SideStory: Jake'nOlivia7

239 89 0
                                    

Olivia's POV

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Sobra akong kinakabahan na may halong pagka excite. Grabe! Ganito ba ma crush back ng crush mo?! AHHHHHHH!!!! Parang puputok ang dibdib ko sa pagbilis ng tibok ng puso ko! Parang gusto na nitong kumawala sa katawan ko huhu

Actually, biglaan nalang nangyari ang lahat na nagustuhan ko si Jake. Highschool palang kami lagi ko na syang pinagmamasdan mula sa malayo. Okay, okay, ako na talaga ang patay na patay sa kanya. Hindi naman kasi ako tumitingin sa pisikal na kaanyuan e! Sino ba ang may sabi na lahat ng magagandang babae kelangan humanap ng lalaking charming na kelangan heartthrob pa? Hindi ba pwedeng charming na nagtatago sa makakapal na eye glasses nya?

Maraming babae ang hindi nakikita kung gaano kagwapo si Jake. Tanging ako lang ang nakakakita non. Kahit pa makapal ang naglalakihan na glasses nya sa mata, naka braces pa sya that time, at kahit pa ka buhok nya si Dr. Jose Rizal. Hinding hindi mapapantayan ni James Reid ang kagwapuhan ni Jake na sa akin nya lang in-allow ipakita. Iyon ay noong mga panahon na lagi na kaming magkasama para turuan ako sa mga academics ko.

Actually, para-paraan ko lang talaga ang mga iyon dahil gusto ko talagang magkalapit kami ni Jake. Halata sa kanya na naiilang sya everytime na may nakakakita sa aming ibang tao lalo na kapag nasa school kami. But I don't give a damn to them! I don't care kahit na pagtinginan kami ng mga tao o kahit pagtsismisan kami araw araw. Mapapagod din naman ang mga iyon kalalait at kangungutya.

Iyan ang gusto kong ipahatid kay Jake.

Wala talaga akong pakealam sa iba. All I want right now is him. I want us to work this out. I want us to be together.

Naririto ako ngayon sa kwarto ko. Pagulong gulong ako sa kama dahil hindi ko na talaga alam ang mararamdaman ko. Na eexcite ako na ewan talaga! Teka, pangalawang beses ko na yata nasabi yan dito ah?

Haha! Basta! Sobrang na eexcite na talaga ako!

Tiningnan ko muli ang bag ko na syang nananahimik na nakalagay sa sofa.

Argh! Naku-curious na talaga ako sa isinulat ni Jake sa papel na ibinigay nya sa akin! Tsk! Bakit naman kasi kelangan sa susunod na pagkikita pa namin iyon kelangan basahin? I can't stand the suspense!

Muli akong napasulyap sa bag ko na naroroon sa sofa. Animo'y hinihipnotismo ako ng sarili kong bag na puntahan sya at kunin ang papel na ibinigay sa akin ni Jake!

Pero no! No! No! Nope! Nope!hindi mo ako maiisahan, bag! Hinding hindi kita bubuksan at hinding hindi ko babasahin ang isinulat ni Jake sa papel!

Binigyan ako ng tiwala ni Jake. At tutuparin ko iyon ano man ang mangyari. Kahit pa kalabanin ko ang sarili kong curiousity ay wala akong pakealam. Hayst. Ang hirap naman :3

"Bakit naman kasi ganun?" Nakanguso kong sabi at napakamot na lamang sa aking ulo. "Naku-curious na talaga ako sa sinulat nya." Sabi ko at muling napasulyap sa bag na naroroon. Para akong inaakit ng sarili kong bag ngayon. "Ah! No! Wag mo akong akitin, bag! Kagatin kita dyan! Hmp!" Sabi ko at tinabon ko na lamang ang aking sarili gamit ang makapal kong kumot.

Mukha akong baliw. Para akong hindi beauty queen kung meron mang makakakita sa akin ngayon. All of my life lagi akong nagkukunwari sa harapan ng maraming tao.

Nagkukunwari ako na okay lang ako kahit na pagod na pagod na ako sa maghapong training. Nagkukunwari akong nakangiti sa stage kahit pa may problema ako dito sa bahay o maging sa school. Nagkukunwari akong healthy sa ibang tao kahit na minsan hindi na talaga ako nakakakain ng maayos sa isang linggo para lang makamit ko yung timbang na kelangan ko para sa contest na sinalihan ko noon.

Pero worth it naman hindi ba?

Ako na ngayon ang beauty queen ng Bicol at bukas na nga ay ang pagpapasa ng korona sa akin ng beauty queen ng Bicol noong nakaraang taon. Sa susunod na taon ay ako naman ang magpapasa ng korona sa susunod na hihirangin na beauty queen ng Bicol.

Kaya noong minsan na narinig ko kung paano sya nakipag debate sa klase para sa topic na sang-ayon ka ba sa death penalty kapag murder ang kaso ay sobra nya akong napahanga.

Sa kabila kasi ng pagiging biktima nya noon sa bully ay lagi nyang pinapatunayan sa lahat na sya ang mas magaling at mas matalino. In short, bumabawi sya sa grades.

Kaya ang ending. Valedictorian lang naman sya noong grumaduate kami ng highschool. And no doubt, this year sya ang Cum Laude ng batch namin.

Aww.. ang talino talaga ng baby loves ko.

Agad akong napangiti sa mga naisip ko.

Hayst. Antagal naman mag Sunday! Hayst.

Hindi ko naman iniisip na baka sa coronation night ko kami ulit magkita. Pero parang ganoon na nga din iyon. Malay naman natin diba? Baka sakali lang naman na pumunta sya. Kailangan laging ready. Dadalhin ko na kahit saan man ako magpunta ang papel na ibinigay nya sa akin.

Pero grabe talaga! Gusto ko na makita si Jake! Huhu! Gusto ko na syang makita ulit. Hayst ang tagal naman kasi ng oras!

Sa sobrang dami ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Kinabukasan..

Kring!!!

Agad na napamulat ang isa kong mata saka pikit mata na kinapa ang bed side table ko. Naroroon kasi ang cellphone ko at ako tama nga ang hinala nyo. Tunog ng alarm clock ang syang bumubulabog sa akin ngayon pero hindi iyon alarm. Ring tone ko iyon kapag may tumatawag sa akin.

Oh diba? Sinong mag aakala na isa akong kontesera? Mas bagay yata sa akin etchosera e. Hmp!

Agad ko naman iyong sinagot.

"He---"

[Open the door, Olivia! Dalawang oras nalang at Coronation Night mo na! Ano ba naman yan! Ang tagal mo ng tulog! Halos buong araw!] Doon ay agad akong napa-balikwas ng tayo. Naririnig ko na din ang paglagabog ng pintuan ng bedroom ko kaya agad akong nataranta. Nawala ang antok sa aking sistema saka ako nagtatatakbo patungong pintuan.

Binuksan ko naman iyon at agad na bumungad sa akin ang make up artist ko at ang hair stylist ko. Dala dala nila ang gown ko at ang ilang accessories.

"Hay nako! Halos isa't kalahating oras na kaming katok na katok dito sa pinto mo! Kulang nalang balibagin namin ito e! Hay kaloka!" Sabi ng aking make up artist. Pumasok na sila sa loob kasunod si mama na syang nakangiti sa akin.

"Makikita nanaman kitang rumampa mamaya." Bakas sa kanyang boses ang pagka proud sa akin. Agad akong napangiti.

"Kayo talaga, Ma."

"Ay teka, si Jake ba pupunta din mamaya sa Coronation Night mo? Sabihan mo sya na pumunta nalang muna dito sa bahay para sabay sabay nalang tayo pumunta doon." Sabi nya habang may mapanuksong mga tingin.

Alam ni mama na matagal na akong nagkakagusto kay Jake. Talagang noong una palang gusto na nya si Jake sa pictures palang na mga pinakita ko sa kanya. Pero mas nagustuhan nya ito noong pinakilala ko na si Jake sa kanya sa personal. Wala namang problema kay mama e. Ang sabi nya pa nga ay bagay na bagay kami ni Jake!

" Si Mama talaga!" Sabi ko na lamang at hindi maiwasang mapangiti. Natawa na lamang ito.

My Beki Husband (MSMMR2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon