Magkasunod na nakapark ang sasakyan ni Harris at Kier sa likod ng isang school sa gilid ng simbahan. Pinagmasdan ko yung madalas namin kainanan nung high school kami yung tokwahan na katapat lang din ng pinag parkan namin.
Nagtanguan lang si Harris at Kier hindi ko ba alam kung bakit parang sila pa ang naaawkward sa sitwasyon. Hindi na din naman kami pinatulong ng dalawa sa paglilipat ng gamit sa sasakyan ni Kier.
"Mas nakakalakas magbuhat ng ganito kung may pafoods ano pre?.." kunyare pang nag papahid ng pawis si Kier bago tinapik si Harris.
"Hindi naman-" nakita ko pang siniko ni Kier si Harris dahil sa hindi pag sang ayon.
"Pambili kaya?.." Umirap pa si Iza dahil alam na agad nya na kaming dalawa ang magbabayad.
"Ikaw na muna.." Yun lang ang tanging sinabi ni Kier at inakbayan pa si Iza.
"Alam mo ikaw? kuripot ka pa rin hanggang ngayon.." Inalis ni Iza ang pagkakaakbay sakanya ni Kier bago kami tumawid sa tapat kung nasaan ang bilihan ng tokwa.
"Tingnan mo naman oh.. Nalabas ang muscles ko nito sa mga pinapabuhat nyo.." Hindi ko na mapigilan ang tumawa dahil kahit nasa kabilang kalye ay kita ko ang pag papakita nya sa kanyang muscle.
"Gay!! Wala naman yan.. Taba lang yan!" Natatawang sabi ni Iza saka bumaling sa tindera.
Pinag tuonan nalang namin ng pansin yung bibilhin namin. Hindi lang naman tokwa ang meron dito may mga fisball,kikiam,squidball etc.
"Anong akin dyan?" Excited na tanong ni Kier habang nag aabang na abutan namin sya ng pagkain.
"Anong akin ka dyan? AMIN lang" ngumisi nalang ako ulit sa dalawa habang nag aagawan sa dala ni Iza na pagkain.
"Ikaw anong sayo?.." Napalingon ako kay Harris na nakatingin sa hawak kong pagkain.
"Ah.. Ito yung sayo.." Ngumiti ako sakanya kahit awkward kong inabot yung para sakanya.
"Bawal ako ng maanghang Aliyah.." Umiling sya sakin at itinuro ang hawak kong tokwa.
"Ah.. I know.. Pinahiwalay ko yung sayo dahil alam kong bawal.." Ngumisi ako kahit may bahid ng pait ang boses ko.
"Ahh ano salamat.." Ngumiti sya sakin kaya tumango nalang ako.
"Ehem! We should go na siguro Harris! Salamat sa pag hatid bro!" Tinap ni Kier ang balikat ni Harris.
Habang nabyahe pauwi sa bahay ng Lola ko ay panay ang asaran ng dalawa samantalang ako'y natutulala at iniisip ang maaaring sabihin kay Harris.
Mag sosorry ba ako sa text o ano nahihiya ako dahil inabala na namin sya ay nagawa ko pang magtaray habang nasa sasakyan nya kanina. May kung anong kumikirot sa dibdib ko kapag iniisip ko ang mga sinabi ko kanina.
Hindi ko din kasi masasabing nagbreak nga kami kasi wala naman sa amin ang nakipagbreak. I didn't try to confirm kung totoo ba yung issue sa nangyare noon sa kanila ni Althea basta bigla nalang kumalat na silang dalawa na.
"MAMA!" Tumakbo na agad ako sa Lola kong napatayo sa may sala ng makitang pumasok kami ng bahay.
"Kumusta na ang aming mga prinsesa?.." Tumatawang sabi nya habang niyayakap ako.
Nag mano ako at hinalikan ang lola ko sa pisngi. Lumapit si Iza at niyakap na din ang aming lola nakipag unahan pa sya kay Kier mag bless.
Tiningnan kong mabuti ang mansyon at kagaya noon ay formal pa rin ang pagkakadesenyo wala manlang akong nakitang alikabok o agiw. Naisip kong sensitibo nga pala si Mama sa mga gamit. Ultimo sa mga vase at sa dalawang chandelier sa sala at sa may dining table ay napapaawang na naman ang aking bibig dahil mas lalo atang gumanda at gumara ang lahat ng nandito sa bahay.
Maghapon kaming nagkwentuhan sa sala ngunit panay pa rin ang pagtatalo ni Kier at Iza kahit sa paglilipat ng channel kaya madalas ay sa akin iniaabot ni Mama para di maka angal ang dalawa.
"Hindi ba uuwi ang mga pinsan ninyo?.."
"Busy pa po sa school si Destine kaya mukhang matatagalan pa po ang pag uwi nya.." Medyo malungkot kong sinabi.
"Ahh ganon ba? Kier ang kambal mo ba ay hindi din ba makakauwi?"
"Hindi po yun uuwi dahil nandun ang kanyang mga babae.." Halos maibuga ni Mama ang iniinom nyang tsaa sa sinabi ni Kier.
"At bakit wala ba syang babae dito?" Natatawa si Mama sa kanyang itinanong.
"Babae lang po ni Kier ang nandito Ma.." Singit naman ni Iza
"Ang mga babae pala dito sa Lucena ay sayo lang bawal para sa kapatid mo?"
"Nako Ma wag nyo na pong itanong lahat naman po ay gusto nya para lang sakanya.." Sangat na naman ni Iza.
"Naaalala ko nga noong mga bata pa kayo.. Yang si Kier ay palaging nakikipagtalo sakanyang kuya dahil laging binibigyan ng masasamang komento ang mga babaeng nagkakagusto sa kuya nya.."
"Nako Ma ganyan talaga kapag naiinggit.." Nakisali na rin ako.
"Bakit ako na naman po Ma? Kapag nagkakagusto nga yan si Kuya ay ako naman ang gusto ng babae-"
"Baliw! Noong una kang nagkagusto ay pinaglalaban mong maganda dahil sabi mo ay maganda ang legs.." Singit ni Iza
"Naalala ko yan grade 4 palang ata tayo nun.." Umiling pa ako habang sinasabi
Nagtawanan kaming tatlo habang si Kier ay napapakamot nalang sakanyang batok.
"Maganda naman talaga yung legs eh.." Lalo kaming napahagalpak ng tawa sa sinabi ni Kier.
Namiss ko ang ganito pero sana ay makauwi rin ang iba pa naming pinsan para mas sumaya si Mama.
Bihira nalang kasi kaming makabisita rito ang palagi lang atang napunta ay si Kier dahil sya ang malapit. Dito lang naman sya nag aaral sa lc.
Tumunog bigla ang phone ko kaya agad kung hinanap sa mga bag ko.
"Aliyah sino yan? Ang dati mo pa rin bang nobyo?" Nagulat ako sa biglaang tanong ni Mama.
"Hindi po Ma" agad kong kinompirma hindi para umasa si Mama kundi para sakin..
Para hindi ako umasa.