XVIII- I Got Naked

110 4 5
                                    


Essa's POV

pag uwi namin ng mansyon ay wala na sila Mark, Youngjae, Jr, at Yugyeom.

"Asan yung apat?" tanong ko kay Bambam.

"umuwi na. at babalik na din ako samen. see you sa school Essa" paalam niya at saka lumabas ng mansyon.

hinanap ko naman si Madame Sophia para itanong kung nakabalik na si Jackson, hindi ko pa din kasi siya nakikita.

"Mauuna na ako Essa. may gagawin pa ko" paalam naman ni Jb.

ngumiti lang ako sa kanya at naglakad na ako paakyat ng hagdan para puntahan si Madame sophia.

Bago pa ako makarating sa Kwarto niya ay nakasalubong ko na si Jackson.

Ayan na naman ang tingin niyang nakakalusaw. 

"Mukha namang nag enjoy ka sa lakad ninyo ni Jb!" pang aasar niya.

"Bakit mo naman naisipang sumunod dun?" taas kilay kong tanong.

"dahil nag aalala ako kay Jb!" diretso niyang sagot.

halatang pinag isipan mo Wang!

"okay. " pagkatapos ay nilagpasan ko na siya at didiretso na sana ako kay madame ng hawakan niya ang braso ko. 

"nakalimutan mo atang P.A kita!" seryoso niyang sabi.

oo nga. siya pala dapat ang pinagsisilbihan ko hehe.

tinignan ko naman siya at ngumiti. 

"wag kang mag pacute. hindi bagay sayo!" saway niya pagkatapos ay tumalikod na siya at bumaba ng hagdan. 

sinundan ko naman siya sa kung saan man siya papunta.

" hindi kaba papasok?" tanong niya pagkatapos uminom ng tubig. 

"papasok." sagot ko naman.

"eh bakit hindi kapa nagbibihis? bakit sunod ka ng sunod saken!?" mataray niyang sabi.  halimaw ka talaga!

"ahm ito na nga po magbibihis na" sagot naman at tumalikod na ko papunta sa kwarto ko. 

"tss." rinig kong sabi niya.

Bakit napaka demonyo ng lalaking to?

pagkatapos kong magbihis ay dumiretso na kami sa school. 

nasa classroom na siguro yung anim. 

"ilagay mo pala muna to sa locker ko!" utos niya at binato saken ang bag niyang walang laman.

hindi na ako sumagot at naglakad nalang ako papunta sa locker. 

madilim talaga sa part na to. 

ang bwisit na lalaking yun! bakit hindi nalang kasi niya bitbitin tong bag na to eh wala naman tong laman!

nang marating ko na ang locker niya ay agad kong nilagay ang bag niya at isinara iyon.

maglalakad na sana ako pabalik sa classroom ng may maramdaman akong tao na nakatayo sa likuran ko.  ramdam kong sobrang lapit niya saken.

sobrang bilis ng tibok ng puso ko. 

hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. 
madilim sa lugar na to at nasa classroom na din ang ibang estudyante. 

gusto ko mang lingunin kung sino ang nasa likod ko ay hindi ko magawa.  manhid ang buong katawan ko. 

nangilabot ako nang bigla niyang hawakan ang balikat ko. 

tuluyan na akong natakot.  ramdam ko ang mga luha sa mga mata ko. 

naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko.

napapikit ako at napadasal na lang na sana may taong pumunta sa lugar na to. 

maya maya ay hinarap niya ako sa kanya at isinandal ako sa locker.

hindi ko makita ang mukha niya dahil sa dilim at sa mga luha sa mata ko. 

sisigaw na sana ako pero agad niyang tinakpan ng kamay niya ang bibig ko. 

malakas siya. at hindi ako makalaban dahil sa sobrang lapit niya saken.

wala akong magawa kundi ang umiyak. 

ilang saglit lang ay sinimulan niyang tanggalin ang pagkakabutones ng uniform ko. 

nagsimula akong pumalag hanggang sa abot ng lakas ko pero baliwala yun sa kanya. 

nagawa niyang tanggalin ang uniform ko gamit lang ang isang kamay niya. 

tuluyan na akong humagulgol sa sobrang takot. 

handa na rin siyang tanggalin ang pagkaka hook ng bra ko nang biglang may dumating.

agad niya akong binitawan at mabilis na tumakbo. 

sa sobrang panghihina ay napaupo nalang ako sa sahig at umiyak ako ng umiyak. 

naramdaman ko nalang na may yumakap saken .

Jackson's POV

napaka tagal namang bumalik ng babaeng yun!

inutusan ko lang naman siyang ilagay yung bag ko sa locker. halos mag iisang oras na siyang wala.

"Jackson , san ka pupunta?" tanong ni Jb nang tumayo ako para lumabas ng classroom

"susundan ko si Essa. late na siya sa first at second subject." sagot ko at iniwan ko na sila. 

diretso akong naglalakad papunta sa locker ko nang bigla nalang akong mapahinto sa nakita ko. 

yakap ni Mark si Essa at suot nito ang uniform niya.

ano to? sila nabang dalawa?

tss.

kaya naman pala napakatagal niyang bumalik!

nag aksaya pa ako ng oras!

bumalik nalang ako sa classroom at hindi ko na pinansin ang nakita ko. 

Jaebum's POV

pagbalik ni Jackson ramdam ko agad na may nangyari na naman.

"anong problema?  asan si Essa?" tanong ko sa kanya nang makabalik sa kanyang upuan.

"tinamad na ko. di na ko tumuloy" pagsisinungaling niya.

kilala ko si Jackson. alam kong may tinatago na naman siya.

Essa's POV

Ilang minuto pa ay kumalma na ako at nagawa kong ibalik sa pagkaka ayos ang uniform ko na tuluyang nasira .

tinignan ko ang taong yumakap saken at naglagay ng damit sa likod ko kahit alam ko na kung sino yun.

ngumiti lang ako sa kanya. sobra akong nahihiya sa itsura ko ngayon. 

inayos ko ang pagkakasuot saken ng uniform niya.

"okay kana ba Essa?" nag aalala niyang tanong saken.

tumango naman ako at ngumiti.

"anong ginagawa mo dito?" tanong niya uli habang diretsong nakatingin saken.

"nilagay ko lang yung bag ni Jackson sa locker niya. bigla nalang dumating yung lalaking yun" sumbong ko sa kanya.

hindi naman siya nagsalita at tinulungan niya akong tumayo. 

"wag na muna tayong pumasok. sumama ka saken"  aya niya saken.

"Magagalit si Jackson kung hindi ako magsasabi sa kanya" nag aalala kong sabi .

"lagi naman siyang galit" biro niya at saka ngumiti na halos wala ng mata.

ngumiti nalang din ako at sumama .

saan naman kaya kami pupunta?

------------*

Seven Maniacs in Mansion (Got7 FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon