DIANNE RAE POV:
🎶 tulala sa isang tabi 🎶
🎶 hindi mapakali 🎶
Nakadungaw lang ako sa bintana ng aming silid ng may narinig akong kumakanta sa aking tabi. Nilingon ko ito. Isang lalake at may hawak na guitara.
🎶 string 🎶
What the....
Napamura na lamang ako sa aking isipan ng mag sisimula nanaman ito sa pagtutog. Tinitigan ko ito ng masama. Agad naman itong ngumiti at nag *peace sign*
Putcha! Kabadingan...
Napapailing nalamang ako sa kaniya at muling bumalik sa pag dungaw. By the way. Para sa mga nag tataka. YES. Pumapasok na ulit ako mag mula ng dumating si Auntie Judith ay siya ang nag enroll sa akin dito sa (--------- university). Kahit ayoko talagang mag aral ay wala na akong magagawa pa. Basta si Auntie Judith na ang usapan taob na talaga ako sakanya. Sino ba naman hindi matatakot sa kaniya eh siya lang naman ang Pumapangalawa sa larangan ng Martial Art. Sa lahat ah! it means whole world at siya rin ang pinakamagaling sa pag hawak ng iba't-ibang uri ng armas. Baril. Espida. Kunai o ano paman. Hindi man halata sa kaniya pero totoo talaga lahat ng iyon. Si Dad lang talaga ang hindi niya kaya, at oo si Dad ang Numero uno sa lahat.
Okay! Back to normal.
Tatlong araw na ang nakakalipas ng mailibing sila Eugene. Halos araw-araw ko silang dinadalaw. Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang lahat. Napakasariwa. Kung minsan ay mapapanaginipan ko nalamang ang lahat at hindi na muli akong makakatulog. Kung minsan naman ay ang mga masasayang alala nalamang ang bumabalik sa aking isipan. Si Mark at Kevin na pang-asar. Si David na laging nakakatanggap ng batok at Si Eugene na madalas asarin.
Napabalikwas ako ng may mag salita sa harapan ko.
"Bagay sayo kapag naka ngiti" saad nito. Napapalayo ang mukha ko dahil sa kaniya. Naka upo siya sa mesang kaharap ng aking upuan at nakapalumbaba habang nakapatong ito sa kaniyang binti.
Lalong napapalayo ang aking mukha at mas lalong napapakunot ang aking nuo dahil sa pag lapit nito at titig na titig sa akin. Hindi na ako nakapag pigil pa. Agad kong naisuntok ang kanan kung kamay sa kaniyang ilong.
"Aaaahhh... Bakit mo ginawa yun?" Inda nito sa sakit habang hawak ang kaniyang ilong.
Tss... Pasalamat siya at hindi pa malakas ang ginawa ko.
Padabog akong napatayo sa aking silya at ikinawit ang aking bag sa aking balikat. Napansin kong lahat ng tao sa silid ay sa amin nakatingin. Ang iba ay mukhang na gulat at ang iba naman ay mukhang galit. Hindi ko na sila pinansin pa at tumuloy na sa pag labas ng silid. Nakatapat na ako sa harap ng pinto ng biglang may humarang sa daraanan ko. Matangkad ito sa akin kaya naman ay tumingala ako para makita kung sino ito. Isang babae. Nakapusod. May kaiklian ang skirt. Naka 5inch. High heels na kumikinang pa.
"Siguro ikaw ang bagong estudyante dito" bungad nito sa akin.
Ah... Mukhang siya naman ang professor dito.
"Go back to your sit MS.GARNER" Pinagkadiinan pa nito ang apilyedo ko. Wala na akong nagawa pa kaya bumalik na ako sa aking silya at naupo ng pabagsak.
Kung hindi lang dahil kay Auntie Judith ay nilayasan ko talaga ang professor na ito. Mukha lang siyang masungit.
"Tss... Walang kwenta" pabulong na usal ko at humalukipkip.
"May sinasabi ka Ms.Garner?"
Inirapan ko lamang ito at dumungaw nalamang ulit sa bintana. Narinig ko na itong mag salita ngunit hindi ko parin ito nililingon.
YOU ARE READING
The SLAYER
ActionHigh School students who did not know his true identity. Her family died due to unknown people for wearing the black dress like a ninja or assassin. kitang-kitang ng dalawa niyang mata ang pagkamatay ng kaniyang magulang maging ang mga mata nitong l...