Isang tanong, isang diretsong sagot

5 0 0
                                    

#Spokenwordpoetry
(Isang tanong, isang diretsong sagot!)

Sabihin mo sa 'kin kung laro lang ang lahat!
sabihin mo sa 'kin na hindi ako importante sa'yo!
Para mas madali ang aking paglayo 't paglimot sa lahat ng ito!
Nagtanong ako ng maraming beses kung ano at sino ba ako sa buhay mo?
At paulit- ulit kong inuulit- ulit and mga katanungang 'yon!
Ngunit... isang tipid na sagot lamang ang iyong nasagot sa 'kin!
"OO Naman"

Gano'n ba kahirap na masagot ang isang bagay o katanungan na alam mo kung ano ang totoo sa kaibuturan ng 'yung pagkatao?
Nang 'yong puso?
Tssk, nakakatawang isipin na nagpapakatanga ako!
Ay, matagal na pala akong DAKILANG TANGA!
Na nagpakatanga sa'yo!

Pangako, pangako!
Oo pangako! lilisan ako at 'di ka na muling gagambalain pa,
Tandaan mo 'yan, itanim mo sa 'yong isipan
Oh! Kaya'y isulat sa papel! sa notebook! sa dingding ng bahay ni'yo!
Pangako, lilisan ako at 'di ka na muling gagambalain pa,,,
kung ang kasagutan mo ay ang aking paglayo,
Kung ang sagutan mo ang magiging kalayaan mo!
Basta sagutin mo lang nang isang diretsong sabot ang tanong ko!?
Diretso ha? Walang paliguy- ligoy!

Pero, saglit, hihinga muna ako nang malalim;
Hihinga ako nang malalim upang tanggalin ang daga na kanina pa gustong kumawala sa aking dibdib,
(Hinga ng malalim)

Ngayon, (repost) sagutin mo ako!
Ano ang lugar ko sa puso mo!?
Minahal mo ba ako? (Slightly tone)
O... Pinagtrip- an mo lang?
Para may maipagmalaki ka sa mga P*******ng
mga barkada mo!?
Ngayon! Sagutin mo ng diretso at walang pasintabi!?
Pangako, kakalma ako sa ano mang
magiging tugon mo,
Iiyak ako! oo iiyak ako! pero matutuyo at mawawala rin ang lahat ng sakit,
Kaya, sagutin mo ako nang isang diretsong sagot!

Mahal o--- minahal mo ba ako?!

To speak and wrote the word's into poemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon