Keira's POV
Kaming apat ay kasalukuyang nasa sofa. Maraming nilutong fries si Justin. Nanunuod kami ng movie. Sa pagkakaala ko, Serendipity ang title ng movie na pinapanuod namin.
"Wife, hindi ka ba nagsasawa sa kakapanuod niyan?" narinig kong tanong ni Justin habang nakaakbay sa asawa niyang tutok na tutok sa panimunuod.
Kumuha ng ilang fries si Angel at inilagay iyon sa bibig ni Justin ng sabay-sabay. Hahaha.
"Wag kang madaldal Hubby. Nanunuod ako." sabi lang ni Angel at nanunuod lang ulit.
"Okay, wife. Haha." sabi bi Justin ng manguya ang mga fries na isinubo sa kanya ng asawa niya.
Ang cute nilang tignang dalawa, haha. Napansin ko rin ang isang tuta na hawak ni Angel at hinahawakan ang balahibo nito habang nakatitig sa tv. Haha, ang cute talaga nila promise.
Hay, ano na bang oras?
Napalingon ako sa wall clock nila, ang ganda! Ay, wait. Haha, ano na bang oras?
Kaloka, lagot na naman ako nito kay mama.
11:00 na ng gabi paniguradong makakarinig na naman ako ng hindi kaaya-ayang salita mula sa kanila.
"Angel, uwi na ako." pagpapaalam ko sa kanila at tumayo na.
"Ay, uuwi ka na? Uhm, Rye. Hatid mo nalang si Keira, gabi na kasi. Delikado, babae pa na naman siya."
"Oo nga pre, hatid mo na siya. Ingat sa pag-uwi Keira at salamat sa pagtanggap sa alok ng asawa ko. Sige na Rye, mukhang uulan pa naman oh." sabi ni Justin habang nakaakbay kay Angel. Lumingon ito sa katabi at kinindatan ito. Nginitian naman siya ni Angel.
"Sige pre. Uwi na rin ako." tumayo na si Rye sa kinauupuan nito at lumapit sa akin.
"Tara na, hatid na kita."
"Hin-.." at hindi na ako nakapagsalita pa.
"No, I insist. Tara na. Una na kami pre, Angel."
Lumingon ako kay Angel at nakitang nakathumbs up ito sa akin? Ano na namang kahulugan nun?
"Good night, uwi na kami. Bye." pagpapaalam ko.
"Ingat kayo Rye, take care of her." narinug ko pang sigaw ni Angel bago kami tuluyang makalabas ng bahay nila.
"Tara na?" narinig kong sabi ni Rye at hinila ako papunta sa sasakyan niya. Pinagbukas niya pa ako ng pinto. Wow, gentleman!
Dug.
Dug.
Dug.
Dug, dug, dug...
Not again!
At ang mahirap pa, sabay tugtog na Passenger Seat at lumingon pa siya sa akin habang may ngiti sa labi, at may dumadagundong na naman sa dibdib ko.
~~A few hours after...
Naalimpungatan ako dahil sa pagdantay ng isang kamay sa tiyan ko.
Teka lang...
Napabalikwas ako sa pagkakahiga ng mapagtanto ang mga nangyari.
Napalingon ako sa lalaking katabi ko na himbing na natutulog.
What the f*ck!?
Anong ginagawa ko sa lugar na to? Hinila ko ang kumot na tumatakip sa katawan ko ng maramdaman ang lamig mula sa aircon ng kwarto niya.
BINABASA MO ANG
Fix a Heart
General FictionMinahal mo siya ng ganoon kabilis, sinigugurado mo bang hanggang dulo iyon? Gagawin mo ba ang nanararapat para makasama siya? Tunay na pag-ibig walang dahilan, walang rason at walang pinipili. Mahal mo siya, mahal ka niya. Bunga ng pagmamahalang m...