Chapter 25

2.3K 193 2
                                    

Naririto ako ngayon sa isang park. Nagpapahangin lamang ako dahil sa isang linggong naging maayos na ang lahat sa buhay namin ni Rosette.

Mahal ko si Rosette. Alam ng Dyos kung gaano ko sya kamahal. Higit pa sa buhay ko na humantong pa sa puntong pati ang buhay ko'y kaya kong kitilin ng dahil sa kanya.

Pero bakit? Bakit kelangan pang umabot na magpauto nanaman si Rosette kay James? Na umabot pa sa puntong maging magnanakaw sya para lang sa napag usapan nila?

Nakaka loko lang at hanggang ngayon ay pinababayaan ko lamang sya.

Isang linggo na ang nakararaan ng mangyareng tinawagan ko ang bangko na syang humahawak ng pera ng kumpanya. Safe sila dahil tago pa ang pangalan nila kahit na marami na silang branches then maingat rin sila sa mga perang inilalabas nila dahil karamihan sa mga nag iinvest ng partnership sa kanila ay ang mga may ari ng mga bigating kumpanyang katulad ko.

Si Ms. Anne ang syang accountant na may hawak ng pera ng kumpanya. Kaya naman tinawagan ko sya noong araw kung saan umalis si Rosette para raw umuwi. May kutob ako at hindi nga ako nagkamali.

Flashback

Agad kong tinawagan si Ms. Anne matapos lamang makalabas ni Rosette ng office namin.

May kutob kasi talaga ako sa maari nyang gawin ngayon. Na sana ay hindi nya magawa. Na sana ay mali ako ng hinala. Na sana hindi nya muling sirain yung tiwala na muli nyang binubuo sa akin.

Kasi masakit na yung lalaki nanaman na yun ang piliin nya kesa sa akin. Kesa sa kinabukasan ng kumpanya.

[Hello, sir?] Sabi sa kabilang linya.

"Hello Ms. Anne. Nasa bangko ka ba ngayon?" Tanong ko.

[Ahm. Yes Im here. Bakit mag iinvest po ba kayo uli or kukuha ng pera?] Tanong nya.

"No. Merong babaeng pupunta dyan. Magpapakilalang Rosette Villanueva. Kukuha yata sya ng pera sa company. Bigyan mo naman okey? But tawagan mo ako agad kapag nakakuha na sya at kung magkano ang kinuha nya. Nagkakaintindihan ba tayo?" Tanong ko.

[Ah. Yes, sir. Makakaasa po kayo. Paki antay nalang po ang call ko after a minute] sabi nya sa kabilang linya.

"Thank you." Sabi ko at pinutol na ang linya ng tawag.

Naupo ako sa swievel chair ko at napahawak na lamang sa aking mukha.

Ako ang kinakabahan sa kung ano man ang gagawin ni Rosette eh. Sa kung ano man ang maririnig ko kay Ms. Anne.

Sana. Sana mali ang mga hinala ko. Sana mali ang pumunta sya doon. Sana mali ang magnakaw sya sa kumpanyang ako mismo ang naghirap para mapalaki pa.

Sana..

Wala akong magawa sa office dahil gumawa man ako ng report ay wala naman akong maiisip na gawin. Walang pumapasok sa utak ko. Lumilipad lang ito sa kung saan.

I just reminding my self to calm down because I want to kill Rosette if she is going to do what's on my mind right now.

No.. she's not going to do that. I already trust her now. Please, Rosette. Dont ever break it again.

Nagising na lamang ang diwa ko ng mag ring ang phone ko.

Agad na sumiklab sa aking dibdib ang takot at kaba.

Kaba na baka tama ang hinala ko at takot na masira muli ang tiwalang binubuo nya.

"Hello?" Tanong ko.

My Beki Husband (MSMMR2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon