Keira's POV
Nakaupo ako ngayon sa sofa sa sala ng bahay nila Angel.
Nakita ko kung paano asikasuhin ni Justin ang asawa nito. Ang sweet at ang caring niya masyado. Nakakatuwa silang tignan.
"Hubby, bakit ganyan ang niluto mo? Ayoko niyan. Gusto ko ng fries tsaka bagoong. Dali, ipagluto mo ako doon." medyo mataray na sabi ni Angel sa asawa nito na ikinangiti naman ng isa.
Psh, haha. Fries tsaka bagoong? The heck! Haha, ang pangit ng combination. Napaghahalataang naglilihi ang isang to.
Seryoso ganyan ba talagapag naglilihi? Haha, napalingon ako kay Angel at tumawa.
"Anong tinatawa tawa mo diyan Keira?"
"Wala naman, haha. Seryoso ka ba dun sa hiningi mo? Fries tsaka bagoong? Kaloka Angel, baka mahalata ka ng asawa mo niyan."
Kami pa lang ang nandito, tsk. Sabotahe nga sila e, ang sabi susunod pero walang pumunta sa mga kasamahan ko sa trabaho. Si Eris at Cassey, may lakad daw. Si Jay, may date. Pati si Dona. Tsk, so ayun kami lang tatlo rito nila Angel pati ni Justin.
Maya-maya ay isang sasakyan ang narinig kong parating.
Ilang segundo ang lumipas at isang katok mula sa pinto ang narinig namin.
"Huwag ka ngang maingay Keira. Psh, e sa gusto ko ng ganun e. Wait buksan ko lang ang pinto." akmang tatayo siya ng pigilan ko siya.
"Ako na, mahirap na. Haha, buntis ka pa naman." sabi ko at hininaan nalang ang pagkakasabi nung sa dulo, baka marinig ni Justin. Pinandilatan niya naman ako ng mata na ikainangiti ko.
"Shh, manahimik ka nga." sabi niya at napalingon sa pinto ng kusina.
"Haha, sige sige. Sabi mo e." sabi ko at naglakad na papunta sa may pinto.
Binuksan ko na yun at bumungad sa akin si Rye kasama ang pamilyar na babae.
Janine Pascual, kaibigan ko, noon.
Napalingon sila sa akin at,
"Wahh, Keira! Anong ginagawa mo rito?" patiling sabi ni Janine, hinila niya ako palapit at niyakap ako ng mahigpit.
Dahil sa pagyakap na yun ay napalapit ang mukha ko kay Rye at saktong paglingon ko sa gilid ko ay nakalingon din siya.
Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.
"Wait, Janine. Pasok kayo." sabi ko sabay kinalas ang pahkakayakap ni Janine sa akin at niluwangan ang pagkakabukas ng pinto para papasukin sila. Nauna silang maglakad sa akin. Nanatili akong nasa likod at kinakalma ang sarili ko. Nag-umpisa na naman kasi ang kakaibang pagtibok ng puso ko. Kinakabahan na nga ako, pacheck up na kaya ako minsan? Mukhang may problema na ang puso ko e.
"Oh, Hi Janine at Rye. Upo kayo, hoy Keira, lumapit ka na dito. Ano pang tinatayo tayo mo riyan?"
Napalingon ako sa kanila at inalis ang pagkakahawak ko sa dibdib ko. Nakatingin silang tatlo sa akin.
"Wife, sila Rye na ba yan?"
"Oo, hubby. Ang tagal mo naman diyan? Saan na yung hinihingi ko?"
"Wife, wala tayong bagoong dito. Ketchup nalang?"
"Hubby, bagoong ang gusto ko okay?"
"Wala nga tayo nun."
"Ihh, edi humanap ka."
Tsk, mukha silang ewan. Nagsisigawan kasi silang dalawa. Haha, yung mukha ni Keira ang epic!
BINABASA MO ANG
Fix a Heart
General FictionMinahal mo siya ng ganoon kabilis, sinigugurado mo bang hanggang dulo iyon? Gagawin mo ba ang nanararapat para makasama siya? Tunay na pag-ibig walang dahilan, walang rason at walang pinipili. Mahal mo siya, mahal ka niya. Bunga ng pagmamahalang m...