Sa muling Paghiling

0 0 0
                                    

Mula sa lilim ng sinag ng buwan,
Ay mataman kong pinagmamasdan;
Ang bawat bituing nagkikislapan;
Mga talang may sariling kagalakan,
At 'di mawari ang sining na nais ipahayag;
Maging ang mga nilalang-- sa silangang manlalayag.

Sinubukan kong paglakbayin— mga daliring mumunti;
Iginuhit ang nais ng isipang nagdadalamhati,
Pangalan mo'y aking naiguhit;
Sa aking alaala'y muling napunit;
Pusong sugata'y muling sumariwa;
Sapagkat abang aking irog ay muling nagbalik sa aking diwa.

Luha ay hindi namalayang naglandas,
Maging ang sakit ng kahapo'y muling umagalpas!
Bakit?! Bakit ikaw pa mahal ko?
Bakit hindi na lang ako?!
Bakit kung kailan mahal na natin ang isa't isa?
Saka naman tayo pinaglayo ng tadhana't pinagdusa.

Muli kong tiningala ang kadiliman ng kalangitan;
At mapait na ngumiti ang labing puno ng kapaitan,
Muli--muli kong hiniling sa mga bituing nagniningning;
Ang iyong muling pagdating at muling makapiling.


To speak and wrote the word's into poemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon