Simula

1 0 0
                                    

"Hoy bes musta? Kabog ka ha nakapasa ka pala sa ---? Napakawitty naman daw pala ng friend ko. O siya sige na kinongrats lang kita, kita tayo mamaya ililibre mo ko."

Kakagising ko lang at hindi ko alam kung anong sinasabi ng kaibigan ko tungkol sa pagkapasa ko sa ---. Nagising ang buong diwa ko noong mabasa ko sa messenger ang mensahe at makita ko ang litrato na nagsasabi nakapasa nga ako sa naturang paaralan.

JUNE 26, 2015 nagpasa na ako ng mga requirements ko para maging ganap na yung pagkapasa ko sa ---. May mga nakausap na agad akong katulad ko na freshmens, medyo awkward kasi di ko naman kakilala sabay usap agad, feeeling close eh. Marami rin pala kaming nakapasa, may nakita rin akong mga kabatch ko na nakapasa rin.

JULY 6, 2015 ganap ng nagsimula ang klase, parang UP pala yung schedule at grading system ng school na napasukan ko. Sinasabi ko na sainyo, pasang-awa ako sa entrance exam kaya medyo kinakabahan ako. Unang subject, Math agad. Math is life daw sabi ng iba, wag nga ako.

Syempre di mawawala yung getting to know yourselves. Nagpakilala na sila syempre bandang huli ako kasi pagood-shot muna kunyare mabait na estudyante. Ako na pala yung susunod na magpapakilala. Habang nagpapakilala, napansin ko yung isang lalake sa bandang unahan ng klase. Di siya nakatingin sakin, kaya medyo nainis ako. Attention seeker kasi ako.

Chado daw yung pangalan nun sabi ng kaklase ko, crush niya nga daw kasi ang gwapo. Ako naman nakinig nalang sa mga pinagsasabi niya kasi ayokong makinig sa prof namin.

Natapos ang araw ng matiwasay naman kahit papaano pero naaalibadbaran parin ako kay Chado ang presko eh akala mo naman kung sino. Kahit kailan hindi ako magkakagusto sakanya. Never. Over my dead and beautiful body.


Pero darating ka pala talaga sa punto na kakainin mo lahat ng sinabi no? Nagkagusto ako kay Chado. Oo na hunghang na pero kasi mahirap diktahan ang puso. Nagulat na nga lang ako kasi nagkagusto ako sakanya.

Dumating sa punto na alam niyo yun possessive ka na sakanya kahit wala namang kayo? Nagbigay kasi ng motibo kaya ayun umasa at kumapit ako kahit wala namang label ang namamagitan saming dalawa.

Tinago ko to hanggang matapos ang unang semestre. Tinawag niya ako kasi maguusap daw kami. Ako naman si loka, kinikilig at nageexpect na may kakaibang mangyayare.

"Itigil mo na yan." unang mga salitang nasambit niya habang nakatingin sakin ng seryoso.

"Ha? Ang alin?"

"Iyang nararamdaman mo para sakin."

"Pero sabi mo diba? Magiging okay ang lahat?"

"Sorry."

"Di ba sabi mo magiging okay tayo?"

"Walang tayo, at walang magiging tayo! Hindi kaba nakakaintindi? Tangina."

"Pero ikaw ang nagsab--"

"Ginawa ko lang yun kasi inutos ng tropa ko, dalawang libo din y--"

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Iginawad ko sakanya ang isang malakas na sampal na dapat  lang sa isang manlolokong katulad niya. Atsaka ako umalis ng luhaan.

Entry 456

Umiyak ako ng umiyak ng araw na iyon. Pero may narealize ako ng biglaan. Bakit ba ako iiyak kung wala namang title ang namamagitan saming dalawa?

Natatawa ako ngayon habang binabasa ko ang mga nakalagay sa diary ko noong unang taon ko sa kolehiyo. Isinara ko na ang maliit na kwadernong hawak ko at ako'y pumikit habang inaalala ko ang mga sumunod na nangyari sa akin sa ikalawang semestre ko sa kolehiyo.

Walang TitleWhere stories live. Discover now