"Giordan! Tubig oh.." Sabay abot ko ng bottled water sa kaniya. Inilabas ko rin ang towel na pampunas niya ng pawis. Inabot ko rin iyon sa kaniya pero tiningnan niya lang.
"I don't use others' towel." Kaagad ko iyong ibinalik sa bag ko. Sunod kong inilabas yung sandwhich at muling inabot sa kaniya.
Nagbabakasakali lang naman ako na tanggapin niya eh.
"Eto oh. Baka gutom ka na." Sabi ko. Nginitian ko siya ng matamis pero nanatili ang malamig niyang titig sa akin.
"I can but my own food." Aniya saka tinabig ang kamay ko.
Napalunok ako at napakagat ng labi. Gusto kong umiyak. Dalawang buwan ko na itong ginagawa pero hindi pa rin ako masanay sanay.
"I don't understand why you struggle to get his attention. It's clear that he doesn't like you." Anang kaibigan niya at tinalikuran ako.
Naestatwa ako sa kinatatayuan ako.
I am an achiever. They say I'm smart, pretty and kind. Pero hindi talaga ako naniniwala dahil kung ganoon nga ay kahit papano, mapapansin niya ako.
"Ano'ng ginagawa mo diyan, Allena?" Tanong ni Manang Lucing sa akin.
"Naku, Nang, nagluluto po. Para kay Giordan ko." Sabi ko.
"Eh hindi ka naman marunong niyan."
"Ah eh," Napakamot ako ng ulo. "T-turuan niyo na lang ho ako, Nang. Please?" I gave her my puppy eyes.
Umiling na lang si Manang at kinuha ang sandok na hawak ko.
"Osya, ano pa nga bang magagawa ko?" Natatawa niyang wika.
"Naku! Kaya mahal na mahal kita Nang eh." Saka ko siya niyakap. Natawa na lang siya sa akin.
Manang Lucing had been my nanny since I was born. Dapat ay aalis na siya sa amin dahil medyo may katandaan na siya at gusto niya ring alagaan ang mga apo niya pero hindi ako pumayag. Talagang nakiusap ako kina mama at papa na 'wag nilang payagan si Manang.
Sa huli, hindi niya rin naman ako natiis kaya hindi na siya umalis.
Call me selfish but she's all I have since my parents weren't always at home. Kung aalis si Manang, magisa na lang ako. Ayoko ng ganoon.
May ibang maids kami but we aren't that close. Si 'Nang Lucing lang talaga.
"Girodan!" Tinakbo ko ang distansya naming dalawa. Hawak hawak ko sa kaliwang kamay ko ang lunch box na inihanda namin ni 'nang Lucing.
Napakunot ang noo niya nang lumingon sa akin.
"Tss." Inirapan niya ko pero hindi ako nagpatinag.
"Tanggapin mo na, Giordan!" Bulyaw ng mga kasama nya.
"Sige na, Giordan oh. Sayo na ito. Niluto ko talaga 'yan para sa'yo. Nagpaturo ako kay Manang para maipagluto kita." Tuluy tuloy kong sabi.
"There's no way in hell I am going to eat that shit." Saka niya tinabig ang kanang ko.
Napa-aray ako. May paso kasi iyon.
"Ano'ng inaarte arte mo diyan? People might think I've hurt you. Stop acting, it doesn't suit you." Namuo ang mga luha ko sa gilid ng aking mata.
"M-may paso kasi yon, G-giordan." Pinigil kong 'wag manginig ang boses ko.
"And so? Sinisisi mo pa yata ako." Masungit niyang sabi.
"H-hindi. Sinasabi ko lang kasi sabi mo-"
"Oh cut the crap. I'm not buying it." Kinuha niya sa kaliwang kamay ko ang lunch box at inihagis ito sa kasama niya. "Eat that." And then they left.
![](https://img.wattpad.com/cover/41213988-288-k299494.jpg)
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Plague
Ficción GeneralUtopia Series One: Allena is good with words and in her imagination. She likes to give life and color to different things. And as someone who's a fan of the idea of Utopia, she sees things differently. She doesn't give up easily. She's a fighter. Un...