Chapter 12: The Transferee

774 51 8
                                    

Stacy's Point of View


Gising. Selfie. Bangon. Ligo. Bihis. Kain. Toothbrush. Suot medyas. Suot sapatos. Suklay. Blower. Makeup. Thats my morning routine. Pagtapos kung mag-ayos ng sarili ko, Agad kung kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa kama at inilagay iyon sa bulsa ng uniform ko. After that, Lumabas na ako sa kwarto. Pagbaba ko sa hagdan, Sinalubong ako ni Mommy "Good morning, Mommy" Sabi ko sabay kiss sa checks ni mommy "Good morning, Anak! Sige na, Baka malate ka pa" Sabi ni mommy and she tap my shoulders.

Tumango ako kay mommy at dumiresto na sa kotse. Ilang minuto lang ang byahe dahil walang trafic kaya mabilis akong nakarating sa school. Habang naglalakad sa campus, May nadaanan akong mga estudyanteng nagbubulungan "Nakita mo ba sya kanina? Damn ang gwapo nya!" Sabi ng isang babae "Yeah, I saw him and he is hot as hell" Sabi ng kausap nyang babae "Mukhang gaganahan na akong pumasok araw-araw ah? Balita ko dito daw yun papasok"

Teka nga, Sino ba kasi yang dumating na yan? Buti sana kung artista yan edi ikinatuwa ko pa? Nakaramdam ako ng pagkainis dahil sa pagiging malandi nila! Ang sarap nilang sampalin kaliwa't kanan. May pa "Hot as Hell" at "Damn ang gwapo nya" pang nalalaman. Iuntog ko mga ulo nila sa pader, Makita nila! Nilapitan ko yung dalawang malanding babae at nagcross arms dahilan ng pagtaas ng isang kilay nilang dalawa. Mga malalandi nga naman nagsikalatan. Kung pag-aaral ang inaatupag ng mga toh "Who the hell are you?" Mataray na tanong ng isang babae at pinagmasdan ang katawan ko, Mula ulo hanggang paa "Aware ba kayong ang landi nyo?" Sabi ko na ikinagalit nilang dalawa, Bakit? Hindi ba totoo? "Sino ka para sabihan kami ng ganyan? You bitch! Get lost" Galit na sigaw ng isa "You two must be new here" Sabi ko. Kinuha ko ang ID ko at itinapat iyon sa mukha nilang dalawa. "Im Stacy Dela Cruz, Vice president of the student council" Parehong nanlaki ang mga mata nila ng marinig ang sinabi ko. I smirked, Hindi ba sila aware na ang pinapasukan nilang school ay pagmamayari ni Harold Evangelista, Which is my uncle? Biglang tumakbo yung dalawang babae hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. Coward bitches

Narinig kung nagring na yung bell kaya nagmadali akong pumunta sa classroom. Inaasahan kung maingay at magulong classroom ang madadatnan ko pero pagdating ko, Boys lang ang nakita ko. Teka? Saang lupalop ng mundo naman nagpunta yung mga classmates kung babae? "Hey Stacy!" Sabi ni Drake, My classmate "Nasaan yung iba?" Tanong ko "They welcome the transferee, What about you? Di ka ba pupunta dun?" Tanong nya na ikinataas ng isang kilay ko "Drake, Hindi ako timang para pagudin ang sarili ko para lang sa isang transferee! Ano naman mapapala ko dun?" Singhal ko

Lumapit ako sa arm chair ko at dun ibinaba ang bag ko. Nadako ang tingin ko sa pintuan ng may biglang pumasok dito at nakita ko ang pagmumukha ng bestfriend kung si Claire na hinihingal at pawisan. Para syang nakipag gerahan sa itsura nya. Ano kaya ang nangyari sa bruhang toh? "Bespren, Saang gera ka ba nakipaglaban? World war 1 or world war 2?" Tanong ko na ikinairap nya "Sa world war 3" Pagbibiro nya.

Saktong pag-upo namin ni Claire ay syang pagdating ng terror naming adviser. Kumunot ang noo ng adviser namin, Siguro sa kadahilan ng kaunti lang kami. Napalundag ako maging ang mga classmates ko ng biglang hampasin ng adviser namin ang teacher's table "Where are the others?!" Sigaw ng terror naming adviser "Somewhere..." Bulong ko "Yes Ms. Dela Cruz?" Masungit nyang tanong sabay hampas nanaman sa teacher's table na syang ikinagulat ko "Sinalubong po yung t-transferee" Sagot ko at todong pagngiti pa ang ginawa ko, Lecheng buhay toh! "Hindi ba nila alam kung anong oras ang klase?" Tanong ni teacher

Bakit ba ako ang tinatanong nito? Edi itanong nya dun sa mga late! Dun sya magalit at wag sa amin. Napatingin kaming lahat sa may pintuan ng magsidatingan yung mga classmates kung babae. Consequence? Ayun binigyan sila ng punishments. Dumaan ang walong oras at ngayon ay uwian na. Nasa classroom parin ako ngayon kasama si Claire, Hinihintay mag dismiss itong teacher namin sa science. Gosh gutom na ako! Its already 4pm pero hindi parin nagdidismiss itong science teacher namin.

"Okay class dismiss..."

Pagkasabing-pagkasabi ng prof namin ng mga salitang iyon ay agad kung iniligpit ang mga gamit ko at inilagay sa bag ko. Yayain ko kayang kumain itong si Claire? Im sure, Gutom narin ang babaeng toh "Bespren, May pupuntahan ka ba?" Tanong ko habang sya ay abalang-abala sa pag-aayos ng mga gamit nya "Pupunta ako sa opisina ni Dad" Sagot ni Claire "Ganon ba? Sige" Sagot ko then I smile "Mauuna na ako bespren, Goodbye" Sabi ni Claire at tanging tango nalang ang isinagot ko.

Paglabas ni Claire sa classroom, Nagulat nalang ako ng biglang nagtiliian ang mga classmates kung babae. My gosh! Nakakairita at ang sakit sa tenga ng mga tili nila. Bakit nanaman kaya tumitili ang mga toh? Napatingin ako sa may pintuan nang may dumaan dito and there I saw him. Ang pinaka nakakabwiset na nilalang sa balat ng lupa. Teka may balat ba ang lupa?













To be continued...

Ano ba ako sayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon