Chapter 10: The Unexpected

849 62 6
                                    

STACY'S POINT OF VIEW

"Ibaba mo nga ako!" Pagpupumiglas ko ngunit hindi ito pinakinggan ni Andrew.

Sapilitan at marahas akong ipinasok ni Andrew sa kotse nya at walang pasabing, ibinaksak sa passengger seat "Aray ko!" Pagdaing ko nang tumama yung likod ko sa matigas na bagay.

"Bwiset ka, talaga Andrew!" Sigaw ko ngunit hindi nanaman nya ako pinansin bagkus ay ngumisi pa ito "Wag kang ngumisi-ngisi dyan, baka gusto mong sapakin kita" Naiinis na sigaw ko.

Napakibit-balikat nalang si Andrew at sinarado yung car door sabay umikot papunta sa driver seat. I took that time para bumaba sa sasakyan pero nang akmang bababa na ako, nakapasok na sya at hinawakan ang braso ko.

"Dito ka lang!" Natatawang pahayag nya at sinimulan paandarin ang sasakyan "Arrrghh! I hate you!" Sigaw ko sa kanya. Pambihirang buhay 'to, oo!

Pagnakababa ako sa pesteng kotse na 'to, Pupunta talaga ako sa presinto at sasampahan si Andrew ng kasong kidnaping. Bwiset!

"Saan mo ba ako dadalhin, ha?! Care to tell?!" Galit na tanong ko na sya namang ikinangisi nya "Sa lugar na matalagal ko ng hindi napupuntahan..." Natahimik at napaisip ako sa sinabi nya. Hmm... saang lugar kaya yun?

Tsk! Ewan ko ba sa lalaking 'to. May paganon-ganon pang nalalaman. Bigwasan ko sya eh! Nasobrahan na ata sa pagsinghot ng goma ang walangya kaya gayan kung magsalita. Dinaig pa ang lasing. Tsk!

Binalot ng katahimikan ang buong byahe, matapos kaming magbangayan ni Andrew. Ngayon ko lang narealize, nakakabinge rin pala ang sobrang tahimik noh? Pero okay na rin yung ganito kesa naman sa makipagbangan kay Andrew.

***

"Naan dito na tayo..." Nakangiting sabi ni Andrew dahilan ng pag-irap ako "Ewan ko sayo!" Singhal ko at mabilis na binuksan ang car door. Pagbaba ko sa kotse, sinalubong ako ng malakas na hangin.

Bahagya pa akong napapikit nang tumama ang malamig at sariwang hangin sa mukha ko. Muli kong iminulat ang mga mata ko at nagulantang ako ng makakita ako ng mga batang naglalaro.

Hindi ko ito napansin kanina pagkababa na pagkababa ko sa kotse dahil masyado akong na overwhelm sa sobrang sarap sa pakiramdam ng sariwang hangin.

"N-nasaan tayo?" Tanong ko at tumingin kay Andrew "I told you, sa lugar na matalagal ko ng hindi napupuntahan..." Malungkot na sagot ni Andrew at nagsimula ng maglakad palayo.

Sinundan ko sya pero agad din naman kaming napatigil nang may nakasalubong kaming batang babae. Maiit lang sya and I think she's 4 or 5 yrs. old. Ang cute-cute nong bata at may dala-dalang syang teady bear na luma na. Hay... ang cute talaga.

"Ang cute mong bata ka. Ang sarap mong iuwi sa bahay namin! Hahaha" Sabi ko habang nakatingin doon sa bata. Langya! Baka mauwi ko 'tong batang 'to. Makasuhan pa ako ng kidnaping katulad ni Andrew.

"Hello, Kuya Andrew! Namiss po kita!" Sabi ng batang babae sabay yakap kay Andrew ngunit mahinang tawa lang ang iginanti nya sa bata at bahagyang ginulo ang buhok nito "Kuya Andrew, sino po sya?" Tanong ng bata at tinuro ako.

Ano ba ako sayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon