Phantera Tigris
(~~~anonymous~)
Paalam, salitang iyong binigkas bago mo 'ko lisanin.
Paalam, isang salitang nagpaguho sa aking mga pangarap.
Paalam, isang salitang nais kong limuti' t burahin sa 'king isipan.
Paalam, isang salitang pilit na naghihimagsik sa buong pagkatao ko;P-A-A-L-A-M!
PAALAM!
Isang salita na may anim na letra!
Oo! Anim na letra lamang;
Ngunit sa anim na letrang 'yan----
Nawalan ako ng balanse;
Balanse: sa buong pagkatao ko;Nagtanong ako kung bakit o ano ang sanhi ng 'yong pamamaalam?
Ngunit: piping titig ang iyong itinugon;
Mga matang 'di mawari ang nais sabihin,
Mga matang puno ng kalungkuta't hinanakit;
Mga matang: sadyang ibinalot at itinago ang totoong sanhi ng 'yong pamama- alam.At sa iyong muling pagbabalik;
Maaari mo bang tanggalin ang sakit?
Ang pag-aalinlangan at takot sa 'king puso?
Maaari mo bang ipakita sa 'king muli ang liwanag ng pag-ibig?
Kupkupin at itago sa lilim ng 'yung pagmamahal?Ang nais ko lamang sana 'y maramdamang muli ang magmahal at mahalin ng tapat;
Ang lumaya mula sa karimlan ng kadiliman at paghihiganti!
Ang matutong harapin ang sakit at pasakit na ibibigay ng tadhana sa 'kin!
Kung sakaling muling magbabalik ang
sakit at kalungkutang 'yon.
Ang nais ko'y ikaw ang karamay...