Chapter 1

21 0 0
                                    

Wala akong nagawa kundi ang tumingin sakanya at pagtaasan sya ng kilay. Ngunit nagkamali ata ako ng desisyon nangatog bigla ang binti ko ng sumulyap sya sakin bago nagbuntong hininga.

"May sasabihin ka ba? Are you going to defend yourself? Kasi kung oo ay ititigil ko muna sa isang tabi ang sasakyan. Ayokong mabangga dahil ibibigay ko sayo ang buong atensyon ko.." Laglag panga ko syang tiningnan pero parang wala lang sakanya yun at nag aantay pa rin sa isasagot ko.

"Wa-wala naman akong dapat ipaliwanag.." And now I'm stuttering.. This is insane!

"Okay then.. It's true.. Mukhang bestfriends turn into lovers ano?" Ayan na naman ang gago nagagawa pang ngumisi kahit alam kung may bahid na sarcastic ang pagkakasabi nya.

Pumikit ako ng mariin at hindi nalang pinatulan pa ang mga tanong nya. Medyo kumukulo na ang dugo ko sa mga sinasabi nya. Hindi naman sa pagiging bitter pero ayoko na munang makasama sya.

Kung may magagawa lang sana ako kaso ay masyado silang close ni Daddy kaya kahit anong gawin ko ay no choice dahil ayoko rin mag commute magisa.

Ngayon ko lang talaga naisip na ang tagal rin naming naging mag kaibigan pero actually hindi naman kami close kumbaga nasa circle of friends ko lang sya.

And then one day naging close nalang kami dahil din siguro sa kami nalang ang naiwan noong high school bukod sa tatlo kong pinsan pero halos lahat ng mga kaibigan namin at iba ko pang pinsan ay ahead na sa amin.

May tatlong kapatid si Daddy yun ay si Tito Javier na asawa ni Tita Gretchen, si Tito Charles na asawa ni Tita Cladine, at ang bunso nilang kapatid na babae si Tita Isabelle na asawa ni Tito Zac.

Anak ni Tito Javier ang twin na si Gazier at Kier na pinaghiwalay ng school dahil palaging nag aaway kabatch ko sila.

Anak ni Tito Charles si Kuya Luigi na ahead sa akin ng dalawang taon at si Destine na ahead naman sa akin ng isang taon.

Anak ni Tita Isabelle si Izabelle parehas kaming iisang anak at mag kabatch din kaming dalawa.

Anim lang kaming mag pipinsan kaya kahit hindi kami lahat magkakabatch ay pinalaki kami na parang magkakapatid.

"Aliyah?.." Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto sa gilid ko.

Bumungad sa akin ang pinsan kong si Iza na may pag kabrown hooded eyes kaya halatang halata ko ang pagkapugto ng kanyang mga mata.

Bago pa ako mag salita ay nilingon na nya si Harris na naghihintay din sa gilid nya. Hindi ko napansin na nakaidlip na pala ako sa byahe. Tumigil lang kami para kumain muna sa isang fast food chain.

"Pasensya kana.." Nagulat ako sa bigla nyang sinabi. Nakapila kasi kaming tatlo para umorder.

"Ha?.." Kunot noo ko syang tiningnan at nilingon ang pinsan kong si Iza na panay ang singhap sa kung sino man ang katext nya.

Hindi ko pinansin si Harris at hinayaan ko nalang sya sa likod namin na nakapila rin.

"Humanap kana ng pwesto naten ako nalang ang bahala.." Nilingon ko si Harris pero hindi naman sya nakatingin sa akin.

Hihilahin ko na sana si Iza para sana samahan ako pero hinawakan ni Harris ang kamay ko at nagkunwari pa syang umubo kaya nakuha nya ang atensyon ni Iza na mukhang natauhan naman na ngayon ay tumatamalikod na sa amin.

"Iza.. Wait.. Anong sayo?" Hinila ko pa ang braso nya bago pa makalayo.

"Okay na ako sa 1pc chicken and.. Breast part yung akin ha.." Kumindat pa sya pero matamlay syang naghanap ng bakanteng table.

"Anong sayo?" Bigla nyang tanong sa gilid ko iniwas ko na agad ang tingin ko bago pa ko magtangkang lumingon sakanya.

"Hmmm.. Kagaya nalang nung kay Iza pero spicy yung akin.." Bigla kong naramdaman ang pag galaw ng kamay ni Harris sa kamay ko.

Halos malimutan kong hinawakan nya nga pala ang kamay ko at hanggang ngayon ay hawak nya pa rin. Agad kong binitawan ang kamay nya at nagtangkang kumuha ng wallet.

"Don't insult me.." Inunahan nya ako sa pagbabayad at agad hinawakan ulit ang kamay ko. Bigla bigla na naman akong nagogoosebumps.

Hanggang ngayon ba naman ay ganito pa rin pala ang epekto nya sa akin. Yung tipong naninibago pa rin ako sa biglang pag wawala ng sistema ko na matagal ko ng hindi nararamdaman.

Hindi na ako muling nag salita hanggang sa matapos kaming kumain. Si Iza ay hindi rin naman umiimik dahil busy pa rin sakanyang phone. Minsan ko lang ibaling ang atensyon ko kay Harris dahil nag aalala akong baka kabahan ako sa mga tingin nya.

Salamat naman sa Diyos at hindi nagtatama ang mga tingin namin dahil baka mapatunayan kong hindi pa rin ako nakakaget over sa aming dalawa.

"Ginawa ko yun dahil may lalaking nakatingin sayo kanina kulang nalang ay hubaran ka.." Bago pa ako lumingon sakanya ay inunahan na nya kami sa paglalakad.

Pinatunog nya agad ang kanyang equinox pagkalabas namin. Pinagbuksan nya ng pinto si Iza saktong pagkabukas ko naman ng sa may front seat ay bigla nyang sinara.

Tiningnan nya muna ako pagkatapos ay binuksan muli ang pinto at nagbuntong hininga.

Pinag taasan ko sya ng kilay at binigyan sya ng "what's wrong with you?" look pero umiling sya at nagbuntong hininga na naman.

"I know I've been jerk.. But damn! Don't insult me I can open this f*cking door for you.." Laglag panga akong tumingin sakanya habang papunta na sya sa driver seat.

"Woah! That's what you called.. EX pero pagbubuksan ka pa rin ng pinto.." lumingon ako sa pinsan kong di pa rin pala nakakasakay ng sasakyan.

Parehas kaming gulat sa nangyare pero nangingiti nya pang biglang pinasadahan ang aking buhok at kunyareng hawak nya iyon at dahan dahan nyang ipinapasok sa sasakyan.

"Weird!!" Umirap nalang ako kay Iza pero ewan ko ba kung bakit nangingiti rin ako.

"Haba ng hair.. Umaabot hanggang edsa girl!" Binulong pa ni Iza pero kinig ko na naman. At eto nagwawala na naman ang buong sistema ko.

Nauna na si Iza sa akin pagsakay samantalang ako'y ikinakalma muna ang sarili.

Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok. Eto na naman ang loko nakatingin sa akin gamit ang mga matang nagpahulog sa akin ng husto.

My Sweetest HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon