Kung alam mo lang

8 1 0
                                    


Apat na salita, labing apat na letra.

Kung alam mo lang...

Di ko alam kung saan ako magsisimula,

Napasulat nalang akong isang tula pabigla-bigla

Ewan ko ba kung parasaan,

Ang alam ko lang para sayo.

Oo, para sayo na naman ito.

Itong piyesang to, ito'y tungkol na naman sayo.

Ikaw naman lage ang dahilan ng pagsulat ko.

Di ko matanto na ikaw na naman ang pinapahiwatig dito.

Kung alam mo lang...

Ilang piyesa na ang nagawa ko.

Ikaw at ikaw pa rin ang tungkol nito.

Baliw na yata ako. Pero hindi sayo!

Kundi sa mga alaala na nagmumunimuni sa aking imahinasyon.

Hindi naman naging tayo.

Bakit ganun? Bakit ganito?

Bakit? Ako. Parating nag-iilusyon sayo.

Kung alam mo lang...

Walang araw na hindi kita iniisip.

Palagi kang nasa isip. Sumasagi ka sa isip ko.

Baliw na yata ako.

Kung alam mo lang...

Sa pagmulat ng aking mga mata sa umaga,

Dapat dasal aking inuuna pero

Mukha mo ang aking unang naaalala.

Di ko sadya pero ganun talaga.

Patawarin sana ako ng Ama.

Mas inuna pa kita kaysa sa kanya.

Kung alam mo lang...

Na kahit sa hapagkainan iniisip kita,

(Nabuang na!)

Tinatanong ang aking sarili kung kumain ka na ba?

Walang sagot kasi di ko naman alam.

Di ka naman nagpaparamdam.

Kung alam mo lang...

Sa bawat GMs ko, Iniintay ko ang isang reply mo.

Pero wala. Ni isa man lang. Wala akong natanggap.

Tanggap ko na, na wala kang pakialam.

Kung alam mo lang...

Pagsapit nang dilim ako'y nalulungkot

Sa kadahilanang, maaalala na naman kita.

Ibang lungkot na di ko lubos maisip sinta.

Kung alam mo lang...

Na nasanay na ako sa mga oras na hating gabi,

Sa panahong madalas tayong nag-uusap,

Mga pinag-uusapang walang saysay

Ang mahalaga ay masaya. Walang bagot na nadarama.

Kung alam mo lang...

Ikaw ang dahilan sa di ko pagtulog ng maaga,

Inaantay ang hating gabi na makausap ka.

Umaga hanggang gabi alaala moy aking daladala.

Hatid nito'y ang namimiss ka.

Kung alam mo lang...

Naaalala rin kita sa isang kanta,

Alam kong alam mo kung ano itong kanta,

Ikaw pa nga ang may nagbigay sa akin nun.

Nag-umpisa iyon sa isang lirekong may ulan.

"Nagseselos ka sa ulan", parangganun.

Kung alam mo lang...

Doon nag-umpisa na naaalala kita tuwing umuulan.

Kaya pag-umulan, alam na. Ika'y iniisip sinta.

Baliw na talaga ako. Hindi SAYO!

Kundi sa mga alaalang guniguni ko.

Kung alam mo lang...

May bahagi sa kanta na nasasaktan ako.

Ewan ko kung napansin mo rin ba ito.

Ito yung lirekong masakit pakinggan.

Dahil para bang may ibang pinapahiwatig na kung ano,

Kung alam mo lang...

Damadama ko tong mga linyang to,

"Ang akala mo'y babalik ako..."

"Masaya ako pero hindi sayo..."

Parang ganun ba? Nakakabroken ng ribs.

Kung alam mo lang...

Inaalala ko pa rin ang nooy di ko matanto,

Na ikaw daw ay umibig sakin.

Tumatawa lang ako, kasi di ako naniwala sayo.

Kung noon ay nagpakatotoo lang sana tayo,

(Edi shing!) Sana may TAYO diba?

Ganun talaga, di natin hawak ang kapalaran,

Kung saan di talaga tayo ang dapat.

May nakalaan para sayo, at ganun di para sa akin.

Kung alam mo lang...

May kirot pa rin sa puso ko ang di ko batid kung ano,

Basta nalang itong sasakit pagnaririnig ko ang pangalan mo.

10/26/2016

01:04 A.M.

Midnight ThoughtsWhere stories live. Discover now