A/N:
Advance Merry Christmas to all~ here's my gift. Sa wakas at nakapag-update na rin. Malapit na rin po itong matapos. Few chapters left .
Taehyung's POV
Biglaan ang lahat. Nagulat na lang ako sa ginawa ko. Nakita ko na lang ang sarili kong nakatayo ako sa labas ng bakuran nina Jisung.
"Taehyung, anong nangyari? Bakit?" Tanong ni Tito Baek. Bakas sa boses ni Tito ang pag-aalala niya.
Nararamdaman ko ang pagtulo ng luha ko.
Hindi ako nakasagot kay Tito. Gusto kong magpaliwanag pero hindi ko magawa.
Naramdaman ko na lang ang mainit na kamay ni Tito sa braso ko. Dahan-dahan niya akong hinila papunta sa sasakyan niya.
Tahimik ang biyahe. Hindi ko na ulit narinig ang boses ni Tito at hindi na rin niya ako tinanong ulit kung bakit ako umalis sa dinner. Nalaman ko na lang nasa tapat na kami ng bahay ng biglang huminto ang sasakyan ni Tito. Naghintay ako ng pagbukas ng pinto sa driver's seat pero wala akong narinig. Tinignan ko si Tito, nakatitig siya sa akin na tipong naghihintay ng paliwanag.
"Ayusin mo sarili mo. Your mom's here."
Namilog ang mga mata ko. Si Mama andito? Ang alam ko sa susunod na buwan pa siya uuwi.
"A-akala ko, next month pa uwi niya." Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano haharapin si Mama. Ilang taon ko na ring hindi nakikita si Mama pero sa sitwasyon
Napabuntung-hininga si Tito. Napansin ko ang pagkabalisa ni Tito, "Ngayon ko lang nalaman. Before you went out, she texted me. sabi niya nasa bahay siya at..."
"At?"
"She's with Minyoung."
"M-Min-young? Bakit andito siya? Bakit kasama niya si Minyoung?" nanginig ang mga kamay ko. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Natatakot ako. Kinakabahan ako. Paulit-ulit kong kinabog ng kamay ko ang dibdib ko para pigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko pero hindi ko magawa.
Inabot ni Tito ang mga kamay ko. Mahigpit ang paghawak niya. I felt his concern and encouragement. It's always been him. Lagi na lang si Tito ang nasa tabi ko sa mga ganitong pagkakataon.
"Shhh~ Calm down. Nandito lang ako. Whatever's bothering you, just tell me when it's okay and when you are ready."
"Tito Baek. S-si Minyoung."
Pagkarinig ko lang sa pangalan niya, natatakot na ako. Parte siya ng nakaraan ko na ayaw ko nang balikan.
"Don't mind her. She's just here for a vacation. She'll go back with your mom."
"Gaano sila katagal dito?"
"'Di ako sigurado but your mom said that they might stay here for a month."
A month? Isang buwan kasama si Minyoung? Hindi ko alam kung kakayanin ko.
BINABASA MO ANG
My Troll Daughter's Boyfriend
General FictionMula sa love story ni Chen patungo sa buhay pamilya niya. Paano ba haharapin ni Kim Jong Dae ang pagiging ama sa kanyang nagdadalagang anak? Isang magulo at masayang kaganapan na naman ito.