CHAPTER 1

12 1 0
                                    

"Class dismiss" malakas na sigaw ng professor kasabay ang ring ng bell sa eskwelahan.


Agad na lumabas ang professor, kasunod nito ang mga nag sitayuan ng studyante. napag pasiyahan nalamang niya na pumunta sa rooftop ng eskwelahan dahil mas tahamik doon at walang mga mata'ng nakatingin sa bawat galaw niya.


Pakiramdam niya ay kakaiba siya sa mga ito at dinaig pa ang mga bubuyog sa ingay. Ilang minuto narin siya'ng naroon at nakatingin lamang sa kalangitan, narinig niya'ng nag bukas ang pinto at pabagsak na isinara iyon upang masira ang tahimik niya'ng paligid. marahan niyang sinilip ito at isang lalake ang bumungad sa kanya mula sa pag kakabato, natanaw nito ang ilang kalalakihan na sa tingin niya ay mga nag sisiga-sigaan sa eskwelhan. muli niyang tinanaw ang binatilyo, marami na itong galos at pasa sa mukha sabog narin ang kaliwang bahagi ng kaniyang labi. Nanginginig na ito sa takot at namumutla na marahil sa kaba.


Agad na lumuhod sa kaharap nitong lalake ang binatilyo,sa tingin niya ay ito ang tumatayong pinuno sa grupo, sa likod nito ay mga lalake'ng nakatayo at may hawak na baseball bat at mga nag lalakihang kahoy. sa tingin niya ay mga taohan ito at kung bibilangin ay aabot ito ng sampo maliban sa pinuno at isang lalake na nasa kanang bahagi nito.


"Vincent maawa ka, hindi ko na uulitin, hindi ko alam na may gusto ka sa babaeng iyon" pag mamakaawa nito. sa halip na panoorin ang mga ito ay napag pasyahan niya na lamang ng umalis na, dahil sa tingin niya ay hindi na siya makakapag pahinga pa gawa ng mga kalalakihang iyon.


Naririnig pa nito ang bawat hampas nila sa binatilyo habang inaayos ang kanyang gamit. Nang matapos ay nag lakad na ito patungo sa pintuan, akma na nito'ng hahawakan ang doorknob ng biglang may tumawag sa kaniya.


"Hoy! sino ka namang babae ka at anong ginagawa mo rito?" malakas na sigaw nito. marahan niyang nilingon kung sino man ang tumawag sakanya. napansin niyang halos lahat ay nakatingin sakanya.


Kaya ayoko sa eskwelahan eh... hindi naman ako artista para titigan nila. naiirita niyang sambit sa kanyang isipan. sa halip na sagutin niya ito ay tumalikod na at akmang bubuksan muli ang pintuan ng biglang may bumato sa kanyang likuran.


nauubos niyang pasensya nilingon ito.


"wag mo kong tinatalikuran kapag kinakausap kita" saad nito habang palapit sa kanyang harapan. "Hindi mo ba ako kilala?" dagdag pa nito. dahan-dahan niyang inangat ang kanyang paningin at walang ka emosyong tinitigan ito. "Mukhang hindi mo nga ako kilala, sige dahil sa maganda ka naman ay mag papakilala ako sayo, Ako lang naman ang pinakakatakutan sa campus na'to at ang nag iisang anak ng may ari ng eskwelahang ito, paiksiin natin para mabilis, My Name is Vincent Catamora" pagtatapos nito sa kaniyang litanya at inilahad ang kanang kamay nito. hindi tinanggap ng babae ang kamay nito sahalip ay humalikipkip lamang ito na tila na babagot na.


"Mukhang pipi ata ito, pero ayos lang sexy at maganda kanaman eh" saad ni Vincent at akmang hahawakan ang pisnge ng dalaga.


"Don't.you.dare.to.touch.my.face" matigas na saad nito at binigyan ng matulis na tingin. Marahang napaatras ang lalake, ngunit agad naman itong tumawa ng nakakaloko.


"Inglesera pala itong babae'ng to, kaya pala hindi ako naiintindihan" pigil na tawa pa nito, maging ang ibang kalalakihan ay humahagalpak na rin sa tuwa. lumapit muli sa kanya ang lalake at agad na hinawakan ang kaniyang braso.

The SLAYERWhere stories live. Discover now