Drama

505 31 2
                                    

A/N:

MERRY CHRISTMAS~ here's my Christmas gift. Short update lang muna.

Taehyung’s POV

“Aww~ ang sakit ng ulo~”

Halos magpagulong-gulong ako sa higaan ko sa sakit ng ulo ko. Parang binibiyak ang utak ko ng unti-unti. Bakit nga ba ganito kasakit ang ulo ko?

“O gising ka na pala.”

Nabaling ko ang tingin ko sa may pintuan. Si Tito Baek na may dalang tray ng pagkain pala.

“Masakit ba ulo mo?” tanong niya sa’kin.

Tumango ako sa kanya at kita sa mga mata niya ang labis na pag-aalala. Ngayon ko na lang nakitang ganito tumitig si Tito. Ano ba ang nangyari kagabi na ipinag-aalala niya? Wala akong matandaan.

“Tito… b-bak… ARAY! Ang sakit naman nun.” Napahimas ako sa ulo ko dahil sa pagbatok ni Tito.

Inilapag ni Tito Baek ang tray sa may paanan ko tapos tumabi siya sa’kin. Seryosong-seryoso ang mukha niya. Minsan ko lang makita na ganito kaseryoso ang mukha niya. Kapag may nagawa akong hindi maganda o... ayaw ko nang maalala ‘yun, doon ko lang nakikitang manly ang face ng tito ko. Hehehehe… nakuha ko pang magbiro no?

“Ano bang pumasok sa utak mo at nagpakalasing ka?”

“Ako naglasing? Tito, ayoko nga ng lasa ng alak eh kahit hinahaluan nila Tito Kai ‘yung juice ko para pagtripan ako.” Panay ang iling ko dahil hindi ko naman talaga gusto ang lasa ng alak. Para kasi akong umiinom ng alcohol na pampatay ng 99.9% of germs. Sa gwapo kong ‘to? Kelan naging germs ang tulad ko?

“ARAY! Tito masakit na nga ang ulo ng gwapo mong pamangkin, sinasaktan mo pa.” napahimas na naman ako sa ulo ko. Pasakit ng pasakit ang batok ni tito ha. Ano ba talagang ginawa kong mali? Saan ako nagkamali?

“Tatanggalin ko ang kagwapuhan mo kapag inulit mo pa ang uminom. Gusto mong ibalik ka na naman sa ospital?”

Umiling ako. Ayoko ng amoy ng ospital, pati ‘yung mga nakakairitang mga tunog ng makina at lalong lalo na ang makakita ng dugo - those memories haunts me back again.

“Magaling na ako Tito. It won’t come back.”

“Sa mga ginagawa mo at gagawin mo baka bumalik na naman. Saka tandaan mo, hindi ka pa talaga magaling kaya ka may maintenance.”

Psh! Kinalimutan ko na nga ang tungkol dun eh. Tapos pinaalala pa niya.

“Alam ko naman ‘yon.”

“Kung alam mo, eh bakit may drama ka pang nalalaman kahapon?”

My Troll Daughter's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon