XVI - I Got Suck and Blow

118 2 0
                                    

Younjae's POV

"nasan na ba ang babaeng yun?" ulit na tanong ni Jackson na kanina pa naiinis.

Tinitignan lang din namin siya habang pinipigilan na tumawa sa reaksyon ng mukha niya.

Maya maya ay bumukas na ang pinto at pumasok si Essa .

Essa's POV

"nasan si Mark?" tanong ni JB pagpasok ko ng mansyon.

"mauuna na daw siya sa school" sagot ko.

"bakit ngayon ka lang. Tanghali na . Diba ang usapan naten,maaga kang uuwi?" at bumalik na naman sa pagiging demonyo ang amo ko.

Hindi kita boyfriend! Wag kang feeling!

"sorry pero si Mark ang nagsabi kung anong oras kami uuwi. Nagsabi naman ako sayo na siya ang kausapin mo diba?" sagot ko sa kanya

Na mukhang ikinagalit niya .

"Wala akong paki! Magsama kayo! " galit niyang sabi at naglakad na siya palabas ng mansyon .

Anong problema mong halimaw ka!??

"Hayaan mo na siya Essa, magpalit ka na ng damit at papasok pa tayo" utos ni Jr

Sinunod ko naman siya at hindi ko na lang pinansin ang inasal ni Jackson

Habang nagpapalit ako ng damit ay may kumatok sa kwarto ko.

"Essa . Patapos kana ba?" boses yun ni Youngjae.

Agad kong binuksan ang pinto matapos makapagbihis.

Bumungad naman ang nakangiting si Youngjae.

"halika na" yaya niya at nagsimula siyang maglakad palabas ng bahay

Sumunod naman ako sa kanya.

Late na kaming nakarating sa school dahil dumaan pa kami sa convenient store .

"Essa samahan mo ako sa library mamaya" sabi ni JB habang naglalakad kami papasok sa classroom.

Tumango lang ako at ngumiti .

Pagpasok namin sa classroom ay hinanap ko agad si Mark . Siyempre,sino paba?

Pero bigo akong makita siya .

Umupo nalang ako sa pwesto ko kung saan nakaupo si Jackson at tahimik na nagbabasa . ..

Wow ! Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Hmm.

"pasensya kana kanina kung nasigawan kita" pagsasalita niya.

Sino na naman kayang kausap nito?

"wala ka man lang bang sasabihin!?" inis niyang tanong

Tinignan ko siya para malaman kung sinong kausap niya pero nakatingin lang siya sa librong hawak niya .

Hindi ko nalang siya pinansin

"hmp. At talagang napaka ma pride mo!" tumayo na siya nun at nilapag ang librong hawak niya.

Tumingin uli ako sa kanya at nakita kong sa akin sya nakatingin ng masama .

"ako ba ang kausap mo?" inosente kong tanong

"oo. Sino paba? Napaka slow mo talaga!" pagkasabi nun ay lumabas siya ng classroom.

Malay ko bang ako ang kausap mo! Nakatingin ka kaya sa libro!!

Gusto ko sana siyang sundan pero baka ipahiya lang niya ako kaya nanatili nalang ako sa upuan ko .

Maya maya ay kinalabit ako ni Youngjae mula sa likuran .

Bahagya ko siyang tiningnan para malaman ang kailangan niya .

Seven Maniacs in Mansion (Got7 FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon