1

12 0 0
                                    

Keira's POV

Hay. Isa na namang araw ng paghuhunting ng trabaho, nakakasawa pero kailangan.

Saan kaya ako makakahanap ng magandang trabaho?

Makakahanap pa kaya ako?

Kanina pa ako paikot-ikot sa lugar na to bitbit ang ilang kopya ng resume ko. Naghahanap kasi ako ng magandang trabaho. Fresh graduate ako. Pagkatapos kong gumraduate sa Mayfield College, graduate ako sa kursong Accountancy ay napagpasiyahan kong maghanap na ng trabaho. Kasalukuyan akong naghahanap ng trabaho. Kailangan ko talaga ng pera lalo pa't mahirap lang kami. Hay, napakaunfair talaga ng buhay ano? Bakit kailangang hindi maging patas ang mundo sa lahat ng tao? Kailangan ko ba talagang maramdaman ang paghihirap na dinaranas ko ngayon? Hay, hindi naman diba?

Pagsubok lang to, kailangan ko lang maging matatag at magtiwala sa sarili ko at sa Panginoon.

Ang sakit na ng paa ko. Nakatatlong restaurant na ako, isang grocery store, dalawang fast food chain na pinagapplyan at ang laging sinasabi sa akin ay tatawagan na lang daw ako.

Hay, lagi nalang ganyan pero wala naman akong natatanggap na tawag.

Matalino naman ako sabi ng mga instructor at mga kaibigan ko pero bakit napakailap ng buhay at hindi ako agad makahanap ng trabaho?

Napaupo ako sa may gilid ng kalye. Ang init na kasi tapos masakit na ang mga paa ko kakalakad kaya naisipan kong maupo muna para magpahinga ng konti. Buti nalang at malilim ang kinalalagyan ko ngayon dahil sa isang mayabong na punong tumatakip sa akin mula sa mainit na sinag ng araw. Pinunasan ko ang mga pawis sa noo ko, paniguradong ang haggard na ng itsura ko nito.
Kaya siguro walang gustong tumanggap sa akin, hay.

Kruuu...

Hay, gutom na rin ako. Napatingin ako sa relo ko at nakita 12:30 na pala kaya naman kumakalam na ang sikmura ko. Dalawang pirasong pandesal at kape lang ang inalmusal ko kanina. Buti na nga lang at maaga akong nagising kung hindi ay baka wala akong nadatnang pagkain kanina at baka inubusan na naman ako ng mga kapatid ko.

Kinapa ko ang bulsa ko at inilabas ang pera ko. 50 pesos nalang, aabot pa ba to?

Kailangan ko na talagang makahanap ng trabaho.

Napagpasyahan kong tumayo na at huwag ng magsayang ng oras dahil wala akong makikitang trabaho kung uupo ako roon.

Hindi ko pinanasin ang sikmura kong kumakalam na at nag-umpisang maglakad.

Sa hindi kalayuan ay isang cafe ang nakita ko.

Kumikislap ang isang papel na nakapaskil doon na nasisinigaan ng araw kaya naman pati ang mga mata ko ay kuminang na rin. Bigla akong ginanahan, iba ang pakiramdam ko sa lugar na 'yon.

Mabilis akong tumawid sa kalsada at,

Yes!

Sa wakas!

NOW HIRING! CASHIER.
See Mrs. Suarez inside.

Sa wakas, mukhang ito na yun.

Mabilis kong hinawakan ang pinto ng cafe kaya lang biglang may tumulak nito mula sa loob at muntik na akong masapol sa mukha. Buti nalang at nakailag ako.

Kaasar naman, hindi ba pwedeng magdahan-dahan? Paano kung natamaan ako nun tapos nabukulan edi hindi ako tinanggap sa trabahong to? O kaya nawalan ng malay dahil sa lakas ng pagkakatama ng pinto sa mukha ko at hindi nakapagaapply ngayong araw? Humanda sa akin ang taong nasa likod ng pagbukas ng pinto na yun.

Napabitaw ako sa pagkakahawak sa pinto ng,

"Ayos ka lang ba Miss? Hindi ka ba natamaan?" tanong ng lalaking nagbukas ng pinto.

Fix a HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon