Chapter 6

306 3 0
                                    

AkosiSinclair
kal_Garcia,
This chapter is for you ;)

ANG BUONG akala ko ay dito sa isla na din na ito gaganapin ang pagdala saakin sa Kastilyong Mansion ng mga Andante pero nagkamali ako dahil ang isla pala na ito ay totoong secluded kung kaya't walang ano mang bahay o tao dito maliban sa bahay ni Maria.

Sa palagay ko ay ipinatayo lang ito dito dahil sa gaganaping shooting. Mukhang pinaglaanan talaga ng malaking pera at oras ang movie project na ito dahil kung iisipin pwede namang ipatayo nalang ang bahay sa mismong isla kung saan gaganapin ang mga importanteng scenes kagaya ng mga scenes na gaganapin sa Kastilyong Mansion ng mga Andante.

Pagkatapos na pagkatapos ng eksena kung saan dinala ako sa Yate ng mga Police Women ay doon natapos ang shooting ngayong araw.

Kasalukuyang nag lalayag ang Yate patungo sa isla kung saan gaganapin ang mga susunod na eksena. Pumanhik na ako sa kwarto ni Tita Marsha upang kunin ang maleta ko. Pagdating ko sa kanyang silid ay na-datnan ko siyang mahimbing na natutulog sa kama, kaya naman hindi ko na siya inabalang gisingin pa. Wala na din naman akong lakas ng loob pa para sabihin ang mga saloobin ko.

Kinuha ang dalang maleta at pamasok sa aking silid. Dumeritso ako sa banyo upang mag babad sa bathtub. Pagkaraan ng isang oras na pagbababad at pagiisip ay nagpasya na akong umahon. Kahit papano'y gumaan gaan din ang bigat sa dibdib ko.

Kung susumahin lahay ng nangyari, para talagang normal lang ang pinapagawa nila saakin. Ni hindi man lang ako tinanong kung okay lang bang gawin ko iyon. Pero naisip ko din na baka nasa kontrata na ang mga iyon at kasali sa Terms and Condition na hindi ako pwedeng tanggihan ang mga ipapagawa nila. Marami na akong na encounter na ganito lalo na sa modeling industry kung saan ako nagsimula. Malaking halaga ang kinakailangan para maging void ang kontrata at kinakailangan pa itong idaan sa korte.

Kahit pa anong piga ko sa utak ko, hindi ko talaga maalalang pinirmahan ko ang kontrata na iyon! Binalikan ko ang mga pangyayari bago ang araw na ito. Mas malinaw pa sa sikat ng araw ang mga alaala ko ang mga nangyari kagabi kaya hindi ako pwedeng magkamali! Walang naganap na contract signing at lalong wala akong pinirmahan na kahit ano!

Pilit kong ding tinitimbang sa utak ko ang mga nangyari pagkatapos ko magising noong araw na iyon. Para bang nasa ibang daigdig ako ng mga araw na iyon. Parang may nagbago... Pati ang sarili ko ay parang may nagbago din. Kanina sa shooting, para akong ibang tao, ni hindi ko na makilala ang sarili ko!

Alam ko na sa mga susunod na takbo ng mga eksena ay mas malaswa pa kesa doon ang mga gagawin at hindi ako tanga para hindi malaman iyon! Pero bakit parang nagugustuhan ko na ito ngayon? Tila ba mas nananaig ang kagustuhan ng katawan ko kesa sa isinisigaw ng isip ko.

Pero importante pa ba yon? Nandito na ako! Damn. May magagawa pa ba ako?

Lumabas ako sa CR at nagtungo sa kama upang makapagbihis. Wala akong dalang damit nang pumunta dito pero nakakasiguro naman ako na naihanda ni Tita ang mga gamit ko bago pa man niya ako dahil dito. Nagsimula na akong halughugin ang laman ng nito pero puro lingerie at customes lang ang mga nakita mo dito!

Hindi ito saakin! At hindi rin ito pagmamayari ni Tita Marsha dahil masyado itong maliit sakanya. Kaya malamang saakin to. Seryoso ba si Tita dito? Kelan pa nagbago ang taste ko sa damit? At bakit ganito ang mga dala ni Tita?

Connected Worlds (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon