3

7 0 0
                                    

Keira's POV

"Good morning Sir." sabi ko sa pwesto ko at nginitian ang bagong dating na costumer.

"Good morning, bago ka rito ineng? Ngayon lang kita nakita. Saan si Angel?" tanong ng lalaking nasa edad 50 na at hindi ko maikakailang tatay to ni Angel, kahawig na kahawig niya kasi.

"Nasa kusina po siya Sir. Gusto niyo po bang tawagin ko?"

"Ay hindi na, marami ng costumer ineng. Sabihan mo na lang siya mamaya na pumunta ako rito ha? Osya na mauna na ako." sabi niya at tumalikod sa akin.

Unang araw ko sa ngayon kaya naman masaya ako.

Napangiti akong umupo dahil wala pa namang lumalapit sa counter.

"Ikaw ang bagong kahera rito ano? Ako nga pala si Jay ang gwapong barista rito." narinig kong sabi ng lalaking katabi ko.

"Magandang umaga rin sayo Jay, Keira ang pangalan ko. Pero haha, ang galing mo namang magjoke ano?"

"Keira, walang joke sa sinabi ko. Katotohanan yun." mayabang na sagot niya at nagpogi sign pa.

Tinawanan ko nalang siya dahil sa inakto niya.

"Jay Flores, 25. Barista rito sa Angel's Cafe, obviously. So nice to meet you Keira?"

"Keira Cortez, 23. And obviously ang bagong cashier dito. Nice to meet you rin." sabi ko at nakipagkamay sa kanya.

"So, good morning Keira and Jay. So kumusta ang trabaho? Nag-almusal na ba kayo?" napalingon ako sa nagsalita at nakita si Angel na nakatayo roon.

"Good morning Angel. Oo, nag-almusal na ako. Ikaw ba Jay?" lingon ko kay Jay at nakitang nakatitig ito sa akin at mabilis na umiwas ng tingin ng lumingon ako sa kanya.

"Ah o-oo." sagot niya naman.

"Sige na, balik sa trabaho. Keira punta ka maya sa opisina ko okay? Lunchbreak ka pumunta, see you!" sabi ni Angel at iniwan kami para bumalik sa kusina.

Nagdatingan ang mga costumer kaya naman naging busy na ako.

Nang maglunchbreak ay ipinatawag ako ni Angel sa opisina nito kaya naman mabilis akong tumayo para pumunta roon.

"Jay, punta lang ako kay Angel." paalam ko sa kasama ko.

"Sige lang." sagot naman niya at nginitian ako.

Nasa gilid ang opisina malapit sa may kusina. Nahagip ng mga mata ang dalawang taong masayang nag-uusap malapit sa bintana. Si Rye yun, hindi ako nagkakamali. Isang babae ang kausap nito at magkahawak pa ang kamay nila sa ibabaw ng lamesa. Mabilis kong iniwas ang mata ko sa nakita.

Hindi ko dapat maramdaman to. Mali, hindi pwede.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at ng makatapat ang pintuan ng opisina ni Angel ay napabuntong hininga muna ako.

Tok, tok...

Mahirap na baka nasa loob din si Justin at naglalambingan na naman sila, makaistorbo pa ako.

Fix a HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon