Nang makabalik na ako sa party ay medyo madilim na ang langit. Papasok palang ako sa loob ay may mga iilang nakakasalubong na ako na bumabati sakin at tipid na ngumingiti din ako sa kanila.
Halos wala ng tao sa loob ng bahay at nakikinig ko ang ingay ay sa may pool side na. Suot ko ang earpods ko pero kinig ko pa rin ang ingay lalo na ng makarating na ako sa mismong lugar kung nasaan ang party. May infinity fool na nagpamangha sa akin.
May stage sa gitna ng pool na medyo pinagkakagulahan ng mga tao. Nagsasayaw na rin ang neon lights kasabay sa pinatutugtog ng isang kilalang dj sa lc. Pinasadahan ko ang malaking garden kung nasaan ang mga tables na may kanya kanyang usapan. Sa gilid ng pool ay may mga nagbebeer pong.
Nahagip agad ng paningin ko si Iza na panay ang inom ng shots habang nakikipagtawanan sa mga kaklase namin noon habang nasa gilid lang nya si Kier na may kinakausap na morenang babae.
"Aliyah!!" Sigaw ng pinsan ko sa gitna ng ingay ng makita nya ako.
Habang papalapit ako ay sumenyas sya sa katabi nya para siguro umipod at nilagyan nya ng upuan sa gitna nila ni Kier.
"Crap! Finally you're here muntikan na akong mapasubo sa kung kanino.." Maarte nyang bulong sakin at sinenyas ang babaeng kausap nya kanina.
"Bakit? Anong nangyare?-" Halos mapanganga ako ng pasadahan ko ng tingin ang katabi nya.
Si Tatyanah (yanah) yung girl crush ni Gazier pero Bisexual at hindi sya nagustuhan kahit anong suyo nya. Pinasadahan ko ulit ang maikli nyang black dress actually parehas silang nakadress ni Iza.
"Oh.. Anong problema sakanya?" Yun lang ang nasabi ko.
"Sabi ni Kier sakanya ay Bi din ako.." Nakita kong namula ang pisngi nya hindi ko alam kung dahil sa galit.
"Ano?!!" Hindi ko sinadya pero napahagalpak agad ako ng tawa.
"Wag mo akong tawanan.. Kasi itong si Kier malakas ang tama dyan sa katabi nya na kapatid naman nito ni Yanah kaya ako.. Ako ang dinawit nya.." Siguro kung hindi malakas ang music ay makikinig ng ibang tao ang galit at inis sa boses nya.
"I don't know what to say.. That's insane Iza!" Nahulog ang tingin ko sa dala kong gift ng sinilip yun ni Iza.
"Ano yan?" Agaran nyang tanong saka ako inabutan ng smirnoff.
"Gift ko sana.." Kinuha ko ang binigay nyang smirnoff at inilagay sa tabi ang paper bag.
"Sana?.." Takhang tanong nya at saka ulit kumuha ng isang shot ng tequila.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. Hindi ako sanay na ganito sya ngayon kalakas mag inom. And I think parehas silang lasing mamaya ni Kier.
"Hey Iza.. How about let's talk somewhere else?" Halos maibuga ko ang iniinom ko sa gulat ng pumunta sa harap namin si Tatyanah na medyo mapupungay na ang mga mata.
"Hi Ali.." Kaway nya ng mapansin ako ngumisi lang ako at tumango.
Nilingon ko naman si Iza na hindi ko maintindihan kung lasing na ba or masyado lang tense. Mabilis nyang nilagok ulit ang isa pang shot ng tequila.
Lumapit sya kay Kier at bumulong pero kinig na kinig ko naman.
"I'll just give this shot to you.. And I'll shoot you later.." May diin ang pagkakasabi ni Iza at saka tumawa.
Bumaling samin si Kier na halos mabiyernes santo ang mukha dahil na interrupt ang pakikipag usap sa kapatid ni Tatyanah.
Nag dirty finger pa sya kay Iza ganon rin ang ginawa ni Iza.
"ASSHOLE!!" Natawa ako sa sigaw ni Iza habang nagpapatinaod sa higit ni Tatyanah.
Now what? Halos wala akong makausap pero okay na rin sa akin. Pinanuod ko nalang ang iba habang nagpaparty.
"Those eyes that always get someone's attention.." Tumindig ang balahibo ko sa batok ng maramdaman ko ang hininga nya.
"What the f-" muntikan na akong mapamura sa gulat.
"Go away Keine! Baka masapak kita.." Kinig kong bulyaw ng pinsan kong si Kier sa gilid.
"Chill man! Bisita sya kaya dapat inientertain.." Halakhak ni Keine na nasakin pa rin ang atensyon.
"Entertainer kana? Gago!" Halakhak din ng pinsan ko.
"So.. Hi? Keine Chengco nga pala?" Nag abot sya ng kamay pero tiningnan ko lang yun at pinagtaasan sya ng kilay.
"Ganyan kaba makipagkilala?" Ngisi nya sakin.
"Then.. Hello? I'm Aliyah.. Now? Can you stay away?" Di nagbago ang ekspresyon ko kahit ang totoo ay kinabahan ako.
Matagal ko na syang kilala at hanggang ngayon panay pa rin ang pangungulit ng isang to.
"Bro! Tigilan mo na kasi ang pinsan ko para kang gago eh!" Kinig kong medyo iritado na rin ang pinsan kong si Kier.
"Thank you.. Ganyan ba talaga ang mga mata mo? Are you drunk or sleepy?" Nabigla ako ng nagpwesto pa talaga sya sa harap ko.
Hindi ko mapigilan ang umirap sa kanya. Napakapresko ng isang to he looks like gay masyado syang maputi.
"Stop it Kuya.. Can you please behave just for once tsaka birthday ko oh!" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Prinslo.
"Alright.. Alright.. See you later Ali?" May pagkindat pa ang loko kaya inismidan ko nalang.
Nagtaas ako ng kilay ng hawak hawak nya ang maliit na paper bag at kinuha ang laman na maliit na box.
"I didn't know you'll give this kind of gift.. Masyadong expensive ang isang to-" Kumindat sya pero inagaw yun sakanya ni Prinslo.
"Go na kuya get some rest.. Lasing kana.." Ibinalik ni Prinslo yung box sa paper bag at ngumiti sakin bago nagsenyas ng thank you para dun sa gift ko.
Kita ko ang pagewang gewang na lakad ni Keine habang inaalayan ni Prinslo.
Kinuha ko ang phone ko at agad chineck kung may nagtext. Nangunguna ang pangalan ni Harris.
Harris:
Hey nasa party ka ba ng mga chengco?Ako:
YupHarris:
Nasaan ka dyan?Ako:
Why?Harris:
Wag na pala nakita na kita.Agad kong sinuyod ang mga tao sa bawat gilid baka sakaling makita ko rin si Harris. Abot abot na kaba ang naramdaman ko habang iniisip na pupuntahan nya ako.
Nagtunog ulit ang phone ko pero tawag iyon at hindi text. Tyler's calling..
"Hello-"
"Prinslo.. I love you.. I really do.."
Nanginig ang kamay ko dahil pamilyar ang boses na yun.
"Harris how about Aliyah? Matagal ang naging relasyon nyo? You don't just give me something special para maniwala akong wala na kayo.."
Kinig na kinig ko ang kaba sa boses ng babae pero parang nanghihina ang tuhod ko.
"Tapos na yun.. Tapos na kami.. Yes I loved her.. BEFORE Prinslo. That was before.. I never loved anyone just the same way that I love you.. Please.. Please.. Trust me.. Aliyah is just a part of my past and never will be a part of our relationship.. If you want to have a relationship with me.. Can you.. Can you be my girlfriend.."
End call..
Kinig na kinig ko ang frustrations sa boses nya. He never tell me those words..
Binaba na ng nasa kabilang linya pero gusto ko pang marinig. Kung ano.. Baka oo. Siguro Oo ang sagot nya. But damn! I used to be his girl.
Tyler:
I just want you to know what I saw..Ako:
I don't need to hear those words.Those words that I'm craving for..