Chapter 1

619 11 0
                                    

ILANG araw na ako hindi nakakatulog nang matino dahil bukod sa busy schedule, dumadagdag pa ang sobrang pag-iisip tungkol sa movie project na ino-offer saakin kaya nakakaranas ako ngayon ng insomnia.

"Nakakasama sa image mo ang pagpupuyat. Here," Halos mabitawan ko ang hawak na make up remover nang biglang sumulpot at magsalita mula sa aking likuran si Tita Marsha at inabot ang isang kulay puting bote ng gamot. Hindi ko man lang namalayan na nasa likod ko na si Tita! A, come to your sense! Lumalala na yata talaga ang pagiging magugulatin ko. Masyado bang malalim ang iniisip ko para hindi ko na naramdaman ang presensya niya?

"Take this. Uminom ka ng dalawa para tuloy tuloy ang tulog mo mamaya since wala ka namang schedules for tomorrow."

"Thank you, Tita." Kinuha ko ang gamot at inilagay iyon sa aking bag at bumalik muli ang atensyon sa patanggal ng natitirang make up sa mukha nang nagsalita muli si Tita Marsha.

"Napag-isipan mo na ba ang alok ni Direk Francis? Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo? This is your first leading role! He personally picked you! Aren't you proud of it? You should be grateful! He will send the copy of the contract via gmail this evening. You still have until tomorrow to decide. Please accept this offer. Set side your personal feelings. Kontento ka na ba sa pagiging Second lead mo? This is your dream all along! You shouldn't think twice!"

I know! But Dammit! Gulong gulo na ako sa kung ano ang gagawin ko. One wrong decision and I'm done! Itunuon ko nalang mula ang sarili sa harap ng salamin at napaisip.

Halos hindi ako nakatulog noong nalaman ko ang offer ni Direk Francis. Ngunit gumuho ang mundo ko noong nalaman ko kung sino ang magiging leading man ko and no thanks! In his dream! Hindi ko maatim na makasama o makita man lang ang walang hiyang lalaki na iyon!

Ngunit sa halos isang buwan na ang nakakaraan pero ni walang project na binibigay sakin ang SuDom Entertainment! I suddenly felt threatened. I know it's because of the offer Direk Francis gave me. They think I will accept the project so they don't even bother to give me even a small role!

This project is just so irresistible that I don't know why this happened so sudden? I mean, sa tatlong taon ko dito sa industriyang ito, kelanman ay hindi ako nabigyan ng leading role, at ngayon namang nabigyan na ako nang big break, sa ganito kalaking proyekto pa!

A big series movie project with the blockbuster Director, Direk Francis Domingo that anyone couldn't resist but damn!

This is going to be the peak of my career. Gonna or Gone nah? Shit.

But how I am suppose to do the role when I can't stand being with my leading man?!

PASADO ALAS nueve na ng gabi nang nakauwi ako ng bahay. Hindi na ako nag abalang umupo man lang sa sala para mag relax dahil gusto ko na talagang humilata! Dumeritso agad ako sa kwarto upang maka- ligo at nang makatulog na agad.

Dahil sa pagod, pagkatapos maligo ay humiga na agad ako sa kama kahit pa naka bath robe lang, di alintana ang lamig. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at magtalukbong ng kumot.

Hanggang ngayon ay nag tatalo padin ang kalooban ko kung tatanggapin ko ba ang offer o hindi. Pero teka! Napamulat ako nang may naalala.

Inabot ko ang bag ko at kinuha mula doon ang cellphone at nag check ng emails upang i-check ang tinutukoy ni Tita Marsha na kontrata na ipapadala saakin ngayong gabi. Binuksan ko ito at mabilis na pinasadahan ng tingin ang nilalaman nito.

Connected Worlds (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon