SideStory: Jake'nOlivia2

215 90 0
                                    

Naririto ako ngayon sa canteen ng school. Bumili ako ng makakain ko at nagbabalak na kumain na lamang sa garden ng school para makaiwas sa mga estudyante dito. Alam kong tampulan nanaman ako ng mga tukso nila.

Ganun na ba ako kapangit para lait laitin nila ako? Porke nakasalamin iba na ang tingin agad? Hindi ba ako tao? Hayst nako.

"Isa pong sandwich and chocolate shake yung medium lang." Medyo mahina kong pagkakasabi sa tindera dito sa canteen. Mabait naman ang tinderang iyon. Naka kwentuhan ko na din ito minsan kapag kumakain ako mag isa sa canteen.

"Sige sandali lang." Narinig kong sabi nya kaya nag antay na lamang ako. Maya maya ay nakita ko si Olivia na kapapasok lamang ng canteen. Mukhang hinahanap nya ako o sadyang assumero lamang ako at iniisip kong ako ang hinahanap nya. Hayst ano ka ba naman Jake? Baka mga kaibigan nya lang ang hinahanap nya at saka hindi naman siguro sya seryoso sa mga sinabi nya kanina pagpasok namin. Hayst maybe she said those para mapagaan ang loob ko. Atleast, thanks to her.

Nagising na lamang ako sa realidad ng makaramdam ako ng malagkit na likido na syang kumalat sa aking damit. Napapikit ako at muling nakarinig ng halakhakan ng mga tao sa loob ng canteen. Napayuko ako at tinanggap na lamang ang kanilang mga paghalakhak.

"Iniiwasan mo yata kami e? Kanina ka pa namin hinahanap dito ka lang pala namin makikita. Bakit hindi ka bumalik sa lungga mo?" Tanong ni Kevin. Sya ang number one bully ko kasama na ang barkada nya. Wala naman akong ginawang masama sa kanila pero kung tratuhin nila ako ng ganito. Minsan sumosobra sila sa pagpapahiya sa akin pero ewan ko ba sa sarili ko. Naiinis ako at wala akong magawa para maipagtanggol ang sarili ko laban sa kanila.

"What's that filthy smell?" Umakto pa ito ng inaamoy ako. "Oh God! Ikaw pala yung naamoy kong mabaho! You need shower!" Pagpapatuloy pa ni Kevin at muli akong pinaliguan ng juice. Nagtawanan na naman ang lahat.

Nakatingin lamang ako kay Olivia. Nagulat sya sa nasaksihan nya at lalapitan sana ako ng lapitan sya ng mga kaibigan nya. Pinigilan nila si Olivia at mas mabuti na iyon. Ayoko syang madamay sa pambu-bully sa akin ni Kevin.

Naramdaman ko ang pagtulak nya sa akin sa aking dibdib at ang pagbatok naman ng isa nyang kaibigan sa aking batok.

"Wala ka pala e." Sabi pa ng mga ito bago sila nag marcha palabas ng canteen. Sa twing may mangyayaring ganito ay hindi na ako nalulungkot o ano pa man. Siguro kasi nakasanayan ko na rin ang mga kaganapan. Sinasabi ko nalang sa sarili ko na ilang buwan nalang naman at matatapos na din ang school year. Graduation na at ga graduate ako ng tinitingala ng lahat ng estudyante dito sa campus. Kahit pa sila Kevin ay titingalain ako sa stage sa kung ilang beses na tatawagin ang pangalan ko para sa mga awards na nakuha ko.

I have to maintain my grades para matupad ang mga iyon. Cum Laude ako sa graduation, I promise that to myself.

"Ayos ka lang ba, boy?" Tanong ng tindera dito sa canteen. Dala dala na nya ang mga inorder ko at ibinigay sa akin. Ibinayad ko naman sa kanya ang bayad ko saka na nagmamadaling umalis ng canteen.

Ayoko na ng atmosphere doon lalo na ng makita ko ang nag aalalang mukha ni Olivia.

Agad akong tumakbo papuntang locker room ko saka ito binuksan. Simula ng mabully ako dito sa campus ay lagi na akong may dalang extra sa locker ko. Hindi nila ako mahahadlangan sa pagpasok ko dito. Maayos ang records ko at hindi ko hahayaan na masira ang records ko kahit na sirang sira na ang reputasyon ko dito sa school na to.

Napapikit ako at napa fist na lamang ang mga kamay. Kailangan ko lang kontrolin ang galit ko. Kapag tapos na talaga ang school year. Makakaganti din ako sayo, Kevin.

"Bakit hindi mo sya nilabanan kanina?" Rinig kong tanong sa akin ni Olivia na syang nasa tabi ko na pala.

Tiningnan ko sya. "You shouldn't be here. Kapag nakita nila na magkasama tayo---"

"I dont care, Jake!" Irita nyang sigaw sa akin. Natahimik naman ako sa inasal nya. Hindi ko alam ang nangyayari kay Olivia. Ano ba ang gusto nitong iparamdam sa akin? Parang kanina lang naman kami nagkausap ah? Bakit hindi sya nahihiya na may makakita sa kanya na may kausap na talunang nerd?

Nakita kong napahinga sya ng malalim. Umiwas na lamang ako ng tingin sa kanya.

"May next class ka pa ba?" Tanong nya sa akin. napakunot naman ang noo ko sa itinanong nya.

"Oo, may tatlong oras akong bakante pa. Yun na ang last class na papasukan ko this day." Casually I said kahit pa nagtataka na talaga ako sa mga ikinikilos nya.

"Let's go. Kain tayo sa labas. My treat." She smiled at me na syang dahilan para magwala nanaman ang puso ko. Hindi ko alam ang plano nya para gawin ito. Hindi ko alam kung ano ang dahilan para lapitan ang isang nerd na katulad ko.

"Why are you doing this?" Tanong ko sa kanya na syang ikinatigil nya. Pero ilang sandali lang din naman ay sinagot nya ako.

"I just like you for being who are you. And I think nakakita na ako ng kaibigang magiging totoo sa akin at hindi magiging plastik sa harapan ko dahil lang sikat ako."

Agad akong napanganga sa mga sinabi nya. Tama ba ang mga narinig ko?

Gusto nya akong maging kaibigan? Is she out of her mind?

"Are you serious?" Hindi ko mapigilang tanong sa kanya at tinuro ang aking sarili. "Ako talaga? Hindi ko kayang sabayan ang mga hirit mo---"

"Hindi ako nagbibiro." She said and tapped my shoulder. "Sa mundo kong marami ang nakakakilala sa akin isa lang ang gusto kong mahanap." Sabi nya at nginitian. "Iyon ay ang taong magiging totoo sa harapan ko." Sabi nya at tumawa ng mahina. "Nakikita ko ang mga iyon sa katauhan mo. Medyo may pagka mahiyain ka lang siguro pero ayos na din yon para alam mo yun? Makikita mo kung sino talaga yung mga totoong tao na mag eexcert ng efforts for you para makilala ka. Just like me!"

Napapikit na lamang ako ng mariin at napabuntong hininga. Naka ilang buntong hininga na ba ako ngayong araw simula ng makilala ko itong si Olivia? Hindi ko akalain na ganto pala ang personality nya.

"So ano? Kain tayo sa labas?" Pag aaya nyang muli. "My treat! In exchange for..."

"For what?" I asked.

"Pwede mo ba akong turuan sa acads ko? Hindi ko maintindihan yung iba e." She pouted. Mukhang nahihiya syang sabihin iyon sa akin.

Napatango na lamang ako sa kanya na syang ikinatuwa nya.

"Magpapalit lang ako sa bahay. Kung gusto mo sumama ka nalang din sa akin doon. You can wait sa living room." I said saka na ibinalik ang malinis na uniform na ipamamalit ko sana sa aking damit.

Napapalakpak naman sya as I closed my locker.

"Im excited! Tara na at simulan na natin ulit maglakad. Hindi ako nagdala ng kotse e. Grounded ako sa mama ko." Pagpapaliwanag nya. Natawa naman ako sa kanya.

"We can use my car." Sabi ko sa kanya na syang nakapagpakunot ng kanyang noo.

"Kung may kotse ka naman pala. E bakit ka nag ba bike kanina?!" Sabi nya at parang nag isip ng kaunti. "Wait! Ni minsan hindi kita nakitang nagdala ng kotse sa school! Tapos may kotse ka naman pala?!" Nabibigla nyang sabi.

"Ano ba sa tingin mo?"

Nakita ko ang pag irap nya.

"Kaya ka binubully e. Hayst aakalain ng mga estudyante dito ay mahirap ka kaya kung pagdiskitahan ka nila e wagas!" Inis nyang sabi sa akin.

"Sorry. Tinatamad lang talaga ako magmaneho." Nasabi ko na lamang sa kanya at tumawa ng mahina.

"Hmp! It is not right!" Patuloy nyang pagdedepensa sa kanyang sarili habang naglalakad kami. Hinayaan ko na lamang sya hanggang sa makalabas kami ng school ng wala namang nakakakita sa amin na magkasama. Sa likod kasi kami lumabas at walang estudyante ang pagala gala roon kapag may klase. Karamihan kasi ng naroroon ay 1st year college at sa pagkakaalam ko may klase sila ngayon.

Naglakad lamang kami habang patuloy syang nagrereklamo sa pagiging nerd ko at ang hindi ko pagdala sa kotse ko.

My Beki Husband (MSMMR2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon