A/N:
Dahil hindi ako maka-get over sa TRB, eto na ang update. Sorry medyo natagalan. Enjoy~
________________________________________________________________________
“Uy! Awatin niyo nga ‘yan!”
“Inaambahan ako ng bote eh, paano kung hampasin ako?”
“Sehun, mas matanda ka diyan. Gawan mo ng paraan!”
“Lagot tayo kay Baekhyun kapag nalaman niya ‘to!”
Hindi na alam nina Kai, Sehun, Luhan at Yixing ang gagawin para lang mapahinto sa pag-inom ng soju itong si Taehyung.
Paano nga ba siya napasok sa inuman session ng mga tito niya?
Flashback
“Okay, class dismissed.” Lay announced.
Nagsipagpulasan ang lahat at kanya kanyang kuha ng gamit.
Mukhang nag-enjoy ang karamihan bukod ata sa isa.
“Touch my bodeh~” pagwawala ni JHope habang gumigiling sa gitna na sinabayan rin ni Jimin.
After ng last practice kasi ay mukhang na-boost ang energy ng dalawa. Natatawa lang si Jisung habang pinapanuod na pigilan ni Jungkook ang mga nakakatanda sa pagwawala.
“Konting kahihiyan naman hyung.” Bulong ni Jungkook na natatawa habang hinahaltak na si JHope.
“Maya na~ pakitang gilas muna tayo sa mga nagturo sa’tin. Malay mo mapansin talent ko. Hoo! Hoo! Sige pa Jimin, giling pa!” sigaw ni JHope na gumigiling pa sabay nginig ng balakang.
“Pagod na ko hyung pero sige.” Sinabayan na naman niya ng giling si JHope.
“You guys are crazy.” Natatawang komento ni Jisung. Hawak-hawak na niya ang tiyan niya sa sobrang sakit nito.
“Mukhang nagkakasiyahan pa kayo ah.”
Nahinto sa paggiling ang dalawa at sabay namang napalingon sa likod sina Jungkook at Jisung.
“Tito Kai.” Bulong ni Jisung.
“Mga kaibigan mo?” tanong ni Sehun kay Jisung. Tumango si Jisung at bahagyang napakagat sa labi.
Lumapit ang apat kina Jisung.
BINABASA MO ANG
My Troll Daughter's Boyfriend
Ficción GeneralMula sa love story ni Chen patungo sa buhay pamilya niya. Paano ba haharapin ni Kim Jong Dae ang pagiging ama sa kanyang nagdadalagang anak? Isang magulo at masayang kaganapan na naman ito.