A/N:
I'm very sorry guys kung sobrang tagal na talaga ng pag-aupdate ko. Sobrang dami lang ginagawa. But don't worry, all my fanfics here are ongoing. 'Yun nga lang, sobrang matatagalan ang pag-aupdate ko. I hope you understand.
__________________________________________________________________________
“Jisung?” Gulat na gulat si Taehyung nang makita niya sa labas ng bahay nila si Jisung dala-dala ang bike at naka-pajama pa.
Nang marinig ni Jisung ang boses ni Taehyung, hindi na napigilan ni Jisung na humikbi at dali-daling tumakbo patungo kay Taehyung.
“Taehyuuung~”
Tuluyang nagising ang diwa ni Taehyung nang maramdaman niya sa kanyang bisig si Jisung. Nakaakap na sa kanya ang dalaga at ang ikinagulat niya ay ang pag-iyak ni Jisung.
“Jisung, anong nangyari?” mahinahong tanong ni Taehyung ngunit hindi siya sinagot ng dalaga.
Patuloy lang sa pag-iyak ang dalaga.
Tinapik-tapik ni Taehyung ang balikat ng dalaga para iparamdam ang pag-alala niya rito.
“Jisung, pasok na muna tayo baka malamigan ka.”
Kahit nabibigla sa mga pangyayari si Taehyung, syempre hindi naman niya pwedeng hayaan ang kaibigan sa labas lalo na’t si Jisung ito – Si Jisung ‘to pre~
Pagpasok ng bahay, pinaupo na muna ni Taehyung si Jisung habang kumukuha siya ng tubig para kay Jisung. Mayamaya pa ay bumalik sa living room si Taehyung at iniabot kay Jisung ang isang baso ng tubig.
“Taehyung, pasensya na sa abala. Ikaw lang kasi ang alam kong matatakbuhan ko ngayon. Hindi ko kasi magising si Sungjee eh.” Pag-amin ni Jisung na panay ang singhot sa pagitan ng kanyang mga salita.
Tinitigan ni Taehyung si Jisung. Napatingin si Jisung at napansin ang malalim na pagtingin sa kanya ng binata ngunit iniwasan niya ito ng tingin. Sa halip ay idinaan na lang niya sa muling pag-inom ang mga ito.
“Alam mo, kung ako lang ang matatakbuhan mo, sana sinasabi mo na sa’kin kung bakit ka napasugod dito sa bahay ng ganitong oras.” Nakahalukipkip si Taehyung habang hinihintay ang mga isasagot ni Jisung.
“Want me to get ugly?” hysteric na tanong ni Jisung.
“Jisung chill, hindi ka naman pangit kapag umiiyak eh… konti lang.” with matching actions pa.
Nanlisik ang mga mata ni Jisung at sinuntok ang tuhod ng binata.
“Nakuha mo pang magbiro.” Malamig na sagot ni Jisung.
Habang tumatagal ang katahimikan sa apat na sulok ng kwartong iyon, lalong naaaligaga si Taehyung sa dahilan ng pagdating ni Jisung. Sa tuwing mapapatingin naman siya rito ay panay ang iwas. Hindi man lamang magsalita ang dalaga para maintindihan niya ang mga nangyayari. Muling tinignan ni Taehyung ang dalaga na tulala sa kawalan. Pinagmasdan niya ang mugto nitong mga mata, ang mga malalim na paghinga nito at ang madalas nitong pagkagt sa labi – Isa lang ang naiisip niya, mukhang hindi maganda ang mga nangyari.
BINABASA MO ANG
My Troll Daughter's Boyfriend
Fiksi UmumMula sa love story ni Chen patungo sa buhay pamilya niya. Paano ba haharapin ni Kim Jong Dae ang pagiging ama sa kanyang nagdadalagang anak? Isang magulo at masayang kaganapan na naman ito.