Epilogue

3.6K 231 17
                                    

Kasalukuyang nakahiga kami ngayon sa duyan na nakasabit sa puno malapit lamang sa dagat.

Yakap yakap ko sya habang sya naman ay naka unan sa dibdib ko.

Katatapos lang ng kasal namin at pansamantalang nagkakainan ang mga bisita sa reception sa loob ng hotel.

Inayos ko ang pagkakahiga ko kaya napaangat ang ulo nya sa akin.

"My Francis." Halos bulong na lamang na tawag nya sa akin.

"Yes?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ka pa nag a approve sa promise mo sa akin." Nahihirapan nyang sabi.

"Shh.. wag ka ng masyadong nag sasalita. Hihingalin ka lang." Sabi ko sa kanya.

Umiling iling sya at muling isinandal ang ulo sa dibdib ko.

Feeling ko muli nanaman akong iiyak. At hindi nga ako nagkamali. Tahimik akong umiiyak para hindi nya ako mahalata.

Ayokong mag alala pa sya sa akin.

At saka alam ko namang kahit na anong mangyare. Sya lang ang babaeng mamahalin ko. Wala ng iba pa. Sya lang.

"Please boo.. mangako ka sa akin. Gusto kong marinig." Sabi nya sa akin.

Huminga ako ng malalim at napabuntong hininga.

"Okey. I promise." Sabi ko.

Tumaas ang tingin nya sa akin at pinakita ang hinliliit nya sa akin.

"Pinky promise?" Sabi nya at inalok ang hinliliit nya.

Agad ko namang ikinawit roon ang hinliliit ko.

"Pinky promise."

Tumitig sya sa akin at kahit rin ako sa kanya.

Ngumiti sya ng matamis na matamis sa akin saka ako binigyan ng isang matagal na matagal na paghalik nya. Agaran akong tumugon kasabay ng patuloy na pagdaloy ng luha sa aking mga mata.

Nang matapos na ay dahan dahan nya akong hinalikan sa noo ko at dalawang halik ang iginawad sa aking mga matang patuloy lamang sa pagluha.

Napahagulgol na ako ng iyak sa ginawa nya.

"Dont forget me. I'll wait for the day we meet again." Nakangiti nyang sabi at isang luha ang lumabas kanyang mga mata.

Agaran ko yung pinunasan.

"I love you. To infinity and beyond." sabi nya sa akin.

Hinalikan ko ang likod ng palad nya saka sumagot.

"I love you, too. To infinity and beyond, My Rose."

Tatlong malalalim na paghinga muna ang ginawa nya habang hindi pinuputol ang pagtitig sa mga mata ko.

Huminga ako ng malalim saka binitawan ang mga katagang:

"Magpahinga ka na."

Ngumiti sya sa akin saka dahan dahan nyang pinikit ang mga mata nya.

Matapos nyang pumikit. Ilang sandali lang hindi ko na naramdaman pa ang paghinga nya. Lumuwag na rin ang pagkaka hawak nya sa kamay ko.

Humagulgol na ako ng iyak ko. Ibinuhos ko ang lahat ng iyak ko habang yakap yakap ko sya ng mahigpit na mahigpit. Sobrang higpit. Na para bang ayoko na syang pakawalan.

"Ah---ahhhh!!!!" Sigaw ko sa sobrang sikip ng dibdib ko.

"Hindi ko kaya Rosette. Hindi ko kaya." Umiiyak kong sabi sa kanya.

My Beki Husband (MSMMR2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon