Chapter 2

60 4 0
                                        

Rizza's POV

Nandito uli ako sa may park at nakaupo sa mismong bench kung saan kami lagi umuupo DATI...

Halos ilang buwan na din ang lumipas pero masakit pa din :(

Umiiyak nanaman ako.

Ito na yung routine ko araw-araw...

Pupunta dito tuwing alas-kwatro ng hapon tapos uuwi na ng mga bandang alas-sais ng hapon...

Tanging ang butler lang naming si Yohan ang naghahatid-sundo sakin dito...

Dito lang ako sa bench maghapon. Nakikinig sa paligid, pinapakinggan yung mga bagay na di ko naman nakikita...

Madaming naglalaro, madaming tumatawang mga bata...

Ang saya ng paligid.

Halata sa mga tawa nila. Gaano kaya kasaya tignan ang mundo?

Haaaaayyy...

Kung pwede ko lang sana makita ;/

Maya-maya pa ay may narinig akong tumatalbog, sigurado akong bola yun kasi mahilig mag laro si Andrew ng basketball...

Sa di kalayuan ay may nagtatawanang mga kalalakihan...



tss... Naaalala ko nanaman yung tawa ni Andrew :(

Yung mga tawanan nila ni Antonette habang ako naman ay nakatunganga lang dito, na walang kamalay-malay na naglalambingan na pala sila mismo sa harap ko...

Masakit nanaman.
Kailan ba to titigil?

"Miss, UMILAG KAAAA!!!"

May biglang sumigaw at di ko alam kung sino yung sinisigawan nila pero maya maya ay...

May biglang yumakap sakin na siyang ikinagulat ko.

My heart skip a bit...

Kasabay ng yakap na yun ay isang malakas na kalabog ng isang bagay sa likod ng isang tao...

Ano to? Ako ba dapat yung umilag???

Niligtas ba ako nitong nakayakap sakin?

Humiwalay siya ng yakap sakin at alam kong naka tingin siya sakin...

"Okay ka lang ba?" Mystery guy

"O-oo, S-salamat!" ako

"Bat di kaba umilag? Bulag kaba? Di mo ba nakita yung bolang muntikan nang tumama jan sa ulo mo??!!" Galit na sabi sakin ni Mystery guy

Napayuko nalang ako at sumagot...

"O-oo... S-sorry kung bulag ako" malungkot kong sagot sa kanya...

"What? Niloloko mo ba ako?" di makapaniwalang tanong niya

Iniangat niya ang ulo ko at parang kumaway kaway sa harapan ko...

Nang bitawan na niya ang mukha ko ay yumuko nalang ako ulit

"Sorry kung di ko nakita, sorry kung nasaktan ka ng dahil sakin :(" paghihingi ko ulit ng tawad

"O-ok lang... S-sorry kasi di ko alam ;(" Mystery Guy

"Ok lang, thanks nga pala." ako

"Wala yun... Next time wag ka nang umupo dito, alam mo naman ata na nitong bench na to yung basketball court kaya madaming naglalaro ng bola" paalala niya sakin

Tumango ako at yumuko ulit...

Naramdaman ko namang umalis na siya...

"Thank you Kuya Guardian Angel:)" bulong ko sa sarili ko

Jopet's POV

Sh*t! Pahiya ako dun ahh!

Di ko alam na bulag pala talaga siya...

Sinigawan ko pa!

Ang TANGA mo talaga Jopet!

Kaya nga di nakailag diba?

Pssshhh!

Ba't ba kasi dun pa siya umuupo?

Madami kayang naglalaro ng bola dun! Tss...

Nakakaawa naman siya...

Ang GANDA sana kaso BULAG???

Nasa balance paba ang mundo?

NEVERMIND

Makauwi na nga lang!Pahiya talaga ako dun! Shete!

★The Blind [OnHold] Donde viven las historias. Descúbrelo ahora