Ganun padin. Gumising ako ng mas maaga para hindi ako mahuli sa klase makupad pa naman akong kumilos sa umaga. Atsaka nagbabakasakali akong makasabay ko ulit yung lalake kahapon para magpasalamat sakanya.
Pero ayun umasa naman ako. Hindi ko siya nakasabay pero okay lang mas mahalaga di ako nahuli kundi malilintikan talaga ako sa prof ko sa Filipino.
Tanghalian. Kumain kami sa murang kainan na malapit sa eskwelahan. Medyo lutang ako gawa ng unang meeting palang namin sa isa naming subject may quiz na agad. Dahil nga lutang ayun di namalayan na may bato pala dun sa harap, ang ending nadapa si tanga. Tinawanan ako ng mga kaklase ko, tumayo nalang ako na parang walang nangyare. Napako ang tingin ko sa isang karenderya. Nandun yung lalake kahapon, nakatingin sakin na parang nagtataka. Di ko nalang pinansin dahil kahihiyan na ang nangyare sakin ngayon.
Natapos ang araw ng matiwasay pero sobrang stress dahil sa dami ng mga gawain sa school, kakapasok lang namin may project na agad? yung totoo?
Habang naghihintay ng sakayan patungo samin, naramdaman ko na may tumabi sakin. Yung lalake sa jeep. Di ko pinansin alangan namang maki-FC agad ako. May dumaang jeep na patungo samin. Isa nalang daw kulang. Nagkatinginan kaming dalawa. Tumingin siya sakin na parang ako ng yung sumakay. Choosy paba? Syempre ako na yung sumakay. Nakipagsisiksikan ako sanay na naman akong ipagsiksikan sarili ko sa iba. Joke.
Pero bago makaalis ang sinasakyan kong jeep. Sumigaw ako ng malakas na salamat kay kuya. Di ko alam kung narinig niya bigla kasing may dumaan na humaharurot na motor, pashnea.
Entry 567
Wala lang. Tangina nung motor eksena eh.
— & —