Chapter 6: Sleep Over

870 54 5
                                    

STACY'S POINT OF VIEW

Nakaupo ako sa swivel chair ko habang nagbabasa ng libro ngunit napahinto ako nang magring ang cellphone kong nakapatong sa study table. Kaya naman, dali-dali kong ibinaba ko ang librong hawak ko at kinuha ang cellphone ko.

Tinignan ko ang screen ng cellphone ko at nakita kung tumatawag ang bestfriend ko which is Claire. Wala naman akong ibang kaibigan eh, si Claire lang. Agad kong pinindot ang answer button at itinapat sa tenga ko yung cellphone.

Me: Hello bespren! Whats up?

Claire: Hi bespren, bussy ka ba?

Me: Hindi naman... bakit?

Claire: Pumunta ka dito bes! Lets have a sleep over! Wala akong magawa sa bahay ngayon eh. Nababagot ako na ako kaya magsleep over ka dito. Please?~

Me: Okay. Okay. Ahahaha! Papabayaan ba kitang mabagot dyan? Psh. Baka mamatay ka, ako pa magkasala.

Claire: Buti alam mo!

Me: Lol. Sige na... I'll text you nalang pagpapunta na ako. Magbibihis lang ako at kukuha ng ilang damit.

Claire: Alright then, hihintayin nalang kita! Hoy bruha! Bilisan mo ha. Baka abutin ka ng isang oras dyan. Nako!

Me: Ahahaha~ Okay, babye!!

Claire: Babush! Mwah!

Pinindot ko na ang end call at inilapag ulit ang cellphone ko sa study table. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa swivel chair at masayang nagpunta sa walk in closet ko. Yeah, may walk in closet ako.

Naglabas ako ng maliit na maleta at inilapag ito sa kama ko. Muli akong pumasok sa walk in closet ko para kumuha ng ilang damit na dadalhin. Matapos ang ilang minutong pagiimpake ay nagpalit na ako ng damit.

Matext nga si bespren, inabot rin ako ng 20 minutes sa pag-iimpake eh

Me: Bespren, im on my way

Aminin nyo, girls. Ganito rin kayo 'no? Sasabihing 'Im on my way' pero ang totoo, naliligo o magbibihis palang kayo. Hahaha!

Claire: Sige bespren. Bilisan mo ha? Ingat

CLAIRE'S POINT OF VIEW

"Kuya, nasaan yung USB?" Tanong ko kay kuya pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto nya "Find it by yourself, Claire. May mata ka. Hindi yan ginawa para ipang-display lang" Masungit na sagot ni kuya habang nakatingin sa laptop nya.

Napairap naman ako dahil sa sinabi nya. Ang sungit talaga nito. Nakakaimbyerna eh! Daig pa ang 'meron'. Nakakaloka!

Nagsimula na akong maglibot sa kwarto nya para hanapin ang USB na gagamitin namin mamaya ni Stacy. Balak ko kasing magmovie marathon with her later eh.

Napahinto ako sa paghahanap ng may maalala ako "Uhmm... kuya?" Sabi ko na ikinalingon naman ni kuya "What?" Tanong ni kuya at muli tumingin sa laptop nya "Where's Angel? Any news about her?" Tanong ko at tumingin sa kanya

"How should I know?" Pabalik na tanong ni kuya dahilan ng pag-irap ko "Nasaan na kaya ang impaktang yun?" Bulong ko at nagpatuloy na ulit sa paghahanp ng USB "Shut up, Claire! Wag natin syang pag-usapan so please, shut up!" Sigaw ni kuya na syang ikinagulat ko.

"Hey, Andrew Valdez! Wag mo nga akong masigaw-sigawan dyan! Gusto mong isumbong kita kay Mom?!" Saway ko at pinamewangan sya. Tumayo si kuya sa kinauupuan nya at may kinuha sa cabinet.

"Here's the USB!!" Sigaw ni kuya sabay bato ng USB sa akin na sya namang nasalo ko "Now get out!" Sigaw ni kuya sabay turo sa may pintuan. Is he serious?!

Nanatili lang akong nakatayo "Kuya..." Naiiyak na bulong ko at nagulat ako nang itulak nya ako palabas ng kwarto nya at galit na isinara ang pinto. Napabuntong hininga nalang ako "Nagbago ka na talaga, kuya..." Bulong ko sabay yuko

This is the first time na sinigawan ako ni kuya at hindi ako makapaniwalang nagawa nya yun kanina. Yeah, nang-aasar sya pero never nya pa akong sinigawan kahit kailan, ngayon lang. Nagbago na talaga ang kapatid ko. Hindi naman sya ganyan dati eh.

"Anong ginawa mo sa kuya ko, Angel?!"

STACY'S POINT OF VIEW

Inilagay ko muna ang cellphone ko sa bag bago bumaba ng hagdan. Nang makarating na ako sa sala ay agad kong tinawag si manang para sabihan ang driver ko/namin na ihatid ako sa bahay ni Claire at ipalagay ang maleta ko sa kotse.

***

Nang ihinto ni kuya driver ang kotse sa tapat ng bahay ni Claire, agad akong bumaba dala-dala ang maleta ko "Kuya driver, pwede na po kayong umalis. Dito po ako matutulog ngayon eh. Salamat po!" Sabi ko at ngumiti

"Walang anuman, ma'am Stacy!" Sabi ni Kuya driver "Sige po, ma'am. Alis na ako, ingat po. Text nyo nalang si manang kung magpapasundo na kayo" Sabi ni kuya driver "Sige po..." Nakangiting sabi ko

"Bye, ma'am!" Pagkatapos ni kuya driver sabihin ang mga katagang iyon, pinaandar nya na ang kotse at umalis na.

*RAIN DROPS*

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman kong umaambon na "What the---seriously?!" Gulat na sigaw ko at mabilis na tumakbo papunta sa pintuan ng bahay nila Claire.

Mabilis akong nagdoor bell pero bwiset na yan, walang nagbubukas. Naka lock kasi eh. Napayakap nalang ako sa sarili ko dahil sa nilalamig na ako at basang basa na ako ng ulan. Arrgghhh! Wala ba talaga kayong balak buksan itong pinto?!

"BUKSAN NYA YUNG PINTO! UTANG NA LOOB! BASANG BASA NA AKO!"

Napahinto ako sa pagpipindot ng door bell ng magbukas ang pinto at tumambad sa akin ang mukha ng taong ayaw na ayaw kong makita. Lecheng yan! Bakit ngayon ko lang naalala na magkapatid nga pala sila?!

"Anong ginagawa mo dito?!" Gulat na tanong nya na ikinairap ko naman.


***

VOTE & COMMENT

Ano ba ako sayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon