Chapter 2

265 9 8
                                        

Isang linggo na ang lumipas pero parang kahapon lang nangyari yung pamamahiya sa akin ni Giordan sa locker room. Sanay naman na ako eh. Simula nung binigay ko yung sarili ko sa kaniya, lalo siyang sumungit sa akin. Lalo niya akong itinataboy.

Yung akala kong magi-improve kahit papano yung pakikitungo niya sa akin? Hindi nangyari. Mga maling akala. Asa kasi ako ng asa, ayan tuloy.

"Allena," Tawag sa akin ng isang kaklase ko.

"O, Ian? Bakit?"

Inabot niya sa akin ang isang rosas kasama ng isang tsokolate. Namumula pa ang tenga niya dahil sa hiya.

"Salamat." Ngiti ko. "Para saan 'to?" Tanong ko.

"P-para sa'yo sana. U-uhm,"

"Talaga? Salamat talaga!" I don't wanna be snob. Alam ko kasi ang feeling kapag hindi ka pinapansin ng taong gusto. Alam na alam ko.

Nagmadali siyang umalis. Napailing na lang ako. Was I like that?

Nagpatuloy ako sa paglalakad.

Natutuwa talaga akong pagmasdan ang mga puno na sumasayaw. Baka nga iniisip na ng mga taong nakakakita sa akin dito sa field ng school na sobrang weird ko. Nakangiti lang kasi ako na parang tanga habang nakatingala sa mga puno.

Hanggang ngayon kasi iniisip kong ako ang hangin at si Giordan ang puno. Yung tipong kahit na gaano ko siya hampasin ng paulit ulit, hindi siya natitinag.

Nandoong napapa-sway siya dahil sa malakas ang hangin, pero hindi pa rin ito natutumba. Dahil malakas ang kapit niya. Na kahit gaano ko siya saktan at hampasin hindi niya 'ko susukuan. He'll stay no matter what.

Inipit ko ang rosas sa aking notebook at inilagay na sa loob ng bag ang tsokolate.

"Tss." Napatalon ako nang marinig ang tunog na iyon.

Tumingala ako at nakita si Giordan na iritadong iritado. Hindi ko alam pero napangiti ako bigla. Tumayo ako.

"Hi!" Masigla kong bati at saka pinagpag ang buhangin sa pangupo ko.

Umirap lang siya sa akin. "Stalker!" Akusa niya.

Nanlaki ang mata ko. "Ha? Hindi ah. Nauna ako dito!" Sabi ko.

"You knew I like it here, na dito ako tumatambay kaya ka nandito." Sabi pa niya.

Napangiti ako. "Hindi ah! Sa katunayan, ngayon ko lang nalaman. Ang sarap kasing pagmasdan ng mga puno dito." Pumikit ako nang tumama ang hangin sa mukha ko pero nakangiti pa rin ako.

"Tss."

"Alam mo, hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang sungit mo sa akin." Hindi siya sumagot kaya nagsalita ulit ako. "Ang ganda dito 'no? Hindi ako magtataka na gusto mo rito. Presko tsaka magaganda ang tanawin."

HIndi pa rin siya nagsasalita. Nanatili siyang nakatayo at nakatingin sa malayo, sa soccer field.

"Alam mo, kanina iniisip ko. Ako ang hangin, ikaw ang puno. Napapasayaw kita sa pagibig ko." Humagikgik pa ako pagkasabi non. Pero as usual, inisnab niya lang ako.

Feeling ko ay kaunting salita ko pa ay pagbubuhatan na niya ako ng kamay. Brutal, isn't he? Well, sanay na 'ko. Sanay na sanay.

"Sus! Joke lang! Ito naman." Biro ko pero wala talaga siyang pakialam.

Sakto namang nagring na ang buzzer. Wew! Saved by the bell? Wala na kasi akong masabi eh. Feeling ko kapag dinaldalan ko pa siya talagang magagalit na siya.

Maikli pa naman din ang pasensya nun. Aba, lalo na sa akin!

"Start making a poem or a short story. The chosen poem or story will be posted on the big bulletin this March." Napahiyaw ang mga kaklase ko.

The Bachelor's PlagueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon