Chapter 11

466 5 6
                                    

BUONG mag hapon kaming magkasama ni David. Pagkatapos magbabad ng ilang oras sa pool ay naglibot libot naman kami habang nag kwewentuhan sa labas ng mansion. Sa sobrang saya niyang kasama ay di ko na alintana ang pagod.

Pagkatapos nang mahabang araw kasama siya ay saka ko palang naramdaman ang pagod kaya nakatulog agad ako at di ko namalayang alas diez ng gabi ako nagising. Dahil tapos na sila kumain ng dinner ay nagpasya akong ipahatid nalang ang pagkain sa kwarto ko. Kahit inaantok pa ay pinilit kong gumising dahil may usapan kami ni David mamaya.

Pagkatapos kumain at maligo ay lumabas na ako ng silid ko suot ang pang maid na costume. Nahihirapan kasi akong pumili ng susuotin kaya minabuti ko nang suotin ang pang maid outfit na ito. Marami namang spare na pang maid outfit sa closet ko at feeling ko ito ulit ang isusuot ko bukas. Pinatungan ko nalang ng cardigan na hanggang tuhod. Okay na to.

Habang naglalakad papunta sa ikatlong palapag ay naalala kung hindi ko nga pala alam kung saang parte ng 3rd floor ang kwarto niya! Oh fuck! Ang alam ko lang ay kung saang floor siya dahil narin sa kwento niya na halos hindi niya daw alam kung asan ang kwarto niya at halos maligaw nong unang araw namin dito. Hinanap ko sa damit ko ang cellphone ko at naalala kong hindi ko yon dala at wala nga pala akong number niya! Just great!

Nang nakaakyat na ako sa ikatlong palapag ng mansion ay nalula ako sa laki nito. Mas malaki ito kumpara sa una at pangalawang palapag. Marami din itong pasilyo at di ko alam kung dederetso ako, kakanan ba o kakaliwa. Nagpasya akong maglakad sa gitnang pasilyo. Mula dito ay may nakikita akong napakalaking pinto sa pinakadulo.

Iginala ko ang mata ko sa paligid habang naglalakad at puro larawan at painting ang mga narito. Habang nagmamasid sa mga larawan ay hindi ko na namalayang nasa dulong bahagi na pala ako ng pasliyong ito! Anlayo na pala ng nilakad ko pero hanggang ngayon wala parin akong makita ni isang pinto! At ang tanging pinto na akala ko ay isa palang painting! Naagaw nito ng atensyon ko at pinagmasdan itong mabuti. Isa itong antigong pinto na kadalasang nakikita sa mga kastilyo. Kung iisipin para talaga siyang pinto lalo na sa malayo. Wala sa sariling inabot ko ang door handle ng pinto, para kasi siya talagang 3D painting at ang densenyo nito ay napaka detalyado. Bago ko pa ito mahawakan ay bigla akong nakarinig ng 'click sound' kaya mapatili ako at nagtakit ng mata.

What the hell is that?!

Ilang segundo ang lumipas at nakapikit parin ako, pinapakiramdaman ang paligid. Nang wala naman akong naramdaman na kakaiba ay inimulat ko ng dahan dahan ang aking mata at inilibot ang mga mata sa paligid. Walang tao! Ibinalik ko ang mata ko sa painting at nabigla ako ng bahagya iyong nakatagilid. Omg! Don't tell me isa itong secret passage kagaya ng mga napapanuod kong movies?

Itinulak ko ang painting gamit ng hintuturo ko kaya umusog ito. Ginamit ko ang buong lakas ko para bukasan ito kaya di ko namalayang napunta na pala ko sa kabila! Kinilabutan ako bigla. Don't tell me....?

Iginala ko ang mata ko sa palagid at tangina lang this place is so creepy! Hindi kagaya kanina, masyado itong madilim at tanging ang wall lamp nalang ang nagaisilbing ilaw. Pinilit kong buksan ang painting pero kahit anong tulak at sipa ko ay hindi parin ito nabubuksan. Shit! Kailangan kong makaalis dito! Baka may makakita sakin dito at mapagkamalan pa akong magnanakaw!

Humakbang ako ng isang beses nang biglang may umilaw sa tapat ko ngunit nanatiling madilim sa malayo. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat. The image of a scary horror movie flash in my mind!

Lakad takbo ang ginawa ko kasabay non ay ang pagsunod ng ilaw saakin hanggang sa namalayan ko nalang ang isang matigas na pader na biglang bumukas, katulad kanina umikot ito at napunta sa kabila. Tumambad saakin ang isang pasilyo na kahalintulad ng ikatlong palapag.

Connected Worlds (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon