Mahalagang bagay ang kasal hindi ba? Isa itong pangmatagalang pangako. Panghabang-buhay na responsibilidad at pananagutan. Isa itong sagrado at banal na tradisyon na napakaimportante at mahalaga sa buhay nag tao, babae man o lalaki, bata man o matanda, payat o mataba, bulag o manhid, may paa o wala, nag-aaral o hindi dahil sa kasal nabubuo ang pamilya, pamilya na bubuo sa isang barangay, barangay na bubuo sa isang komunidad, komunidad na bubuo sa isang rehiyon, rehiyon na bubuo sa isang bansa, mga bansang bubuo sa isang mundo. Mundo na pinalilibutan ng mahigit pitong libong mamayan at sinasabi kong isa, natatangi at nag-iisa, bukod-tangi at walang kapareha ang inilaan para sayo. Inilaan para makasama mo sa buhay. Inilaan para makasama sa hirap at ginhawa, sa lungkot at tawa, sa problema at biyaya, sa simangot at ngiti, sa pagtulog at paggising, sa pagbuo ng pamilya at isang taong mamahalin ka ng tunay at lubusan. Ang taong bubuo at kukumpleto sa buhay mo at sa iyong pagkatao. Ang taong magbibigay kulay at buhay sa puso at buhay mo. Taong ibinigay sayo ng Panginoon, taong itinadhana sayo at pinana ni Kupido sa puso kasama ng iyo.
Isa lang ang pinupunto ko rito, isang desisyon at pagpili ang kasal. Hindi ito minamadali gaya nga pag-iisip nila sa pag-ibig, akala nila mauubusan sila. Mali yun, may isang tao na maaring nakasalubong, nakausap, naging kaklase, kaibigan o kaibigan ng pinsan mo, o kaibigan ng kaibigan mo, isang artista, manunulat, pintor, guro, o kahit sino pa yan ang maaring ang taong nakalaan para sayo. Walang may alam, walang nakakakilala, pero isa lang ang totoo rito, ang taong yun ang pinili ng Panginoon para sayo kasama ang puso mo.
Sa mahigit pitong libong tao sa mundo ay nabubukod at natatanging magpapakita sayo ng tunay na kaligayahan. Kaligayahan na kung saan matagal mo ng hinihintay at hinahanap. Hinahanap mo na kung saan saan na hindi naman dapat. Dapat hinihintay lang ang tamang tao para sayo at hindi kailangang magmadali dahil darating din siya. Siya na magpapasaya sayo, mangangakong nariyan sa tabi mo anumang mangyari sa harap ng Panginoon.
Pagbuo ng desisyon ang usapan dito.
Pagpili sa tamang tao ang usapan dito.
Pagkilatis at pakikinig sa opinyon ng iba na maaring magpamulat sayo sa kahibangan at kasinungalian ang usapan dito.
Isa lang pinupunto ko rito, mahal mo ang isang tao dahil mahal mo o iniisip mo lang na mahal mo kahit hindi mo naman totoong mahal at hindi mo namalayan na ang tunay na nagmamahal sayo ay hinihintay ka lang at nag-aabang sa gilid?
Mahal mo dahil sinabi ng kaibigan mo?
Mahal mo dahil sinqbi ng nanay mo?
Mahal mo dahil mahal mo?
O mahal mo dahil ipinipilit lang ng isip mo kahit hindi naman?
Mahirap kilalanin ang pag-ibig, maramin itong mukha. Maraming uri. Ang paghanap at pagtapat sa sarili ang tunay na makakatulong sayo. Pagbukas ng isip at ng mata, isama na rin ang puso na siyang nakakaalam ng lahat.
Akala ko siya na, akala ko siya na ang babaeng para sa akin pero mali ako, buti na nga lang at ang tadhana na ang nagpahinto sa akin. Buti na lang at naggising at namulat ako kaagad sa tunay kong nararamdaman kung hindi isang malaking pagkakamali ang ginawa ko.
Akala ko matatakasan ko siya, akala ko hindi ko siya mahal pero tadhana na ang tumulong sa akin para maiharap sa kanya ang katotohanan. Akala ko mahirap siyang mahalin pero mali ako dahil una pa lang na naglapat ang mga mata namin, pinili na siya ng puso ko.
Mindan nakapamapaglaro ng tadhana, papaikutin, paglalaruan, lolokohin, sasaktan, papaluhain, papatawanin, papasayahin, papahabulin, at pagtitripan ka pero may dahilan lahat ng iyon. May rason ang lahat ng bagay, may dahilan kaya ipinaparamdam sa atin ang mga yun dahil sa tulong ng mga bagay na yun ay mas makikilala at mahahanap natin ang ating mga sarili at makikita ang tunay na kaligayahang matagal na nting inaasam.
Isang tao ang muntik ng makatama sa mukha ko, isang taong tumulong sa akin na makahanap ng trabaho sa parehong araw. Sa sumunod na araw, I mean gabi, ibinigay ko ang sarili ko sa kanya. Ipinaubaya ko ang sarili ko kahit alam kong may girlfriend siya. Wala na akong nagawa, kinalimutan ko pero naalala ko pa rin palagi.
Nasaktan ako, pero makalipas ang ilang buwan isang biyaya ang ibinigay sa akin ng Panginoon.
Hindi ko gustong ilihim pero yin ang ginawa ko, hindi ko kaagad sinabi na napakamali sa lahat ng ginawa ko.
Akala ko talaga mahal ko ang girlfriend ko pero hindi, niloko niya ako pero ipinilit ko sa sarili kong mahal ko siya kahit ilang beses ng ipinamukha sa akin ng mga kaibigan ko.
Kaya lang, maraming nangyari.
At sa lahat ng iyon, alam kong pareho kaming masaya na at nahanap na ang tunay na kaligayahan.
Kaligayahan kasama siya?
O kasama sila?
~~
justJoven's Note:
So there you have it! Haha, so kitakits sa ending ng story at mag-enjoy sana kayo.
Pag may time kayo, you can also read my other story "Make It Right". Visit my profile and read!
Hope na mag-enjoy kayo ah? Hihi, another story to na nagpop-up sa isip ko then ayun, sinulat ko kaagad.
That's it, thank you sa mga magbabasa at maiiscroll pa para ipagpatuloy ang pagbibigay ng oras sa pagbasa nito.
Enjoy reading guys!
BINABASA MO ANG
Fix a Heart
General FictionMinahal mo siya ng ganoon kabilis, sinigugurado mo bang hanggang dulo iyon? Gagawin mo ba ang nanararapat para makasama siya? Tunay na pag-ibig walang dahilan, walang rason at walang pinipili. Mahal mo siya, mahal ka niya. Bunga ng pagmamahalang m...