Tatlong araw pa lang kami sa Lucena pero umalis na agad si Mama dahil naibili na daw sya ng ticket nina Daddy para sa trip nila sa singapore. Uuwi rin naman daw sila after 2 weeks ata.
Kaming tatlo lang ang naiwan dito sa bahay. Kung saan saan na agad nagplaplano ang mga pinsan ko wag na daw naming intayin yung iba na nasa manila pa.
"Hindi ka ba talaga sasama? Sayang naman dahil ang alam ko ay kasama dun yung iba nateng kabatch.." Nakaupo si Iza sa gilid ko habang sinusuklay ang hanggang dibdib nyang itim at shiny na buhok. Pinipilit pa rin akong sumama.
"Nahihiya ako hindi ko naman kaclose si Prinslo.." Hindi lang talaga ako mahilig sa party pero nasama naman ako minsan kapag mga pinsan ko ang kasama.
Ayoko lang talaga ng crowded hindi ako komportable sa hindi ko gaanong kaclose at ramdam kong ganon din naman sila sakin kaya quits lang.
"Okay lang yun sya naman ang nag invite sa atin and mahirap na.. ako lang kasama ni Kier parang hindi mo naman yun kilala.." Nakita ko pa ang pag irap nya ng dahil sa pinsan namin.
"Sige na sasama na ako baka di kayo makauwi.." Napangiti nalang ako habang umiiling.
"Tama! Alam mo naman sa ating dalawa mas may alam ka sa pagmamaneho kasi kung si Kier ang magdadrive baka kami maaksidente how about kung ako pa baka sure na deretsong emergency room hindi bahay.." Humalakhak sya samantalang akoy nangingiti lang.
"Alright alright mag reready lang ako.." Agad agad kong kinuha ang towel para maligo di na rin naman sya umalma at tumango nalang.
Natagalan ako ay sa pagpili ng damit at pag bloblow dry ng buhok ko samantalang si Iza ay kanina pa gayak at ako nalang ang iniintay. Nauna na din syang lumabas sa kwarto at kakausapin nya pa daw si Kier.
May tatlong kama sa kwarto para sa amin talaga ito nina Destine tuwing uuwi kami. Malawak sa loob dahil tatlong kwarto sana kaso ayaw ni Iza mag isa kaya ginawang isang malaking kwarto nalang.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin nakasimpleng white t shirt,shorts at converse lang ako pero natagalan pa ako. Sa aming tatlong girls na mag pipinsan palaging kami ni Destine ang napagkakamalang magkapatid. Mas maitim lang ang kulay ng akin pero parehas kaming may mahabang pilikmata.
Inilugay ko ang aking buhok na dark brown at may kulot na kaonti sa dulo. Ayokong may dalang bag kaya agad kong niready ang lagayan ng aking earpods bago ako bumaba ng bahay.
"Sa wakas bumaba ka rin!! Excited na ako sa party.." Naunat unat pa si Kier habang malapad ang ngising lumalakad papuntang garahe.
"Nako Kier wag ako! Hindi party ang habol mo kundi babae.." Saka lang ako nilingon ni Iza.
"Palagay naman nito sa bag mo.." Na no choice nalang ang pinsan ko.
"Ano pa bang magagawa ko.. Haaay nako aliyah yung mata mo talaga parang walang kaemo emotion manlang.." Napakunot ang noo ko kay Iza.
Sanay naman na ako sakanya na palaging ganyang ang komento tungkol sakin.
Sobrang magkaiba kami ni Iza kung sya ay gustong palaging nasa spotlight at medyo may pagka attention seeker.
Actually head turner talaga si Iza kaya madalas ay sya ang pinanlalabang Ms. sa aming school. Si Destine naman ay palaging naiisali sa teatro kung hindi angel,diwata at prinsesa ang lagi nyang ginagampanan dahil sa maamo nyang mukha.
Ako ang palaging nasasabihin na muka raw resting bitch face dahil nga sa aking mata kaya madalas akong mapayahan pero kailanman ay hindi ako nakikipag away palaging si Iza at Destine ang nagtatanggol sakin.
