XIV- I Got Kissed

113 3 1
                                    

Pinutol ko ang tuloy tuloy niyang paliwanag.

Bakit ba siya nagpapaliwanag? Wala naman akong pakialam.

Wala nga ba?

----
Yugyeom's POV

"Bakit ka nagpapaliwanag? Wala naman akong paki kung ano mang meron sa inyo!? " seryosong sagot ni Jackson sabay talikod at humakbang na paakyat ng hagdan

"Wag mo 'kong lokohin! Alam kong gusto mo si Essa! " sigaw ko sa kanya dahilan para mapatigil siya at mapatingin sa amin sila JB hyung.

"Ano bang pinagsasa-sabi mo!? " sa mukha niya, halatang naiirita na siya.

"Tumigil na kayong dalawa! " awat sa amin ni Mark hyung

Hindi na ako sumagot at dumiretso na lang palabas ng mansyon ng hindi nagpapaalam sa kanila.

Habang naglalakad, naisip ko yung nangyari kanina pag alis ni Essa at Mark hyung.

Flashback
"Hoy yugyeom! " tawag ni JB hyung saken

"Bakit hyung? " tanong ko habang nagpapacute sa kanya

"Gusto siya ni Jackson. " seryosong sabi niya

Hindi ako sumagot.

"Yang kalokohan mo, itigil mo yan. Baka yan pa ang pag awayan nyong dalawa" tuloy niyang sabi

"Pano kung gusto ko din-"
"Hindi ka nya gusto, mag isip ka nga! Hindi ka na bata. At hindi siya gugustuhin ng pamilya mo para sayo" tuloy tuloy niyang paliwanag.

Hindi na ako sumagot pa. Pero pagkatapos nun, umakto ako na parang walang nangyari.

Umakto akong normal kahit naiinis ako. Kasi tama naman si hyung.

Bukod kay mark hyung at Jackson, kaming lima lang ang nakakaalam ng sinabi ni Jb hyung.

Gusto ni Jackson si Essa?

End of flashback

-----
Essa's POV

"Jwjwhbahsjak" naririnig kong maingay na nag uusap malapit saken.

Nakapikit ako at naririnig ko sila pero hindi ko sila maintindihan.

Dumilat ako para makita kung sino ang nag uusap.

Namulatan ko ang lima na parang nagtatalo (JB, Mark,Junior, Youngjae, at Bambam)

"Anong prob-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla akong niyakap ni Mark.

"Kumusta kana? Nag alala kaming lahat sayo? " bulong niya saken.
Tumayo ang balahibo ko sa sinabi niya. No, the way he said it. NakakaGoosebumps naman talaga! Bakit kasi kailangang ibulong?

"Hoy essa!?!" Napalingon ako kay Bambam

At napagtanto kong nag iimagine lang pala ako! Bwisit!

"A-ano yun bam? " maang kong tanong sa kanya.

"Tignan mo to, napa-ibig lang si Jackson, nabingi na! " sabi niya na parang nang aasar

Ano raw? Di ko siya magets e!

"Bam, tumigil ka nga dyan! " saway ni Junior sa kanya.

"Anong sabi mo Bam? " tanong ko uli

"Wala yun, wag mo siyang intindihin" si JB ang sumagot

Medyo na curios na ako kaya kinulit ko parin sila.

Seven Maniacs in Mansion (Got7 FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon