SideStory: Jake'nOlivia8

333 59 0
                                    

Last chapter/ Epilogue
(Halatang minadali na e HAHA)

===

On the way na kami ngayon patungong plaza kung saan doon na gaganapin ang aking crowning moment as Beauty Queen ng Bicol this year. And I am so excited na talaga para sa gabing ito.

Ang tagal kong pinagpaguran ito para lamang makuha ang korona. Para makuha ko ang titulo. At ngayon nga ay nagbunga na! Hindi ko maiwasang ngumiti ng malawak.

Ito na ang pinaka hinihintay kong sandali. Kokoronahan na ako maya maya lamang.

===

Third person's POV

Isang gabi na punong puno ng kasiyahan ang syang gaganapin sa plaza para sa mga mamamayan ng buong Bicol. Ito ay ang coronation night para sa isa sa pinaka mabait at pinaka magandang babae sa buong Bicol. Iyon nga ay si Olivia.

Agad na sinalubong ng kotseng kinalalagyan ni Olivia ang dami ng tao na manonood para sa kanyang muling pagrampa sa entablado at ang pagpapatong ng korona sa kanyang ulo maya maya lamang. Hindi nya tuloy maiwasang kabahan dulot sa sobrang pagka excite. Nakalimutan nya tuloy kahit papaano ang patungkol sa papel na ibinigay sa kanya ni Jake noong isang araw lamang. Masyado kasi syang na overwhelmed sa dami ng taong sumusuporta sa kanya.

Pero hindi nya maiwasang isipin si Jake. Manonood kaya ito ngayon? Gusto nya sana na makita ang lalaking iniibig dahil isa ito sa mga naging dahilan para maging pursigido sya sa pagiging beauty queen.

Napatingin si Olivia sa labas ng salamin kung saan maraming tao ang syang nag aantay sa pagrampa nya sa stage. Umaasa sya na makikita nya si Jake sa labas at manonood sa kanya ngunit nabigo sya. Sa dami ba naman ng taong naroroon. May pagkakataon pa ba na makita nya ito kung sakaling pumunta nga ang binata sa plaza? Maliit na tyansa. Pero sa maliit na iyon, still umaasa sya.

Ilang sandali pa nga ay bumaba na sya ng kotse at dumiretso sa backstage. Naroroon ang ilang mga mananayaw para bigyang aliw ang mga tao na nasa plaza ngayon. Kumbaga mga special numbers para hindi ma-boring ang mga taong manonood at maging mahaba pa ang event na iyon.

Agad naman syang binati ng mga taong naroroon at may iba pang nakipag picture sa kanya bago sumampa ang mga ito sa entablado at sumayaw. Naupo na lamang sya sa isang tabi at agad naman syang inayos ng kanyang make up artist.

"Bakit parang ang lungkot mo? Hindi ba dapat masaya ka dahil ito na ang pangarap mo?" Biglang puna nito sa kanya na syang ikinatingala ni Olivia at tingnan ang kanyang make up artist.

Napabuntong hininga na lamang si Olivia. Nawawalan na kasi sya ng pag asa makita si Jake ngayong gabi. Gusto nyang magtampo pero wala pa naman syang karapatan. Hindi naman sya girlfriend ni Jake o kahit man lang ang nililigawan nito para magkaroon sya ng karapatan na magtampo rito. Muli na lamang syang napabuntong hininga sa kanyang naisip.

"Wala ito. Medyo sumama lang ang pakiramdam ko. Sorry." Sagot na lamang nya sa kanyang make up artist para hindi na ito magtanong pa.

"Heto ang gamot, Miss Olivia. Inumin mo ito bago ka umakyat sa stage. Okay?" Paalala ng kanyang make up artist ang binigyan na nga sya ng gamot. Nginitian nya naman ito bago sya iwanan nito at bumili ng pagkain sa labas. Inutusan nya ito dahil hindi pa sya kumakain ng lunch. Nalipasan na sya ng gutom. Gusto nya munang kumain kahit papano bago umakyat sa stage. Kaya din siguro sumasama na din ang pakiramdam nya ay dahil wala ring laman ang kanyang tyan.

Ilang minuto ang dumating at agad na din namang bumalik ang kanyang make up artist dala dala ang isang cheeseburger galing mcdo na may kasama pang fries at coke float. Agad syang napangiti. Iyon kasi ang paborito nya. Hindi nya akalain na alam ng make up artist nya na paborito nya ang cheeseburger ng mcdo na may kasamang fries and coke float.

My Beki Husband (MSMMR2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon