita na nalaglag mula sa bag ni Jan louisse. Pinulot ito ng dalagita at ihahabol sana sa dalaga ngunit mabilis na nai start nito ang sasakyan at agad na umalis. Walang nagawa si Karryle kundi itinabi na lamang ang napulot niyang bracelet na galing sa bag ng dalaga.
"sana bumalik sya para mIsoli ko ito." malungkot na sabi ni Karylle."talaga friend? Kamukha mo talaga yung bata? At halos kasing edad na ni Caela kung nabubuhay pa sya?"
"oo clarisse napaka ganda niyang bata. At ang bait bait pa. Gusto ko syang balikan para makilala ko ang mga magulang nya."
"Baka lalo ka lang mangulila sa snak mo friend pag ginawa mo yan. Isa pa baka mamaya samantalahin nila ang kabaitan mo mahirap na. Remember kahawig mo lang sya pero hindi mo sya anak. Alam mo naman seguro kung anong nangyari sa anak mo hindi ba?"
"Buo na ang pasya ko Clarisse gusto kong makilala ng lubusan ang bata. Gusto siyang bigyan ng full scholarship para makapag aral sa magandang university dito sa manila. O kaya kahit sa Harvard o Yale nya pa gusto."
"Wala ka na talagang magawa sa kayamanan mo anu Friend?""Oo kesa naman wala akong mapagmanahan ng lahat ng ito."
Muling nakipagkita si ClaRisse kay Renz. Hanggang sa naikwento na rin ni Clarisse sa binata ang buong nangyari sa mag ina. Ang buong pangyayari sa dagat kung papanong inanod si caela ng malakakas na alon. At naisip din ni Renz na ang petsang iyon ay ang petsa kung kelan niya natagpuan si karryle.
"hindi kaya si Karryle at si Caela ay iisa?" tanong sa isipan ni Renz.
Agad nagpaalam si Renz kay Clarisse.
"pasensya na Clarisse may mga dumating na isda sa pampang kailangan kong puntahan. Sayang kasi yung mga yun saka na lang ulit tayo magkita."
"Teka Renz, pwede mo naman ipaubaya yun sa mga tauhan mo." ngunit mabilis n nakalayo si Renz kaya hindi na niya ito na habol.
"kainis, nagpGanda pa naman ako ng husto tapos iiwanan lang din pala ako! GRRR!"walang kamalay malay naman si Clarisse na muling binisita ni Jan louisse ang eskwelahan ni Karryle. Hindi upang mamahagi ng school supplies kundi upang muling makita si Karryle. At dahil sa muling pagbalik ni Jan louisse ay nagkaroon ng pafkakataon si Karryle na maisoli ang bracelet na kanyang napulot.
"ikaw pala ang nakapulot niyan? Napaka bait mo naman at isinosoli mo pa sa akin yan."
"Kasi sa inyo po ito eh. Nakita kong nahulog sa bag nyo kayA pinulot ko. Hinabol ko po kayo pero hindi ko na po kayo naabutan. Mabuti na lang po at bumalik kayo."
"Nagustuhan mo ba yung bracelet? Kung gusto mo ibibigay ko sayo yan!"
"Talaga po! Hindi po kayo nagbibiro?"
"Syempre hindi! Sige sayo na lang yan at ingatan mo ha! Gusto ko magmula ngayon magkaibigan na tayo. O kaya ituri mo na lang akong mama mo!"
"wow! Talaga po! Gusto nyong maging mama ko kayo? Ibig sabihin magkaka mama na po ako?"
"oh bakit? Wala ka bang mama?"
"Wala po e, papa ko lang po ang kasa kasama ko pati si lola at si tita."
"bakit? Nasaan daw si mama mo?"
"ang sabi po ni Papa nag abroad daw si mama tapos di na sya bumalik hanggang ngayon. Kaya hanggang ngayon po wala akong mama."
"eh di kung ganun may mama ka na ngayon."
"maraming salamat po! Ang sarap po pala ng feeling kapag may mama at maganda ring katulad ko."Upang lubos na mapasaya ni Jan louisse ang bata ayvisinama niya ito sa restaurant at iginala pagkatapos gamit ang mamahalin niyang sasakyan. Masayang masaya naman ang dalagita sa maikling panahong ibinigay ni Jan louisse sa kanya. At bago pa tuluyang lamunin ng dilim ang araw ay inihatid na ng dalaga ang dalagitang si Karylle.
"papa! Masayang tawag ng dalagita.
Lumabas ng bahay si renz ng marinig ang boses ng anak.
"papa dali may ipapakilala ako sa inyo."
lumapit si Renz sa anak na nakahawak sa isang napakagandang babae.
"pa, sya po ang bagong mama ko. Si mama Jan louisse"
"halika nga ditong bata ka." wika ni Renz.
At ng makalapit sa kanya ang bata ay inakbayan niya ito.
"Pasensya na kayo sa anak ko maam. Wala kasi rito ang mama niya kayA kung sino sino ang tinatawag na mama." wika ni Renz ng bumaling siya sa napakagandang dalaga.
"Okey lang po. Actually ako po ang nag sabi sa kanya na tawagin nya na lang akong mama. Kasi wala po akong anak."
"tuloy po muna kayo sa bahay namin maam. Doon na lang tayo magkwentuhan. Pag pasensyahan nyo na lang po at maliit lang ang bahay namin."
"naku wag po kayong mag alala. Mas maganda pa nga po yan kesa sa ibang bahay na napupuntahan ko.Matapos na makapasok sa loob ng bahay si Jan louisse. Humanga siya sa ganda at linis ng loob nito. Halatang maasikaso sa bahay ang naka tira.
"sya nga po pala maam ako nga pala si Renz Russel policarpio. Ang ama ni Karryle. At sya naman ang nanay ko si Nanay Claire.kapatid ko yung isa si Lenlen. Kami lang ang nakatira dito sa bahay."
"kumusta po kayo! Bati ni Jan louisse."
"matagal na ba kayong nagkakilala ng anak ko maam?"
"actually nagkakilala kami nung time na namahagi kami ng school supplies sa kanilang eskwelahan. Nagandahan ako sa kanya kaya nilapitan ko."
"Bakit maam may balak po ba kayong gawing artista ang anak ko?" tanong ni Renz.
"actually gusto kong gawin siyang maging higit pa sa isang artista."
"ano pong ibig nyong sabihin maam?"
"Gusto ko syang pag aralin at bigyan ng full scholarship hanggang college. Kung papayag ka mr Policarpio."
"po! At anu naman ang magiging kapalit maam?"
"wala akong hihilinging kapalit mr Policarpio. Sa totoo lang nasa akin na ang lahat! Pera, sasakyan bahay lupa at kung anu anu pa. Isa lang ang wala sa akin."
"Anu naman po yun?"
"Anak! Wala akong anak! At kung papayag ka na ako na lamang ang maging nanay nanayan ng bata. Pero huwag nyo pong isipin na kukuhanin ko sa inyo ang bata. Gusto ko lamang pong maramdaman na maging isang ina."
"Nagtataka lamang po ako maam, kasi sa dami nang inyong kayamanan. Bakit hindi nyo po naisipang mag ampon na lamang ng ibang bata bakit ang anak ko pa?"
"Hindi ko rin po alam mr. Policarpio, basta parang merong nag udyok sa loob ko na gawin ko ito sa inyong anak. Napaka bait nyang bata. At maayos ang pagpapalaki nyo sa kanya. Yun seguro ang dahilan kung bakit siya ang napili ko."
"kung gsnun po hindi ko kayo tatanggihan sa gusto nyong mangyari. Basta wag nyo lang po ilalayo sa amin ang anak ko."
"makaka asa po kayo mr Policarpio. Dadalaw dalawin ko lamang po ang inyong anak.At katulad nga ng sinabi ni Jan louisse madalas na siyang dumadalaw sa bahay nila Karryle. Hanggang isang araw ipinasyal ni Aling Claire Si Karryle kasama ang ate Lenlen niya.
Dumalaw si Jan Louisse nung araw na iyon at tanging si Renz lang ang kanyang naabutan.
"ah wala ba sila Karryle mr Policarpio? Sige babalik na lng ako sa ibang araw.
"teka bakit hindi ka muna pumasok at ng makapagkwentuhan muna tayong dalawa."
Pinaunlakan ni jan Louisse ang anyaya ng tatay ni Karryle.
"Pwede bang Renz na lang ang itawag mo sa akin maam? Masyado kasing formal kung Mr Policarpio."
"pwede naman! Pero sa isang kundisyon."
"ano pong kundisyon maam?"
"wag mo na rin akong tawagin ng maam. Louisse na lang. Masyadong formal kung tatawagin mo akong maam."
"okey sige po maam ay Louisse pala."
biglang nagkatawanan ang dalawa.
Gustong gusto namang makita ni Renz na nakatawa ang bisita. Napakagabda nitobg pagmasdan sa masaya niyabg mukha. Hanggang sa hindi namalayan ni Renz na nakatitig na siya sa magandang mukha ng dalaga. Napahinto naman sa pagtawa si Louisse ng mapansing nakatitig da kanya si Renz. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Louisse. Pakiramdam niya ay biglang tumigil ang pag ikot ng mundo. Nakasalubong ang kanilang mga tingin habang ang kanilang mga labi ay unti unting naglalapit. Palapit ng palapit hanggang sa tuluyan ng maglapat.