Prologue
"Aliyah are you sure about leaving? hindi ba pwedeng-" nag aalala ang boses nya.
"Tyler I'm fine.. okay? And this is not the first time naman na pupunta ako sa Lucena.." Dumungaw ako sa bintana ng makinig ko ang busina ng sasakyan.
"So I guess.. Hmmm.. Tatawag nalang ako mamaya.. Text me okay?" Nanatili ang mga mata ko sa pinsan kong kabababa lang ng sasakyan.
Hindi ko maalis ang tingin ko sasakyan dahil para bang pamilyar ang isang to sa akin o baka dahil madilim pa sa labas. Madaling araw pa lamang ngunit sabi ni Daddy ay agapan na namin ang pagbyahe.
"Alright.. I need to go.. Andyan na sina Izabelle.. Bye" hindi ko na napatay ang phone ko at hinayaang sya nalang ang mag end ng tawag.
"Susubukan kong sumunod.. Ingat kayo.. Sige na bye" malungkot ang boses nya dahil hindi sya makakasama sa pag uwi ko sa lucena.
Napasinghap ako ng ilang sandali at ipinatong ang phone ko sa kama.
"Aliyah!! For goodness sake.. Anong oras na?" Maarte syang umupo sa aking kama at agad kinuha ang phone ko.
"Sino ang kasama mo Iza? Ngayon ko lang nakita ang sasakyan na gamit mo?" Ngumuso sya sa tanong ko at agad nagbago ang ekspresyon ng muka nya.
"Sasama ba ang boyfriend mo?" Kinuha ko agad ang phone ko sa kamay nya.
"Anong boyfriend?" Pinagtaasan ko sya ng kilay pero ganon din ang isinukli nya sa akin.
"Duh! Don't try to deny it Ali.. Madalas kayo ang magkasama ni Tyler at halos lahat iniisip na kayong dalawa na.." Tumayo ako at kinuha na ang mga gamit ko dahil kukulitin lang ako ni Iza agad naman nyang kinuha iba ko pang gamit.
"Buong bakasyon ba tayo sa lucena? Dala mo na ang buong bahay ah" hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sakanya.
Hindi din kasi kami gaanong close dahil hindi ko sya madalas makasama o kung may okasyon man sa aming pamilya ay hindi kami nagkakausap dahil masyadong malaki ang aming pamilya nagkataon lang na gusto ni Daddy na may makakasama ako.
Mas kaclose ko ang pinsan kong si Destine dahil mas madalas ko syang makasama ngunit architecture din ang kanyang kinukuha kaya nahihiya akong mang abala dahil may summer class sila kasama sina Tyler.
"Ayaw mo bang sumama? Okay lang naman dito ka nalang-" nakatulala pa rin kasi sya sa may pintuan na para bang ayaw nya pang lumabas.
"Eto na nga cous oh!" Napangiti nalang ako.
Sumunod sya sakin pababa ng hagdan at agad nahagip ng mata ko si Harris na nakapagpatigil sa paglalakad ko kaya nauna na sakin si Iza sa pagbaba ng hagdan.
Sumunod lamang ako kay Iza at nang magtama ang aming mga mata ay agad syang lumapit kay Iza para kunin ang mga dala nitong gamit.
"Dalhin ko na sa sasakyan.." Tumango nalang ako at agad akong lumingon kay Iza.
"Iza sinabi ko naman na sayo-" pabulong kong sinabi kay Iza.
"Ali relax okay? Si Tito Jordan ang nasabing isama naten si Harris.." Hindi ko alam kung magagalit ba ako kay Iza o kay Daddy.
"Iza alam mo naman na hindi maganda ang naging relasyon namin-" nangatog ang tuhod ko ng kinuha nya ang mga gamit na hawak ko.
Hindi ko manlang na napansin na nakapasok na sya agad sa bahay.
"Ihahatid ko lang kayo sa Lucena Ali and I'll go back here in Manila nahihiya lang ako kay Tito na tanggihan ang alok nya.." Nilingon ko sya at napansin ko ang magulo nyang buhok.
White v neck shirt at black maong pants lamang ang kanyang suot na hindi nya madalas gawin lalo na tuwing lalabas sya.
Mukang kakagising nya lang din natural lang siguro na maging ganito ang itsura nya dahil alas sais palang ng umaga.
"Pwede namang ako nalang ang mag maneho Harris nakakahiya sayo ang sabi din sakin ni Tyler ay marami pa kayong gagawin dahil may summer class-"
Linggo ngayon ng madaling araw sigurado akong may ipapasa ulit silang plates bukas dahil nabanggit sa akin yun ni Tyler.
"That's what I'm talking about maraming ginagawa si Tyler kaya wala kayong makakasama kundi ako.." nabasag ang boses nya at agad lumabas ng bahay dala ang mga gamit ko.
Wala na akong sinabi kung yun pa rin ang gusto nyang paniwalaan ay wala na akong magagawa.
Tyler is my bestfriend wala naman namamagitan na kung ano pa man sa aming dalawa.
Hindi ko pa rin maintindihan si Harris na hanggang ngayon ay mainit pa rin ang dugo kay Tyler kahit wala na kami.
Apat na buwan na ang huli naming pag uusap at dahil lang lang yun sa naiwang gamit ni Destine sakanya.
"Sa unahan kana umupo para hindi naman magmukang driver si Harris nakakahiya naman.."
Pumasok agad si Iza sa passenger seat at sinaraduhan ako ng pinto.
"Let's go.." Pinagbukas ako ng pinto ni Harris sa front seat na pinagkunot noo ko pero mabilis na syang nakaikot. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod at pumasok nalang din sa loob.
Nilingon ko ang pinsan kong si Izabelle na ngayon ay mahimbing na agad ang tulog sa likod. Inilibot ko ang aking paningin sa sasakyan ni Harris.
It's been a year nung huli akong sumakay dito dahil kahit noong kami pa madalas ay si Tyler ang naghahatid sundo sakin dahil sabi nya ay marami syang gawa kaya bihira ko lamang syang makasama.
"Are you hungry?" lumingon ako sakanya na seryoso pa rin sa pagmamaneho.
"Nagbreakfast na ako bago umalis.." nilingon nya ako kaya agad akong napaiwas ng tingin sakanya.
"You can connect your phone or ipod here if you want to play some music.." Hinanap ko agad ang ipod ko pero naalala kong nasa isa ko yung bag na nasa tabi lang ng natutulog na si Iza.
Napasapo ako sa aking ulo ng maalala ko ang phone ko na naiwan sa aking kwarto. Sunod sunod ang mahihinang mura ko sa aking sarili.
"Stop cursing when I'm with you.. I don't like it.." tama lamang ang lamig ng kanyang sasakyan pero na goosebumps ako sa kaba.
"I can't find my phone.. naiwan ata sa kwarto ko.." pagdadahilan ko at iniwasan ko na muling magkasalubong ang aming mga mata.
"Do you want me to go back again?" ramdam ko ang paglingon nya sa aking pwesto kaya patuloy nalang akong naghanap ng kung ano mang mahanap sa bag ko wag lang magtagpo ang mga mata naming dalawa.
"Don't.. malayo na tayo may extra phone pa naman ako" mabuti nalang dahil may extra phone ako kaso ay text lang ang pwedeng gawin dito dahil emergency phone ko lang ito.
"Here.. you can use my phone.. but I am not sure if you still like my music.." inabot nya ang phone nya sakin.
"Okay.." Kinuha ko ang phone nyang nakaconnect na sa audio ng sasakyan nya.
"I also don't mind if you use my phone to text him.. but please.. don't let him flirt with you while using my phone.."