Keira's POV
Bago ako tuluyang lumabas ng cafe ay naupo muna ako sa isang upuan malpit sa bintana at pinagmasdan ang lugar na kung saan ako magtatrabaho.
Ang ganda dito.
Vintage ang dating, puro kulay brown ang mga gamit. Nakakarefresh ng isip at nakakatanggal ng stess ang atmosphere dito. May mga libro sa gilid at mga paintings na magaganda at nakakaattract sa mata.
Inikot ko ang paningin ko at nakita ang mga customer na masayang nag-uusap at kumakain.
Naramdaman ko na naman ang gutom ko.
Napagpasiyahan kong tumayo na para umuwi. Sana may itinabi silang pagkain sa akin.
Hay.
"Miss, uuwi ka na ba? Hatid na kita." narinig kong sabi ng lalaki sa likod ko kaya naman napalingon ako.
Si Rye.
"Ah hindi wag na. Salamat nga pala ah? Natanggap ako sa trabaho. Sige na, ayos lang." sabi ko sa kanya at naglakad na paalis. Kahit pa tinulungan mo ako kanina at mukha ka naman desenteng tignan, aba! Looks can be deceiving kaya, mahirap ng magtiwala, babae pa naman ako.
Naramdaman ko ang pagdantay ng isang balikat sa balikat ko at inakbayan ako.
"Sige na Miss, hatid na kita."
Inalis ko ang kamay nito. See?
"Hindi na." sabi ko.
"Ayaw mo talaga? Pero sige, ano nalang ang pangalan mo? Nakalimutan kong tanungin agad. Tapos hindi ko pa narinig kanina."
"Keira." mabilis na sagot ko at ngumiti.
"So nice to meet you Keira, ingat ka." sabi niya at iniabot ang isang kamay nito.
Mabilis kong hinawakan ito at,
Dug, dug, dug...
Kaasar naman, kanina pa yan ah.
"Nice to meet you rin." sabi ko at binitawan ang kamay niya at tumalikod na.
Bago ako makapaglakad ay,
"Keira, ingat ka okay? Kita tayo bukas." narinig ko pang sigaw nito kaya naman napalingon ako sa pinuntahan niya kanina at nakitang nakatingin ito sa akin habang nakabulsa ang dalawang kamay at nakangiti.
Dug.
Dug.
Dug.
Dug.
Dug, dug, dug...
Hay, gutom na talaga ako.
~~~
Kinakabahan ako.
Kanina pa kasi may nakasunod sa aking sasakyan. Hindi ko alam kung nananadya ba o ano. Ang bagal kasi ng pagpapatakbo nito, as in. Parang sinusundan talaga ako e. Malapit na lang naman yung bahay namin sa Angel's Cafe kaya naman nilakad ko nalang. 50 pesos nalang ang pera ko, mas mainam ng magtipid ako. Hay, buti nalang talaga at may trabaho na ako bukas.
BINABASA MO ANG
Fix a Heart
General FictionMinahal mo siya ng ganoon kabilis, sinigugurado mo bang hanggang dulo iyon? Gagawin mo ba ang nanararapat para makasama siya? Tunay na pag-ibig walang dahilan, walang rason at walang pinipili. Mahal mo siya, mahal ka niya. Bunga ng pagmamahalang m...