II- I Got Seven Maniacs

454 5 0
                                    


Pagkatapos naming kausapin ang principal ng school na dinaan lang naman ni Jackson sa pagpapacute ay agad akong nakapasok sa school .

and guess what.. sa sobrang swerte ko classmate pa talaga kami . oh diba ?? ang bait ni lord sakin . parang gusto akong pagtripan !

pagpasok namin ng room ay ibinigay niya sakin yung bag niya na super gaan! wala atang laman to eh !

"ilagay mo yan sa tabi ng pag uupuan mo. gusto ko tabi tayo!" utos niya . ano daw? gusto niya tabi kami ? type siguro ako nito !

aish-.- ano ba Essa! baliw kaba ! gusto kalang pagtripan niyan !

"ahh jacks-" asan na yun !?

iginala ko ang tingin ko at nakita ko siya sa dulo ng room , may kasama siyang anim na lalaki na oh-my-god kala mo model sa sobrang kagwapuhan ! Hindi ko ikinakalang may nabubuhay na ganyang nilalang !!

sinunod ko nalang si Jackson at humanap ng bakateng upuan . sakto namang may dalawang bakanteng upuan , anim na upuan din ang bakante mula sa likod . ayoko sa likuran , baka Hindi ko marinig yung sasabihin ng teacher .

umupo na ko at inilagay sa tabi ko ang bag ni Jackson gaya ng sabi niya .

Maya Maya lang at nagring na yung bell . hudyat para sa pag start ng klase .

umupo na din si Jackson sa tabi ko . at ang anim sa likuran namin.

pumasok na rin ang first subject teacher namin .

"Good morning " bati niya samin.

"Good morning ma'am"bati din namin ni Jackson at ng anim sa likod .

teka? bat kami lang ?? kami lang ba estudyante dito?

o.o ekk. kaya naman pala hindi sila umiimik eh . aish . halos lahat sila sa pwesto namin nakafocus -.-

"Eyes on the board!" sigaw ni ma'am.

nakinig naman sila at sumunod . ito namang katabi ko parang baliw . ngiti ng ngiti . nakakaloko na to ah !

"Transferee ka?" mataray na tanong ni ma'am habang nakatingin sakin. mukhang ako yung kausap niya .

"ahhm . opo ma'am:)" magalang kong sagot .

"magpakilala ka . " utos niya . tumayo lang ako pero Hindi na ako pumunta sa harap .

"Ako po si Essa Paraiso , 16 years old :)" maikli kong magpapakilala .

"OK. you may sit. and by the way , ako si ms. Claudia . your P.E teacher"pagpapakilala din ni ma'am pagkatapos ay umupo na din ako.

habang nagdidiscuss si ma'am Claudia . . .

*poke*

bwisit na Jackson to ! Panay kalabit !!

nilingon ko siya .

o.o waaahh . bakit naka unbutton yung polo niya ! pisti ka !! baka marape kita !

Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin nalang uli ako sa harap .

bakit Hindi siya sinasaway ni ma'am? tss-.-

hanggang matapos ang first subject namin ay wala siyang ibang ginawa kundi kalabitin ako at ipakita yung sandamakmak niyang abs sakin na konti nalang ay kakainin ko na talaga ! but shit . buti nalang nakapagpigil ako !

Maya Maya ay pumasok na din ang second subject teacher namin .

lalaki. . . super nabobored ako sa tinuturo niya !! kaya Hindi ako sa kanya nakikinig . . hulaan niyo kung saan.

aish . sa pitong lalaking nag iingay sa likod ko . pati tong si Jackson. grabe ! yung pinagkikwentuhan nila puro kayabangan !

an hour pass at sa wakas!! break time na !!!

tumayo na ko para lumabas ng room nang bigla akong hilain ni Jackson dahilan para matumba ako .

buti nalang may pakpak ako . Char. buti nalang nahawakan ako ng isa kong classmate .

nang tiningala ko siya . . . . . . . . .. . . .

Nasa langit naba ko ????

waaahh. . bakit may anghel sa harap ko !??

"OK kalang Essa?" tanong niya . teka! kilala niya ko ???

"kilala mo ko ?" takang tanong ko sa kanya . putspa! tawanan daw ba ko !! pasalamat ka gwapo ka !!

"panong Hindi kita makilala eh-" naputol yung sasabihin ni Mr.Gwapo dahil sa Jackson a.ka. halimaw na to !!

"Hindi ka ba nagugutom ha !? bumili ka na nga ng pagkain !" ako ba ang inuutusan nitong mokong na to !?? grrr-.-

"opo sir . este Jackson
" sarkastiko kong sagot .

"samahan na kita ." aya ni Mr.gwapo . maygad! para kong maiihi nito !! ^.^=

ngumiti lang ako . pabebe ako eh !

bago kami lumabas ng room , tumingin muna ko Kay Jackson .

nakasimangot siya pero gwapo padin ha . Che!
Yabang !

habang naglalakad kami ni Junior papuntang canteen , Panay siya kwento . ang talkative lang ha .

and yes . junior ang pangalan niya . ang cute nga eh ^^=

pagpasok namin ng canteen dumiretso kami sa isang round table .

ang bilis naman ni Jackson! andito agad siya ?!

"ang bilis mo naman ! San ka dumaan ?" tanong ko sa kanya pagkaupo ko .

si junior ang umorder ng pagkain namin .

"close ba tayo ?" sungit niyang sagot habang nakatuon ang paningin sa cellphone. .

Psh-.-

di ko nalang siya pinansin .

pagbalik ni junior may dala siyang tray naay pagkain namin . Hindi ko na sasabihin kung ano, baka maiingit pa kayo :D

Nang makaupo na si Junior , dumating naman ang lima pang lalaki na kausap nila kanina sa room.

"Essa, classmates natin sila . " pagpapakilala ni Junior, habang si Jackson. Deadma.

"Hi po" sabay sabay nilang bati . wow ha . kambal lang ?

"si Mark, bambam,Youngjae, JB, Yugyeom" sabi niya habang isa isa silang tinuro .

tumango naman ako ng tumango .

grabe! bibitayin ba ko ?? last supper ko na ba ngayon ? bakit ang gagwapo ng mga nilalang na to !! pwede ba mag take out ng isa ?? waaahhh . . .

Seven Maniacs in Mansion (Got7 FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon