XX - I Got Kissed 2

69 3 2
                                    

Essa's POV

sabado ngayon at nagdesisyon si Jackson na mag stay muna kami sa mansyon at hindi makipagkita sa anim niyang kaibigan.

hm :( gusto ko pa namang makita si Mark.

tahimik kong pinanonood ang amo kong payapang nagsi-swimming nang biglang tumunog ang cellphone niya.

mabilis siyang umahon mula sa pool at sinagot ito. 

"hello" bati niya sa kausap at lumayo siya ng kaunti sa akin. 

sino kayang kausap niya? baka naman, girlfriend niya HAHAHAHHA . hindi nakakatawa -_-

maya maya ay binalik na niya ang cellphone sa lamesa kung saan niya ito kinuha at tumingin sa akin.

ngumiti naman ako sa kanya na paramg nagpapa cute.

"sa susunod na linggo, hindi kana Magtatrabaho dito, pero kung kailangan mo talaga ng trabaho, pwede kitang i recommend sa mga kakilala ko o ni mommy." tuloy tuloy niyang sabi na hindi pinansin ang pagpapa cute ko sa kanya.

"bakit? tanggal na ba ako sa trabaho ko? may hindi po ba kayo nagustuhan sa serbisyo ko?" nag aalala kong tanong

umirap naman siya sa sinabi ko.

"babalik na kami sa korea, may trabaho kaming tatapusin dun." sagot niya. 

"wait, kami? kasama sila Mark?" nagtataka kong tanong. 

"oo, bakit? hindi ba niya sinabi sayo? , well, sa susunod na buwan pa dapat yun pero tumawag ang company at pinaaga ang pagbalik namin. " paliwanag niya. 

teka, alam ni Mark? pero hindi niya sinabi saken? :(

nalungkot ako sa narinig ko pero hindi ko nalang pinahalata kay Jackson. 

"ahh ganun ba. sige . babalik nalang muna siguro ako samen " nakangiti kong sagot kahit gusto kong maiyak sa sinabi niya. 

"pano ang pag aaral mo? malayo ang school mula sa bahay nyo" seryoso niyang tanong. 

"ako na ang bahala dun , ako na ang poproblema sa problema ko" pag tapang tapangan ko. 

" okay, sabi mo e" pagkasabi nun ay naglakad na siya paalis.

naiwan naman akong masama ang loob. 

Jackson's POV

hays. ano bang gagawin ko?

alam kong malungkot ngayon ang babaeng yun.  gusto ko sana siyang damayan.

pero di ko naman alam kung anong sasabihin ko sa kanya para gumaan ang pakiramdam niya. 

bakit naman kasi napaaga ang pagbalik namin.

at ang Mark na yun! napaka pasaway talaga niya!

mukhang hindi pa niya nasasabi kay Essa ang pagalis namin. 

dahil naguguluhan na ako kung anong gagawin ko, tinawagan ko nalang si Bambam .

hindi ko din alam kung bakit.

"Hello Hyung!" bati niya matapos sagutin ang tawag ko. 

"anong ginagawa mo bambam?" walang kwenta kong tanong sa kanya.

"inaantay kang tumawag at sabihin mong "pumunta ka dito, iinom tayo " hahahahahhaah" sagot niya at malakas na tumawa. 

"ahh, ayoko. tumawag naba si Jb sayo?"

"kasama ko siya ngayon. nandito kami sa unit ni  Youngjae"  sagot niya at pinarinig niya ang sabay sabay na sigaw ng lima. 

"susunod ako diyan"

Seven Maniacs in Mansion (Got7 FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon